PNoy on his lack of lovelife: “Ako ang dakilang abay.”

“’Di naman ako siguro failure. ‘Tulad ng iba, ako ay nagmahal at minahal rin," says President Benigno Aquino III when asked about his lack of lovelife.


“Ako ang dakilang abay.”

Ito ang pagkumpirma ni President Benigno “Noynoy” Aquino III tungkol sa kanyang pagdalo sa nalalapit na kasal ng celebrity couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa December 30.

Nauna na ring naiulat na si PNoy ang tatayong Best Man ni Senator Chiz Escudero sa kasal ng huli at ng aktres na si Heart Evangelista sa February 15, 2015.

“Sa December [30], nasa kasal ako ni Dingdong at Marian. Sa Febuary [15], kay Chiz at Heart naman,” saad ni PNoy

Base ito sa tweets ng ABS-CBN news reporter na si Jeff Canoy ngayong araw, December 12.

Kasabay nito ay hindi maiwasang usisain ang estado ng lovelife ni PNoy, lalo pa’t sa edad na 54 ay nananatiling single ang kanyang relationship status.

Ngunit sa kabila ng kawalan niya ng steady girlfriend, iginiit ng Pangulo na hindi niya iniisip na siya ay bigo sa larangan ng pag-ibig.

Aniya, “’Di naman ako siguro failure. ‘Tulad ng iba, ako ay nagmahal at minahal rin.”

Ilan sa mga nakarelasyon noon ni PNoy ay sina Shalani Soledad, Bernadette Sembrano, at Korina Sanchez.

Naugnay rin sa Pangulo ang ilan pang showbiz personalities ‘tulad nina Liz Uy at Grace Lee.

Sa ngayon, tuloy lang ang serbisyo-publiko ni PNoy, na nakakuha ng may pinakamataas na approval ratings kumpara sa ibang top officials ng bansa.

Ayon sa resulta ng November 2014 survey ng Pulse Asia, 59 percent ang nakuhang score ni PNoy, 45 percent si Vice President Jejomar Binay, 47 percent si Senate President Franklin Drilon, at 37 percent si Supreme Court Justice Ma. Lourdes Sereno.

Pahayag ni PNoy ukol dito, "Yung taong-bayan naniniwala pa rin sila. May satisfaction. At the end of the day, thank you sa paniniwala."

Kakabalik lang ng bansa ng Pangulo mula sa ginanap na Association of Southeast Asian Nations Republic of Korea Summit kahapon, December 11.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN