Jasmine Curtis Smith wants to move on from bashing of KathNiel fans: "Iintindihin pa ba natin yung mga taong ayaw sa ’yo?"

Jasmine Curtis Smith on sister Anne Curtis’s effort to defend her from bashers: “It’s a very natural thing to do for an older sister and maybe even for parents, ’di ba, kuyas, if ever. So, you know, it’s just in her nature talaga, e. Kahit… be it my fans, be it my friends, or anyone talagang she’s there to protect me. Kasi si Ate hindi naman siya pumapatol sa namba-bash sa kanya, ‘wag lang pamilya niya.&rdq


Makakasama raw ni Jasmine Curtis Smith sa Australia ang kanyang buong pamilya, kabilang na ang ate niyang si Anne Curtis, nang tanungin kung ano ang plano niya sa darating na Pasko.

Aniya, “I’ll be going home to Australia this Christmas and then I’ll be back here for the New Year’s countdown.

“My ate, my brother, my cousins will all be in Australia with us.

“My mom, ayun, puwede ako mag-Pasko dun so I can come back for work on New Year’s Eve.”

Kailangang bumalik ng young actress sa Pilipinas para New Year’s countdown na unang beses gagawin ng TV5.

Sabi ni Jasmine, “We have a countdown in Quezon City Memorial Circle.”

Sa ngayon, maghahanda pa lang si Jasmine para sa kanyang gagawin sa New Year’s Eve countdown ng Kapatid network, ngunit hindi pa nito sigurado kung ano ang kanyang gagawin.

Aniya, “So far, we haven’t really… I haven’t been told yet.

“But yun lang ang alam ko…”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jasmine sa Smart Life launch, sa Rockwell Powerplant Mall, Makati City, ngayong araw, December 12.


PROTECTIVE SISTER. Kabilang sa napag-usapan sa panayam kay Jasmine ay ang pagtatanggol sa kanya ng kapatid na si Anne Curtis mula sa ilang fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, na patuloy ang pamba-bash sa kanyang Instagram account nitong mga nakaraang araw.

Nagsimula ang pamba-bash kay Jasmine nang masangkot ang young actor sa isang audio scandal ni Daniel.

Read: Anne Curtis to KathNiel fans: “Stop the hate and spread the love and peace…”


Saad ni Jasmine tungkol sa mensahe ni Anne sa kanyang bashers, “It’s a very natural thing to do for an older sister and maybe even for parents, ’di ba, kuyas, if ever.

"So, you know, it’s just in her nature talaga, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit… be it my fans, be it my friends or anyone, talagang she’s there to protect me.

“Kasi si Ate, hindi naman siya pumapatol sa namba-bash sa kanya, ‘wag lang pamilya niya.”

Pinasalamatan ni Jasmine ang ate niya sa pagtatanggol sa kanya nito, at nais na lang daw niyang mag-move on mula sa issue.

Sabi ng Kapatid talent, “Of course, kahit papa’no, I said thank you kasi she’s showing how much she supports me and she cares for me.

“And then, we just move on from it kasi, honestly, we need to know where to separate our work from our personal life.

“So, part lang siya ng work and then, yun na, matutulog lang ako sa kanila and then breakfast the next day, normal day na siya.”

Ano naman ang masasabi niya sa patuloy na pamba-bash sa kanya?

Sagot ng 20-year-old actress, “Ganun talaga, it comes with the work, it just comes with the…

"It’s just how strong, I guess, fandoms are in the industry.

“And that’s something that you really just can’t control so go with the flow and focus ka na lang.

“Parang, alam mo yun, to live positively and just focus on your work.

"Kasi, at the end of the day, you’re alone, you’re just by yourself, ’di ba?

“Iintindihin pa ba natin yung mga taong ayaw sa ’yo?

“Dapat yung nakaka-good vibes lang para kapag natulog ka, nakangiti ka.

“Positive lang, ‘di ba?”

Sabi pa ni Jasmine, “I’m okay with everyone kasi I made sure to address everyone, including Sam [Concepcion, her boyfriend].

"And to me, you know, I think I don’t wanna anymore, e, comment.

“Kasi the more that I comment, the more it gets bigger.

"So, let’s just leave everything in the past and move on, right?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-trauma na kaya siyang gumamit ng social media sites?

Sagot ni Jasmine, “Hindi naman, mas ano lang ako ngayon… neutral.

“Pero I still share my life and my work with the people online.

“I just... I’ve learned to disconnect so I can also live life with the people I’m with at the moment.

“But when I need to connect to fans and then people I work with, of course, I have to use that also.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN