Mike Tan does not want to be a ’replacement’ for Aljur Abrenica

Mike Tan on fellow Kapuso star Aljur Abrenica: “Palagi ko namang sinasabi na magkaiba kami ng market ni Aljur. Magkaiba kami ng specialty or field. Si Aljur, mas entertainer, siguro ako mas sa pag-arte."


Ipagdiriwang ng Kapuso star na si Mike Tan ang kanyang 28th birthday sa December 31, kaya literal na bagong taon at bagong buhay sa kanya kapag sumasapit ang pagpapalit ng taon.

Ayon kay Mike, ang 2013 at ang 2014 ang dalawa sa maituturing niyang best years pagdating sa kanyang career.

“Thankful naman ako palagi. Kahit na anong dumating, thankful ako palagi,” pahayag ng Kapuso actor sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

May limang buwan na siyang walang regular show magmula nang matapos ang huling teleserye niya sa GMA Network, ang Kambal Sirena. Pero ginagamit daw niya ang mga libreng oras para mas mahasa pa ang kanyang craft.

“Kapag wala akong ginagawa, usually sinusubukan kong i-hone ang skills ko para sa acting.

“Usually, ang ginagawa namin doon, panonood ng movies, pagre-reflect.

“After Kambal… bumalik din ako sa pagsu-swimming, pagtakbo, yung mga hindi ko magawa kapag may taping.”

Balita pa niya, “This year, may mga endorsements na dumating.

"Hindi naman ako pinapabayaan, lalo na ng GMA Artist Center.

“Kaya masaya naman ako, hindi ako nagkakaroon ng anumang bitterness.”


STAND-IN? Simula nang hindi na naging visible si Aljur Abrenica dahil sa paghahain nito ng reklamo laban sa GMA, marami ang umaasang mas pagtuunan ng pansin at mas bigyan pa ng oportunidad ng network si Mike, ’tulad ng naibigay kay Aljur.

Aware ba siya rito?

Tugon ng StarStruck 2 male winner, “Hindi ko alam.

“Hindi ko rin naman kasi tinitingnan at hindi ko rin naman ini-expect na ganoon ang mangyayari.

“Kasi, personally, parang hindi naman maganda yun.

“Hindi rin naman maganda para sa akin yung parang sinalo ko lang lahat at hindi nabigay sa akin ang para sa akin.

“Ibinigay lang sa akin dahil wala ang isa.”

Dugtong pa ni Mike, “Palagi ko namang sinasabi na magkaiba kami ng market ni Aljur.

“Magkaiba kami ng specialty or field.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Aljur, mas entertainer, siguro ako mas sa pag-arte.

“Hindi ko naman tinitingnan na ganun na sa akin mapupunta.

“Sa huling pagkakaalam ko, at yun naman yata ang lumalabas, parang sinusubukan na rin naman yata niyang bumalik sa GMA.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN