Mariel Rodriguez not bothered by Robin Padilla-Vina Morales kilig factor

Mariel Rodriguez is finding herself wanting to shield Robin Padilla from his over-generosity. She says, “Humahanga ako kay Robin, minsan lang naaawa ako kasi nakakakita ako ng mga abusado, mayroon, e. Para sa akin, huwag namang samantalahin yung kabaitan nung tao."


Sa isang interview kay Robin Padilla ay nabanggit nitong ayaw niyang magselebra ng kaarawan noong November 23, at mas gusto niyang mas bigyan ng espesyal na pagdiriwang ang Bonifacio day noong November 30.

Ayon sa asawa ng action star na si Mariel Rodriguez, sinabay na rin pala ni Robin ang promo rito ng pelikulang Bonifacio: Ang Unang Pangulo, entry sa 2014 Metro Manila Film Festival.

“Yun ang big time talaga. Nagkaroon sila ng big event sa Caloocan, ’tapos nakakatuwa kasi nakita ko yung cast ng Bonifacio."

Kabilang sa cast ng pelikula ang ex-girlfriend ni Robin na si Vina Morales, na gumaganap bilang Gregoria de Jesus sa istorya.

Patuloy na kuwento ni Mariel, “Ayoko namang umepal kasi nandun si Vina pero bilang respeto, pero pinapunta niya ako.

“Ano ba ang gagawin natin, e, di sige gawin natin.

“Super-saya, nakakatuwa, dun ko na-prove yung talagang Robin-Vina factor, mayroon na mayroon talaga.

“Kilig na kilig lahat ng tao.

“Nung matapos, bumalik siya sa van, parang nag-duet sila.

"Alam ko, parang nangyari dun on the spot. Sabi ni Vina, “Nasaan si Robin? Dapat nandito si Robin.’

“Nung pumunta si Robin, nagkantahan sila. I swear to God, naririnig ko ang hiyawan ng mga tao!

“After that sabi ko sa kanila, ‘Dapat yata lumabas ako at sabihin ko, ’Anong kaguluhan ito?’

“Sa Bonifacio High Street, dun naman ’di na talaga ako sumama.

“Nasa kotse lang ako, so nakabukas yung car, naghihintay ako dun.

“May isang family dumaan sila, na-realize nila na ako, sabi nila, ‘You know they are holding hands, right?’

“Sabi ko naman, ’Yeah, yeah, I know.’

“Sabi niya, ‘Okay, good, because I said, ’Where’s Mariel?’

“Nakakatuwa ang mga tao, cute, cute talaga.”

Sa kabila nito ay siniguro naman ni Mariel na wala siyang naramdaman ni katiting mang selos kay Vina.

“Hindi, ’tsaka sabi ko nga, bago pa ako, loveteam na ‘yan, Vina-Robin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m very happy ‘cause they are loved and I’m so proud.

“I’m so happy dahil magiging successful ang Bonifacio dahil may chemistry sila.”


TALENTADONG PINOY. Grand finals na mamayang gabi, December 13, ng Talentadong Pinoy 2014 kung saan maghaharap-harap ang pitong Hall of Famers.

Para kay Mariel, nakatulong ng malaki ang nasabing TV5 show para higit na magiging matatag at matibay ang relasyon nilang mag-asawa.

“Alam mo, kanina nga nung pinanood ko, parang nalungkot ako nang kaunti kasi ang bilis pala.

“Parang dumaan lang, ang bilis ng three and a half months.

“Pakiramdam ko, parehas naman pero yun nga, like I’ve said, marami kaming na-discover ni Robin sa isa’t isa.

“Parang nag-add siya dun sa spice sa marriage namin… on a personal level siya sa akin, ha.

“We have something, we are sharing something… we’d talk how we would improve.

“Nanonood kami ng ibang talent search shows sa abroad.

“Parang nagkaroon kami ng something to bond about, ‘di ko nga ini-expect na magiging ganun.

“Nung umpisa, hesitant ako na, ’What if magkaroon ng chance na magselos si Robin.’ Yun ang mga inaano ko talaga.

"Pero never kaming nagkaroon ng episode sa Talentadong Pinoy na magkaaway kami.

“Lagi kaming partner, lagi kami na… yung vision naming dalawa ay pagagandahin at pasasayahin sila.

“Minsan nagkasakit ako, never na uli puwedeng mangyari yun na may sakit ako kasi nada-down ko yung energy naming dalawa.

“Ngayon, tsini-check niya yung damit kung kita ang likod ko, ’Pupulmonyahin ka naman niyan.’

“I can say na naging better for us ang Talentadong Pinoy, honestly.”


SOFT-HEARTED. Kilalang malambot ang puso ni Robin sa mga nangangailangan kung saan madalas ay galing sa sarili nitong bulsa ang ibinibigay sa mga ‘di nananalo.

Ginawan nga raw ito ng paraan ni Mariel kung saan kinundisyon pa ang isip ng asawa na isa lang talaga ang dapat na mag-uwi ng tropeyo bilang Talentadong Pinoy Grand Winner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Tingin ko, si Robin talaga ang mahihirapan.

"Pero sa simula pa lang, sina-psyche ko na siya na hindi puwedeng may manalo na naman.

“Kasi lagi siyang may gustong manalo.

“Alam na naman niya ngayon, paano sa P500,000?

“In-explain sa kanya na to think of it, dun sa winner yung prestige, ibigay natin sa taong yun.

“There can only be one winner, ‘di ba? Okay naman sa kanya.”

Aminado rin si Mariel na minsan ay naaawa siya sa asawa kapag nakikita niyang inaabuso na ito ng ibang tao.

“Lagi ‘yan, minsan hindi on cam, kahit off cam, pero ’di naman bago kay Robin ’yan, e.

“Humahanga ako kay Robin, minsan lang naaawa ako kasi nakakakita ako ng mga abusado... mayroon, e.

“Para sa akin, huwag namang samantalahin yung kabaitan nung tao.

“Si Robin, sa kanya, ‘Pera lang ’yan, ano ba naman yung makatulong tayo sa kanila.’

“Minsan, nabigyan na, ’ayan na naman.

"Minsan nagbigay na kami, ’di pa rin siya okay [Robin], ’Kulang yata yung nabigay natin.’

“Sasabihin ko, “Oy, ano ka ba? Wala namang ibang nagbibigay, ikaw lang.’

“Mayroong iba kunwari... sa harap ng maraming tao ’yan.

“Sa kanya, hindi. Talagang nasa puso niya ang pagtulong.”

CHRISTMAS. Lilipad patungong America si Mariel para doon mag-Pasko at ngayon pa nga lang daw ay nakakaramdam na sila ni Robin ng pagkalungkot.

“Wala ako, pupunta ako sa States kaya nagkakaroon na kami ng separation anxiety.

“Sabi niya niya, ’Aalis ka, paano naman ang Christmas namin?’"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN