Kean Cipriano tired of being labeled the "bad guy" in past relationships: “Nakakapagod...”

Callalily lead singer Kean Cipriano says he’s tired of always being labeled the bad guy in his past relationships: “Yun din ang nakakapagod. You try your best to be the best person in the relationship, but you end up being the bad guy. Before okey lang. I just accept it. Ayoko nang kontrahin yung mga sinasabi nila.”


Loveless daw ngayong Christmas ang singer-actor na si Kean Cipriano.

Kahit mahirap ngang paniwalaan, pinagdidiinan niyang wala siyang dine-date ngayon dahil gusto raw niyang tumutok sa kanyang career, both in music and acting.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kean noong December 11 sa studio ng TV5, sa Reliance Street, Mandaluyong City.

Unang-una nga ay super-busy si Kean ngayong December dahil sa magkakasunod na shows ng kanyang bandang Callalily.

Masayang ipinaalala ni Kean na nag-celebrate ng 10th anniversary ang Callalily kaya mayroon silang shows para sa kanilang fans.

Sa movies naman ay dalawa ang pelikulang kinabibilangan niya sa 2014 Metro Manila Film Festival. Ito ay ang The Amazing Praybeyt Benjamin for Star Cinema kunsaan bida si Vice Ganda, at ang English Only, Please ng Quantum Films na pinagbibidahan nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado.

Sa TV naman ay leading man si Kean sa dalawang young stars ng TV5 na sina Chanel Morales at Nicole Estrada sa Wattpad Presents: Game of Love na magsisimula na sa December 15.


TOO BUSY FOR LOVE. Ito nga raw ang mga dahilan kung bakit walang lovelife ngayon si Kean.

Pabiro niyang hinaing, “Maniwala naman kayo sa akin!

“Wala talaga akong girlfriend or nililigawan ngayon! Hindi ba ako mukhang loveless?”

Pero buwelo rin niya na medyo seryoso na, “Wala talaga akong girlfriend or dine-date ngayon.

"I want to focus on my career which I am very blessed to have.

“This year has been very good to me and I want to really concentrate more on my work, para mas marami tayong matutunan at ma-share sa maraming tao.

“I love what I am doing right now and ayokong magkaroon ng any distraction.”


EMOTIONALLY DRAINED. Hindi naman daw umiiwas si Kean na ma-in love siya. Masyado lang daw siyang napagod emotionally sa mga pinagdaanan niyang relasyon.

“I guess you can say that I’ve been through a lot, especially when it comes to my emotions. I am a sucker for romance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“When I’m in that zone, I’m all out for it.

"And when things does not go the way you expect of it, doon mo mararamdaman ang pagod.

“Hindi sa iniiwasan natin ang love but I just don’t have that time and patience for it right now,” diin niya.


ALWAYS THE BAD GUY? Sa mga naging kontrobersiya ni Kean na may kinalaman sa kanyang lovelife, inamin nitong siya ang madalas na lumalabas na may kasalanan kung bakit naghihiwalay sila ng babae.

Kumbaga, Kean is always the bad guy in the relationship.

Sabi niya, “Yun din ang nakakapagod.

"You try your best to be the best person in the relationship, but you end up being the bad guy.

“Before okey lang. I just accept it. Ayoko nang kontrahin yung mga sinasabi nila. I don’t want to be the bad guy who contradicts.

“Kaya para maiwasan na maging masama tayo, lie low muna tayo sa lovelife. Magtrabaho na lang muna ako nang tahimik at maayos.

“In this way, no one gets hurt—not me and not them,” makahulugan niyang pahayag.


A DECADE OF CALLALILY. Madalas nga raw nakakulong si Kean sa kanyang kuwarto ngayon at nagsusulat ng bagong materials para sa bago nilang ilalabas na album ng Callalily sa kanilang 10th anniversary.

“Nakakatuwa namang isipin that Callalily has gone a long way. Isang dekada na pala kami and our fans are still there.

“That’s why special ang hinahanda naming mga songs for them. It’s our own way of thanking them for being with us for ten years. Maraming salamat sa pagmamahal at suporta,” sabi ni Kean.

May gusto pa raw pasuking ibang career si Kean at ito ay ang pagiging direktor.

“I started with short films and music videos. Someday baka ang paggawa ng isang indie film ang gawin natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I am in the process of experimenting with different things. And I find directing an interesting thing to do.

"Marami pa akong dapat pag-aralan tungkol diyan,” pag-amin niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN