Isabelle Daza never aspired to join beauty contests: “Mahirap ang beauty queen, ’no!”

Isabelle Daza reveals why she never thought of joining beauty contests: “A, no, never! Because I’m more of the tomboy so I like sports, action, ganun.”


Si Isabelle Daza ay anak ng 1969 Miss Universe na si Gloria Diaz.

Bakit kaya hindi naisipan ni Isabelle na sundan ang mga yapak ng kanyang ina na maging isang beauty queen din?

Tugon niya, “Bakit hindi? E, mahirap ang beauty queen, ’no!

"Ang daming magaganda there. Ayoko nang makipagkumpetisyon na maging pinakamaganda.

“Maraming magaganda diyan.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Isabelle sa presscon ng Kubot: The Aswang Chronicles 2, na entry sa 2014 Metro Manila Film Festival.

Hindi ba pumasok o sumagi sa isip niya na sumali sa beauty pageants?

Mabilis niyang sagot, “A, no, never! Because I’m more of the tomboy [type] so I like sports, action, ganun.”

Hindi rin daw siya pinilit o hinikayat ng ina na sumali sa anumang beauty contest.

“Hay naku, no! Everytime anyone asks me, sinasabi niya, ‘O, isuot mo na lang ang crown ko!’”


PINOY GUYS VS. FOREIGNERS. Ang boyfriend ni Isabelle ay isang foreigner, si Adrien Semblat na isang French guy.

Paano idi-differentiate ni Isabelle ang kasintahan na foreigner sa mga Pinoy?

“Hmmm… a foreign boyfriend is very... I dunno, e!

“I guess Filipinos are also... marami silang similarities, they’re very family-centered, maalaga.

“I guess a foreign boyfriend lang is more practical and... iyon, more practical siya,” saad niya.


ON FRIENDS SOLENN-NICO. Matalik na magkaibigan sina Isabelle at Solenn Heussaff at foreigner din ang fiancé ni Solenn, ang Argentinian na si Nico Bolzico.

Nagku-compare notes ba sila ni Solenn; nagpapalitan ba sila ng tips and advice on having a foreign BF?

“Oo, lagi!

“Actually, yung boyfriends namin, sila talaga ang mag-on,” natawang biro ni Isabelle.

Patuloy niya, “Kasi parang sobrang best friends sila, na minsan kami [ni Solenn], nao-OP kami.

“So, that’s why we plan our trips together para sila’ng magsama.”

NO WEDDING PLANS YET. Kailan lamang ay nag-propose si Nico kay Solenn.Sina Isabelle at Adrien ba ay wala pang wedding plans?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“None yet. Mga ten years pa,” sagot ni Isabelle.

Seryoso, sampung taon pa?

Bawi niya, “Okay, five, five.”

Hindi pa raw nila napag-uusapan ang kasal.

“Hindi pa, e. Ang layo pa, malayo pa,” giit nito.

Selosa ba si Isabelle?

Bukod sa guwapo ay isang executive at football player si Adrien kaya tiyak na maraming babaeng humahabol dito.

Ani Isabelle, “I think it depends on the situation. Pero generally no, I’m not.”

May nagtangka na bang mang-’’aswang’’ kay Adrien?

“Madami na!” bulalas niya.

Paano niya naha-handle ang mga “aswang”?

Tugon niya, “Wala lang. Deadma!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN