James Reid on being linked to Kim Chiu’s sister: “I guess it’s really just a misunderstanding.”

James Reid clarifies rumors linking him to Wendolyn Chiu, the stewardess sister of Kim Chiu: “I guess she’s the sister of Kim Chiu that’s why it blew up. I guess it’s really just a misunderstanding. Right now, no, I’m so busy, I don’t have time for myself. Maybe next year.”


Kumalat ang balitang ang tunay na girlfriend daw ng Viva hunk na si James Reid ay ang kapatid ni Kim Chui na si Wendolyn Chiu, isang flight stewardess.

Mas pinatibay pa ang isyu nang may mga larawang lumabas na magkasama sina James at Wendolyn sa poolside ng isang hotel kasama ng ilang kaibigan.

Pinagpiyestahan ito sa social media at ikinaalarma ng marami sa fans ng tambalang James Reid at Nadine Lustre.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay James sa ABS-CBN Christmas Special, noong December 8, sa Studio 10 ng ABS-CBN, itinanggi niyang may espesyal na relasyon na namamagitan sa kanila ni Wendolyn.

“Nothing, we met each other a couple of times outside.

"We know each other through common friends. She’s a common friend with Andi [Eigenmann], that’s how I met her."

Hindi rin daw sila lumalabas na silang dalawa lang.

“No, I haven’t seen her for longest time. It’s just a long time ago.”

MISINTERPRETED? May series of text messages din sina James at Wendolyn na lumabas at pinag-usapan sa social media.

Sabi ni James tungkol dito, “Actually I don’t know, it’s up to her. I don’t know... you know, I’m just being friendly.”

Dahil si Wendolyn ay kapatid ng isang sikat na artista, ito ang nakikitang rason ni James kung bakit lumaki ang isyung pagli-link sa kanila.

“I guess she’s the sister of Kim Chiu that’s why it blew up. I guess it’s really just a misunderstanding.

“Right now, no, I’m so busy. I don’t have time for myself, maybe next year.”

Sa nangyaring ito sa kanila ni Wendolyn, sa susunod kaya niyang pakikipagkaibigan at pakikipaglapit sa babae ay magiging mas maingat na siya?

Tugon ni James, “Actually, I didn’t say anything wrong, not really. It didn’t really affect me.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FRIENDS WITH EX? Kamakailan ay lumantad na sa publiko ang ex-girlfriend ni James na si Ericka Villongco tungkol sa naging relasyon nila.

Ngayon ay balitang may bago na raw boyfriend si Ericka.

Bukas kaya si James na maging magkaibigan sila muli ng dating kasintahan?

Tugon ng Filipino-Australian actor-singer, “She looks happy so I’m happy for her.

"Hopefully... actually I always intend to that, that we’ll be friends again.

"It’s just, not now. I don’t think it’s time yet."

Hindi pa siya handa sa panibagong pakikipagrelasyon?

“Right now, no, I’m so busy. I don’t have time for myself, maybe next year.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN