Nadine Lustre not worried about JaDine fans’ reactions to James Reid-Wendolyn Chiu romance rumors

James Reid-Wendolyn Chiu romance rumors? Nadine Lustre (in photo) is confident JaDine fans are mature enough not to take this seriously: “Well, siyempre knowing our fans, may magre-react talaga, pero sobrang solid naman nila. Positive sila sa sinasabi nila, ’Okay lang ‘yan, parang challenge lang ‘yan, ngayon lang ‘yan, mawawala din ’yan.’ Okay naman sila.”


Nang ma-link si James Reid sa kapatid ni Kim Chiu na si Wendolyn Chiu, agad na inabangan ng publiko ang reaksyon tungkol dito ni Nadine Ilustre, ang on-screen partner ng aktor.

Dahil kinilala at tinangkilik ang kanilang tambalan sa mga pelikulang Diary ng Panget at Talk Back and You’re Dead, ang loveteam nila na binansagang JaDine ay kinukunsidera na mahigpit na kalaban ng tambalang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo (KathNiel), pagdating sa mga nangungunang loveteam sa mga young teen stars ngayon.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Nadine sa nakaraang ABS-CBN Christmas Special na ginanap noong nakaraang Miyerkules sa Studio 10 ng ABS-CBN, inamin ng aktres na noong una ay hindi niya talaga alam ang nasabing isyu at hindi niya rin tinanong si James tungkol dito.

“Actually, ’di ko alam. Nagkaroon daw yata sa Fashionpulis or something.

“’Di ko na siya tinatanong, ’di naman dapat akong mai-involve sa ganun. Alam niya naman kung paano i-handle, so okay lang.”

Dahil balitang marami sa JaDine fans ang nag-react tungkol dito, agad naming tinanong si Nadine kung hindi ba siya nag-alala na baka makaapekto ito sa tambalan nila at mawalan ng gana ang mga tagahanga nila ni James?

“Well, siyempre knowing our fans, may magre-react talaga pero sobrang solid naman nila.

“Positive sila sa sinasabi nila, ’Okay lang ‘yan, parang challenge lang ‘yan, ngayon lang ‘yan, mawawala din ’yan.’ Okay naman sila.”

SINGLE BUT HAPPY THIS CHRISTMAS. Para kay Nadine, walang problema sa kanya kung saka-sakaling magkaroon ng girlfriend ang kapareha.

Nang kumustahin naman namin kung kasama ba siya sa SMC o Samahan ng Malalamig ang Christmas dahil wala siyang boyfriend, para naman kay Nadine ay sapat nang nandiyan ang pamilya para uminit ang kanyang Pasko.

“Oo, definitely, wala namang problema sa akin kung magkaka-girlfriend siya.

“’Di naman malamig kasi nandiyan ang family ko, ’di naman kailangan na mayroong boyfriend, ’di ba, para lang ’di maging malamig ang Pasko. Nandiyan ang pamilya ko, mga relatives ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SOLID FOUNDATION. Dahil naging tapat na magkaibigan sina James at Nadine, at tuluyang nag-click bilang loveteam partners ang tambalang JaDine, ay patunay na hindi dapat lokohin ang publiko para lang tangkilikin ang isang loveteam.

“Iba rin kasi pag ang foundation ninyo friendship talaga. Basta kami nagtatrabaho kami at nag-e-enjoy kami. As in walang pressure, walang awkwardness sa amin."

NEW MOVIE. Tinatapos ni Nadina ang pelikulang Para sa Hopeless Romantic kapareha si James at kasama sila Iñigo at Julia Barretto. Masayang nagkuwento si Nadine na happy ang set sa ginagawa nilang pelikula.

“Mayroon kaming ginagawa na movie ni James, Para sa Hopeless Romantic, next year na ’yan, by January.

“Nakasama ko sila once pa lang, wala pa kaming scene na magkakasama pero nagkakasama kami sa shooting. Masaya naman sila lalo na si Iñigo, makulit siya."

PRESSURE? Dahil naging matagumpay ang mga naunang pelikulang nagawa nila ni James, aminado si Nadine na may pressure sa kanila na mas higitan pa ang tagumpay ng kanilang mga susunod na projects. Pero ganunpaman, positibo siya na patuloy silang sususportahan ng mga tagahanga nila.

“Hopefully. Siyempre mayroon pa ring kaba at pressure, pero sobrang confident naman kami ni James kasi sobrang pinaghirapan namin at binigay talaga namin ang best namin dito.

“Siya, sobrang iba yung character niya, pero ako kasi medyo dikit.

“This time kasi Pinoy na Pinoy ang character ni James. Sa dalawang unang movies namin, English-speaking siya, e.

“Medyo yamanin ang dating role niya pero dito, simpleng-simple at Pinoy na Pinoy.”

PROUD KAPAMILYA. Naging parte si Nadine ng ABS-CBN Christmas special sa kauna-unahang pagkakataon, at dahil dito’y sobrang pagpapasalamat niya na naging bahagi siya ng Kapamilya network.

“I feel grateful kasi knowing na kasama na ako, wine-welcome nila ako, siyempre bilang Kapamilya, at kasama ko ang ibang ABS-CBN artists. Masaya po kami ni James.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, sunud-sunod ang mga nangyari sa amin ni James... Diary ng Panget ’tapos biglang nakapasok na kami sa ABS so hindi na ako nagkaroon ng time na mag-sink in lahat.

“Actually, hanggang sa ngayon nagugulat pa rin ako sa mga nangyayari,” pag-amin niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN