Rapper Abra on his acting debut in Kubot: The Aswang Chronicles 2: “Kakaibang experience.”

For rapper Abra, acting is a different experience: “Gusto ko rin naman siya, hindi ko naman sinasabi na hindi ko trip pero parang pag may mga blockbuster na datingan ng mga pelikula na puwedeng maging parte, why not?”


Pinakaunang pelikula ng rapper na si Abra ang Kubot: The Aswang Chronicles 2.

Kaya tinanong namin ito kung ano ang naging reaksyon niya nang alukin siya na maging artista.

“Well, na-excite ako.

“Natuwa ako kasi yun nga, ano ako, e... movie junkie ako, e.

“’Tapos parang, sa music videos, iyon yung parang medyo kind of ano... acting experience na nararanasan ko, sa mga paggawa namin ng mga music videos.

“So ngayon naman, a full-prod na pelikula, ’tapos Erik Matti pa, ’tapos kasama pa sila Sir Dingdong...

“’Tapos inimbitahan kami na ganun, ’tapos nakuwento sa akin yung concept na horror/action/adventure, ’tapos grabe yung production, parang blockbuster, siyempre um-oo ako agad,” ang natatawang kuwento ni Abra nang makausap namin sa presscon ng Kubot noong Huwebes, December 11, sa GMA Network Center.

DIRECTOR’S ENDORSEMENT. Si Erik Matti, ang direktor ng pelikula (na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes), ang mismong kumuha raw kay Abra.

Kuwento niya, “Si Direk Erik ang nakausap kong una diyan, e.

“Pag andun ako sa Revolver, yung studio, parang nadadaanan ko siya.

“Minsan may project kami, kasi minsan yung mga team doon tumitira ng music videos or mga commercials na projects.

“Minsan nadadaanan ko si Direk, pero hindi kami close nun. Parang naging acquaintance ko lang talaga si Direk nung humingi siya ng ano, para makausap daw kami for a project.

“Tapos iyon, nung nakausap ko siya, wow! Akala ko uptight na direktor, na parang, ‘O ganito ang mangyayari,’ ganun.

“Pero sobrang cool lang, kinuwento lang niya sa akin nang mabilis... ’tapos parang ako naman, parang, ’Aba, ayos ’yan, ah! Sige!’”

FIRST SCENE. Ang una raw niyang eksena na kinunan sa pelikula ay kasama si Julie Anne San Jose.

“Ang unang shooting day kasama si Julie, kasi lagi kaming magkasama sa pelikula. Tapos sa Binondo yun,” sabi pa niya.

Hindi naman daw niya ipinasok sa isip niya na, ‘Ah, artista na ako!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko naman iniisip na parang artista-artista. Kasi ako talaga ang pinaka-core ko bilang tao... ’tsaka ang essence ng aking pagiging ako ay pagra-rap, ang paggawa ng musika,” at tumawa si Abra.

“Pero nakakatuwa yung mga ganito.

“Gusto ko rin naman siya, hindi ko naman sinasabi na hindi ko trip pero parang pag may mga blockbuster na datingan na mga pelikula na puwedeng maging parte, why not?

“Kasi alam mo yun? Kakaibang experience,” paliwanag niya.

ACTING FOR GOOD? Tuluy-tuloy na ba ang pag-aartista niya?

Patuloy pa ni Abra, “Kung maganda, ano... mas focused ko yung music, pero I’m not closing [my] doors lalo na kung maganda yung konsepto...

“’Tsaka yung sigurado akong titirahin nila ng sobrang bagsik na makakapag-upgrade ng standards sa ano, para patayin na natin yung mediocrity sa industriya.

“Mga ganung ano, galawan.”

Kung sa susunod niyang acting project ay drama ang ibibigay sa kanya at paiiyakin siya sa mga eksena, tatanggapin ba niya?

“Hindi ko alam,” at tumawa si Abra.

“Bahala na!”

Ang Kubot: The Aswang Chronicles 2 ay entry sa Metro Manila Film Festival sa December 25.

Bukod kina Abra, Julie Anne at Dingdong, nasa Kubot: The Aswang Chronicles 2 din sina Lotlot de Leon, Isabelle Daza, KC Montero, Ramon Bautista, Bogart The Explorer, at si Ms. Elizabeth Oropesa.

Introducing naman dito si Hanna Ledesma.

Ang Kubot: The Aswang Chronicles 2 ay produksyon ng GMA Films, Reality Entertainment at Agosto Dos.

DEALING WITH ADMIRERS. Bukod sa pagiging isang mahusay na rapper ay cute si Abra at malakas ang appeal nito.

Ano ang masasabi niya na maraming gays ang may crush sa kanya?

Natatawa niyang saad, “Ano lang, salamat! Sa suporta.

“Parang equality para sa akin, kahit sino ka pa.”

May bading na ba na deretsahang sinabi na type siya nito?

Tugon niya, “Ah, yun? Oo!”

Ano ang isinagot niya dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Salamat sa suporta,” at natawa si Abra.

Hindi naman siya na-offend?

“Basta hindi ano, alam mo yun, may boundary, na may ano tayo, private space. As long as hindi nai-invade yung private space mo, verbal appreciation lang naman yun, so good.

“All good in the hood!” pahabol pa ng sikat na rapper.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN