Dingdong Dantes keeps mum on prenuptial agreement: “Hindi pa namin napag-uusapan, e.”

Dingdong Dantes says he and his bride-to-be Marian Rivera have yet to discuss a prenuptial agreement: “Ayokong magbigay ng premature opinion... dahil siyempre, if I [give] my opinion, it’s like stating already kung ano yung magiging gusto ko sa set-up namin.


Nabalita noong isang araw na may nakakita raw sa Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa St. Luke’s Medical Center Global City, kaya marami ang nag-alala na baka may sakit siya o nagkasakit na nga.

Pero sa presscon ng Kubot: The Aswang Chronicles 2 noong December 11 sa 17th Floor ng GMA Building, ipinaliwanag naman ni Dingdong kung bakit siya nakita sa St. Luke’s Global City.

Paliwanag niya, “Medyo siyempre, napapagod din ang tao. Medyo nagkaroon ng konting fever lang, but we made sure naman na yung mga tests, nothing serious. Kinailangan lang ng konting pahinga.”

Hindi naman niya kinailangang magpa-confine sa ospital?

“Hindi naman, pero tumagal ako nang konti. Sinabi naman nung nag-attend sa akin na uso sa panahon ngayon,” dagdag pa niya.

Anong plano nila ng kanyang bride-to-be na si Marian Rivera pagkatapos ng kasal?

Ani Dingdong, “Siyempre, after no’n, pahinga kami. Although, hindi naman siya ganoon katagal, pero may oras kami para mag-reflect. Kung ano yung mga napagdaanan namin nitong buwan na ‘to.

“Marami pong blessing na dumating sa buwan na ‘to and in fact, yung pinakamalaking blessing po ay matatanggap namin soon, so kailangan din naming rumelaks and you know, i-appreciate kung ano ang buhay, ano ang meron kami.”

BIG WEDDING? Itinanggi naman ni Dingdong na “big wedding” talaga ang magaganap sa December 30 nang tanungin siya kung paano niya nilalabanan ang stress sa pagpaplano ng kasal nila.

Ayon kay Dingdong, “Unang-una, I don’t consider it big. Para sa amin kasi, we wanted it to be very personal.

“Kapag sinabi mong intimate kasi, iisipin mo, konti.

“Pero in the sense, kasi na nandoon ang mga taong mahalaga sa amin—mga taong malapit sa amin. Like kami po, malaki kasi ang family ko to begin with.

“Kaya doon pa lang, nagiging malaki lang siya in that context. Pero sa katotohanan lang naman, ang pinakamalaking nangyari rito is the sacrament itself which will happen sa church.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So para sa amin, yun ang pinakamahalaga sa lahat... Lahat naman po ng mangyayari after that is icing on the cake. Celebratory moves na lang ‘yan.

“Kumbaga sa stress, meron at meron din ‘yan kasi, ibig sabihin kapag nai-stress ka, nilalagay mo ang buong effort mo, hindi ka lang masyadong rume-relaks. Magandang ma-experience mo rin yun at one point in this whole journey because it will make you appreciate it more.”

DREAM FOR WIFE. Sa mga interviews niya noon pa man, madalas na siyang natatanong kung ano ang dream wedding niya.

Magaganap ang kasalan sa December 30 sa Immaculate Conception Cathedral sa Cubao, Quezon City, at ang reception naman ay sa MOA Arena, sa Pasay City. Ito ba ay matatawag niyang dream wedding niya?

“Para sa akin, wala namang sinasabing dream wedding. For me, ang dream wedding is more for my bride.

“Para sa akin naman, I will give her her dream wedding but it doesn’t necessarily mean na sa akin yun.

“My dream is for my wife or my soon-to-be wife to be very happy.”

BABY PLANS. Ang gusto ni Marian, pagkatapos ng kasal nila, sana nga raw ay mabuntis na siya at magkaroon na sila ng anak.

Kung sakali, payag ba siyang titigil muna sa trabaho si Marian para magkaroon na sila ng baby?

“Oo, e. Kung yun ang kinakailangan.

“Pero siyempre, meron silang sariling arrangement with GMA, ‘di ba? Pero kung meron man, yun ang magandang opportunity,” saad niya.

Kung mabubuntis man daw si Marian, walang nakikita si Dingdong na problema sa Kapuso network.

Sabi nga niya, “Ganyan po talaga kabait ang GMA when it comes to taking care of their talents. Bukod lang sa personal na pakikitungo, iniisip din nila ang personal na buhay.”

SERIOUS GESTURE. Madalas namang sabihin ni Marian na wala raw siyang gastos sa kanilang kasal, na si Dingdong nga lang daw ang gumastos ng lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Talagang choice ba niya yun?

Aniya, “Oo kasi, gusto kong ibigay sa kanya. Para sa akin, isa siyang regalo. Gesture of showing my seriousness and kumbaga, yung willingness na paligayahin ang taong espesyal sa ‘yo.”

PRE-NUP AGREEMENT. Napag-usapan na ba nila ni Marian ang pagkakaroon ng pre-nuptial agreement?

Sabi naman ni Dingdong, “Hindi pa namin napag-uusapan, e.”

Ano ang pananaw niya sa ganitong bagay?

“Ayokong magbigay ng premature opinion... dahil siyempre, if I [give] my opinion, it’s like stating already kung ano yung magiging gusto ko sa set-up namin.

“If it’s a delicate matter gaya nga ng sabi niyo, kailangang pag-isipan naming mabuti. Kami naman, we’re open to talk about anything at mahalaga sa amin, kasi bilang Pilipino, we’re shy to talk about money.

“Pero kinakailangan na maging klaro ang mga bagay na ganun. Hindi magiging hadlang ito sa aming communication.

“That’s why, one of the things na in-establish namin ay open communication with regards to anything.

“And that’s part of it and we’re in the process of settling these things even before,” seryoso niyang pahayag.

CHRISTMAS PLANS. Huling Pasko na niya ngayon bilang isang binata.

Ano ang plano niya?

“Actually, wala akong plano. Makikisabay lang ako kung anuman ang plano ng mga magulang ko as always. Hindi naman ako ang gumagawa ng plano namin. Ako e, nakikisama lang palagi.

“Kung anuman ang ginagawa namin for the past years, ganoon pa rin ang gagawin [namin], wala pa ring magbabago,” pag-amin ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN