Rapper Abra on possibility of courting Julie Anne San Jose: “Siguro kapag naramdaman kong ready na siya.”

Rapper Abra ponders over his “special friendship” with Julie Anne San Jose: “Bahala na po kunsaan makarating ang pagiging friends namin. Siguro po, tama na muna siguro na ganito kami. We work very well together.”


Nagpapasalamat ang rapper na si Abra dahil mas lumawak pa raw ang fan base niya dahil sa pagkaka-link niya sa Kapuso singer-actress na si Julie Anne San Jose.

May nabuo na ngang fans ang dalawa sa social media at ang tawag sa kanila ay BRAPS.

Sinusuportahan ng BRAPS ang naging kolaborasyon nila Abra at Julie, lalo na ang kanilang hit single na “Dedma.”

Ngayon nga ay magkasama ang dalawa sa Metro Manila Film Festival official entry ng GMA Films, Agosto Dos at Reality Entertainment na Kubot: The Aswang Chronicles 2 na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.

Dahil laging magkasama ngayon sina Abra at Julie, imposible raw na hindi magkadebelopan ang dalawa.

Natatawa nga si Abra sa tanong kung nai-in love na ba ito kay Julie.

“Hindi pa naman umaabot sa gano’ng level. Tama lang po.

“Ah... okey po si Julie—maganda, mabait, matalino at napakaraming ideas.

“Dun kami siguro nag-click kasi pareho kaming maraming gustong gawin sa music namin.

“Nagdya-jive kaming dalawa. Kaya okey ang samahan namin.

“We’re good friends. Professional lang ang relationship namin,” pahayag ni Abra nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Kubot: The Aswang Chronicles 2 noong December 11 sa GMA Network Center.

GREAT FRIENDSHIP. Hindi nga iniisip ni Abra na aabot siya sa pagligaw kay Julie dahil ayaw din niyang haluan ng kung ano ang magandang friendship nila ng singer-actress.

“Bahala na po kunsaan makarating ang pagiging friends namin,” sabay ngiti niya.

“Siguro po, tama na muna siguro na ganito kami. We work very well together.

“Parati kaming may production number sa Sunday All Stars. Doon kami nagkakaroon ng artistic involvement with one another.”

HAPPY FOR JULIE ANNE’S ACHIEVEMENTS. Noong nakaraang December 13, isa si Abra sa special guests ni Julie sa kanyang concert na Hologram sa SM MOA Arena, Pasay City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alam din ni Abra na hindi nagpapaligaw si Julie ngayon dahil mas binibigyan niya ng pokus ang kanyang career sa musika at pag-aaral.

Isa si Abra sa natuwa dahil sa pagkakatanggap ni Julie ng Diamond Record Award dahil naging 10 times Platinum ang self-titled album nito.

“I am very happy for Julie. She deserves it kasi napakasipag niya.

“Napagsasabay niya ang career at pag-aaral niya. Bihira na ang ganyang artista ngayon and that makes me proud to be her friend.

“I know po na hindi nagpapaligaw si Julie dahil wala siyang time sa mga ganyan ngayon. So okay lang. Choice niya po iyon.

“Siguro kapag naramdaman kong ready na siya, bahala na po!” tawa pa niya.

CHOOSY? Matagal na rin daw walang girlfriend si Abra dahil mapili raw siya sa babaeng liligawan niya.

“Sa pagiging choosy natin, heto walang girlfriend sa Pasko!” tawa pa niya.

“Okey lang naman po iyon. Walang masyadong gastos sa ibang tao. Yung family ko na lang ang gagastusan ko this Christmas.”

GIRLFRIEND MATERIAL. Pasok ba si Julie sa criteria niya ng isang girlfriend?

“Opo naman. Gusto ko pa kasi sa girl ay yung nakakasundo ko at nasasakyan ang trip ko sa buhay. Si Julie, we have a lot in common kaya sobra kaming nagdya-jive parati,” pagmamalaki niya.

Sa pelikula ngang Kubot, guest role lang daw sila ni Julie bilang mga tutulong sa pagpatay sa mga aswang.

Mapapakinggan ang duet nila ni Julie na “Dedma” sa pelikulang Kubot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN