Miss South Africa Rolene Strauss is crowned Miss World 2014; Valerie Weigmann makes it to the quarterfinals

Miss Philippines Valerie Weigmann (left) makes it to the Top 25 of Miss World 2014 but fails to enter the Top 10 semifinalists; Miss South Africa Rolene Strauss (right photo, middle) is crowned Miss World 2014, Miss Hungary Edina Kulcsar (left) is First Princess, while Miss USA Elizabeth Safrit (right) is Second Princess.


Nabigong mapanalunan ng pambato ng Pilipinas na si Valerie Weigmann ang korona bilang Miss World 2014.

Bagamat nakapasok si Valerie sa Top 25 quarterfinalists, hindi na siya nakasama sa Top 11 semifinalists.

Dahil dito ay hindi natupad ang inaasam ng maraming Pinoy na magkaroon ng back-to-back win ang Pilipinas sa Miss World.

Ang kinoronahang Miss World noong 2013 ay si Megan Young, na siya ring kauna-unahang Filipino na nanalo sa nasabing beauty pageant.

Ang kandidata mula sa South Africa na si Rolene Strauss, 22, ang itinanghal na Miss World 2014.

Si Miss Hungary Edina Kulcsar, 23, ang First Princess habang si Miss USA Elizabeth Safrit, 22, ang Second Princess.

Kabilang naman sa top 5 sina Miss Australia Courtney Thorpe at Miss England Carina Tyrrell.

Pumasok sa Top 10 semifinalists sina Miss Mexico Daniela Alvarez, Miss Kenya Ida Nguma, Miss Brazil Julia Gama, Miss Guyana Rafieya Husain, at Miss India Koyal Rana.

Ginanap ang grand coronation ng 64th Miss World pageant, Linggo ng hapon, December 14 (London time), sa International Convention Center (ICC) sa ExCeL Exhibition Centre, sa London, England.

Si Megan ang nagsilbing host ng Miss World ngayong taon, kasama ang Welsh actor at TV host na si Tim Vincent.

Isa si Valerie sa nakakuha ng pinakamalakas na hiyawan mula sa audience. Nakapasok siya sa quarterfinals matapos ma-compute ang scores ng mga kandidata mula sa pre-pageant events.

Nakuha ni Miss USA Elizabeth Safrit ang Multimedia award. Si Miss Bosnia & Herzegovina Isidora Borovčanin ang Top Model winner. Si Miss Sweden Olivia Asplund naman ang nakakuha ng Beach Fashion award.

Nagkaroon ng sing-off sa pagitan nina Miss Malaysia Dewi Liana Sereistha at Miss Scotland Ellie McKeating para sa Talent award, ngunit si Miss Malaysia ang idineklarang panalo sa huli.

Pare-pareho namang nanalo sa Beauty With A Purpose award ang mga kandidata mula sa India, Kenya, Brazil, Indonesia, at Guyana.

Si Miss Thailand Nonthawan Thongleng ang nakakuha ng People’s Choice award at automatic na nakasama sa semifinals kahit na wala siya sa quarterfinalists.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago ipasa ni Megan ang kanyang korona kay Miss South Africa, naging emosyunal ito habang nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanyang isang taong reign bilang Miss World.

Sabi ni Megan, "I’m really so moved by this wonderful goodbye. Salamat po."

Ang American rapper na si Sky Blu ang nag-perform sa pagbubukas ng Miss World pageant.

Kinanta naman ng British pop group na The Vamps ang kanilang mga hit songs na "Can We Dance" at "Somebody For You."

Binigyan din ng parangal ang Miss World 1994 na si Aishwarya Rai ng India dahil sa patuloy nitong pagtulong sa mga nangangailangan at maging sa kanyang mga nakamit na tagumpay matapos siyang maging Miss World.

Nagbigay-pugay rin ang Miss World Organization sa kanilang CEO and chairman na si Julia Morley sa patuloy nitong pagtataguyod sa Miss World pageant.

Tinatayang 121 contestants mula sa iba’t ibang bansa ang nagtunggali upang para sa Miss World title.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN