Enzo Pineda to skip GMA countdown for the first time to spend New Year with his family

In their teleserye More than Words, Enzo Pineda is getting brickbats as the bad boy in the love story of Elmo Magalona and Janine Gutierrez. His reaction? “So, ibig sabihin, gumagana pa yung acting ko, so good for me.”


Sa bahay lamang daw magpa-Pasko si Enzo Pineda kasama ang kanyang pamilya.

Sabi ng Kapuso actor, “Twenty-four yun, ‘tapos for New Year, first time kong hindi magdyi-GMA countdown.

"So I can spend time naman with my family.

"Pero definitely, yung puso ko, laging nasa countdown.

“And siguro para maiba naman this year.

“Something simple lang, kasi yung dad ko, tagal ko na ring hindi nakakasama sa Christmas.”

Ang ama ni Enzo ay ang business manager ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao, si Eric Pineda.

“Pero ’pag may countdown naman ako, nakakahabol naman ako after.

“Pero iba pa rin yung salubong talaga.”

LOVELIFE. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Enzo sa live presentation ng Sunday All Stars kahapon, December 14, Linggo, sa GMA Studios.

Kumusta ang kanyang lovelife?

“Masaya naman. Tahimik lang ang buhay,” sagot niya.

Magkasama rin sila ng napapabalitang girlfriend niya ngayong Pasko.

“Maybe I’ll spend time time with her family.”

Mismong araw ng Pasko niya pupuntahan ang girlfriend niya?

“Wala pa pong day. Hindi ko alam kung before or after Christmas po.”

May plano na ba siyang iregalo dito sa Pasko?

“Kaka-birthday lang niya, e. Today! Sabay sila ni Mark Herras.”

Ano ang gift niya dito?

Natatawang sagot ni Enzo, “Secret! Something na magugustuhan niya.”

WISH LIST. At dahil Pasko, ano ang nais matanggap ni Enzo bilang regalo?

“Wala, sapatos lang, mahilig ako sa sapatos, e."

Dahil nakakaangat naman sa buhay, hindi raw naghahangad si Enzo ng mga materyal na bagay. Bagkus ay may nais siya talagang regalo, pero hindi materyal.

“Siguro ano lang, more blessings lalo na sa show namin, sa More Than Words.

“And mas marami pang blessings for work. Iyon lang.

“Something simple lang and, of course, for my family, safety nila and health.”

CHARACTER ACTING. Ano ang nararamdaman niya na marami ang naiinis sa kanya dahil sa kontrabida role niya More Than Words?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okay naman po! Masaya naman.

“Pero ngayon, bumabait na yung character ko, so nag-iiba na yung reaction ng tao.”

Mas gusto ba niya yun, na mabait ang karakter niya kaysa salbahe?

“A, gusto ko in a way dahil naa-appreciate nila yung character ko as an actor.

“So, ibig sabihin, gumagana pa yung acting ko, so good for me. Good siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN