Manolo Pedrosa admits showbiz too much of a culture shock for him

Manolo Pedrosa on his first movie: “Grateful po ako na bagong experience na movie na po. Dati po, teleserye, ngayon po, movie na po kaya happy po talaga.”


“Mahirap pong maging artista!”

Ito ang natatawang sabi ng dating Pinoy Big Brother All In housemate na si Manolo Pedrosa ngayong nararanasan na niya ang pagiging isang artista.

Dagdag pa miya, “Naku-culture shock po ako, pero ngayon naman, okey na po.

“May workshop din po kami sa Star Magic. Tinuturuan kami.”

Saan siya naku-culture shock?

Ayon kay Manolo, “Sa taping po, sa set.

“Kasi po, parang trabaho na siya.

“From school to work, it’s a different scenario.”

Pagkatapos niyang lumabas sa Bahay Ni Kuya ay nabigyan ng iba’t ibang proyekto si Manolo sa bakuran ng ABS-CBN, kabilang na ang teleseryeng Hawak Kamay.

Ngayon naman ay magbibida sila ng co-housemate niyang si Maris Racal sa pelikulang Stars Versus Me, na hango sa librong isinulat at idinidirek din ni Joven Tan.

Sabi ng baguhang aktor, “Grateful po ako na bagong experience na movie na po.

“Dati po, teleserye, ngayon po, movie na po kaya happy po talaga.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Manolo sa shooting ng Stars Versus Me noong December 11, Huwebes, sa Provident Village, Marikina City.

CHANGES. Paano naapektuhan ang buhay niya ngayong artista na siya?

“Marami po... ngayon nga po, hindi na ako nag-i-school.

“Marami na rin pong followers,” parang nahiya pa niyang sabi.

Ang mommy niya ay lumalabas din sa ilang TV commercials. Ano ang payo nito sa kanya nang pasukin na niya ang showbiz?

“Yun din po, you always do your best pagdating sa work and always keep your feet on the ground.”

High school student sa La Salle ang 17-year-old newbie nang pumasok sa PBB, pero nag-drop out siya nang maging artista.

Kaya pangako raw ni Manolo, hindi lang sa mga magulang kung hindi sa sarili, na tatapusin pa rin niya ang kanyang pag-aaral.

ATTRACTION. Sa Stars Versus Me, ginagampanan ni Manolo ang papel ni Sonny na naniniwala sa horoscope kaya nagustuhan din niya si Maris. Sa tunay na buhay ba ay naniniwala siya sa horoscope?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In real life po? Never!” natawang sabi ni Manolo.

Hindi siya nagbabasa ng horoscope niya?

“Never po, pero siguro po ngayon, itse-check ko na!”

Attracted na ba siya kay Maris?

“Hindi ko pa po masasabi!” tawa na naman niya.

“Ako po kasi, it takes a long time po before I like a person.

“Kapag kilala ko na po talaga ang person, yun po.

"When I know that I know her a lot, yun po.”

Ano ang gusto niya sa isang babae?

“Masayahin, laging naka-smile, parang ako,” biro pa niya.

Wala naman siyang girlfriend na itinatago?

“Wala po,” nakangiti niyang sabi.

Ayon kay Manolo, hindi pa siya nagkakaroon ng girlfriend kahit kailan. Kaya hiniritan naman siya na sa guwapo niyang yun, wala pa siyang nagiging girlfriend, baka maintriga siyang bading.

“Okey lang po, alam ko naman po ang totoo,” sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN