Daniel Matsunaga not turned off by gay admirers, but if they get malicious, "...I will pray for them so they will change their mind.”

Daniel Matsunaga is considered one of the nicest guys in showbiz and with reason, “I have a lot of friends, you know. Tao lahat, e. We’re all the same, we are all sons of God. So iyon ang importante ... I really respect everything. I really appreciate everybody.”


Hindi pa alam ni Daniel Matsunaga kung ano ang susunod niyang proyekto sa telebisyon.

“Kasi I just finished everything ‘tapos yung schedule ko, puno this month.

“Pero sana next month, mas maluwag yung schedule, sa ABS pa rin, oo."

Ang manager niyang si Jonas Gaffud daw "ang bahala sa lahat."

Dugtong pa ng Brazilian/Japanese model, “Siyempre pag may opportunity, kukunin ko, ‘di ba?

“Masaya ako sa bagong teleserye [kung magkakaroon].”

Sa sobrang busy niya ay halos wala raw siyang pahinga at tulog. Pero sa kabila nito ay napakaguwapo pa rin ni Daniel.

“Hindi naman,” at tumawa ang binata.

NEW BUSINESS. Sa tanong kung paano niya napapanatiling guwapo siya, “I eat San Marino tuna, Tokyo, Tokyo,” at tumawa siya ulit pagkatapos banggitin ang ilan sa mga produktong ini-endorso niya.

Aniya pa, “And also I have a new restaurant, I’m a partner of The Healthy House.

“It’s all about healthy food. It’s more of sa deliveries.”

Tatlo raw silang partners sa naturang healthy food-delivery online business.

“It’s a one-month process, it’s a hundred meals delivered to your house, including service and everything.

“Five meals a day, plus may nutritionist pa included sa package.”

DREAM ROLE. Nakausap namin si Daniel noong November 27 sa isang music studio sa Quezon City, sa rehearsal ng Hot Spot concert ng Mercator talents na ginanap sa Music Museum noong December 4.

Ano ang dream role ni Daniel?

“Gusto ko yung war or warrior-type or soldier.

“Yung parang sa 300, yung parang Tears of the Sun.

"Have you seen that movie? Bruce Willis. Very nice.

“Mga ganun, action movie, war or everything that they will give to me na mga projects, I’m really open to anything.

“Kasi I want to improve myself, that’s how you do it.

“It’s not by choosing exactly what you want to do, but learning about it, ‘di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So matagal ang process and I expect na sa susunod na shows ko, I would get more experience.”

SOAKING IN THE CULTURE. Ang latest project ni Daniel ay ang Shake Rattle & Roll XV, na entry sa Metro Mania Film Festival 2014 ng Regal Entertainment Inc.

Kasama siya sa episode na "Flight 666."

Magaling nang magsalita at umintindi ng Tagalog si Daniel.

“Well siyempre kasi ako, ’di ba nandito ako, I want to be a Filipino by heart.

“And one of the things I like is to learn languages, learn the culture and everything.

“And Tagalog is the first thing that I know, alam ko na talagang kailangan na matuto.

“So I’m trying my best, I’m trying my best pero slowly lang.

“It’s a process, it takes time, and I’m doing my best to learn as much as I can.”

AFTER PBB. Kumusta naman siya after his Pinoy Big Brother win?

“Siyempre natutuwa ako!

“Sobrang saya kasi this is an opportunity that never happened to me in my entire life.

“At dito sa Pilipinas lang na binigay nila sa akin, yung opportunity.

“And I was really blessed, you know, God was really good to me.

"He gave me that prize, maging big winner.

“It’s such a blessing, I never felt so much loved.

“And the people really consider me as a Filipino, they receive me so well.

“So I’m really really thankful, nakaka-touch yung mga messages nila.

“And I really appreciate lahat ng ginawa para sa akin ng mga tao.

“It’s something I wanted to give back to them, I don’t know how.

“But siguro for now, it’s through my work.

“Siyempre gagawin ko ang lahat para sa kanila.

“Yung best ko na kaya kong gawin, gagawin ko para sa kanila.”

GAY ADMIRERS. Ano naman ang pakiramdam niya tungkol sa mga nagpapantasya sa kanya, lalo na ang mga bading?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well siyempre merong ganun, it’s part of it, ‘di ba?”

Hindi siya offended?

“No, I’m not offended at all!

“I know it’s part of it and I have a lot of gay friends, I have a lot of girl friends.

“I have a lot of friends, you know.

“Tao lahat, e. We’re all the same, we are all sons of God.

“Brothers and sisters tayo lahat and dapat may respeto, ‘di ba?

“So iyon ang importante and you know ako, I really respect everything.

“I really appreciate everybody.”

Yung iba siyempre ay may halong malisya ang pagpapantasya kay Daniel.

“Well it depends on each person, e.

“If they want to fantasize, sila bahala, ‘di ba,” at tumawa ang hunk male star.

“It’s on their mind, if they’re green-minded.

“I think they should just pray! Pray more and stop doing that,” at muli itong tumawa.

“Yeah, that’s why akong bahala, I will pray for them so they will change their mind,” ang tumatawa pa nitong pagtatapos sa aming panayam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN