Robin Padilla pushes for gender equality because of BB Gandanghari

Action star Robin Padilla wants to push his advocacies through his projects: “’Di puwedeng puro tayo salita. ’Pag dumating yung problema, that’s the time na magsalita ka.”


Inanunsiyo ni Robin Padilla na sa susunod na taon ay magpo-focus siya sa paggawa ng isang sitcom sa TV5, ang Two and A Half Daddies.

Kasama niya rito ang mga kapatid na sina Rommel Padilla at BB Gandanghari.

Gaya ng mga nagiging acting projects ni Robin lately, ang Two and A Half Daddies ay advocacy niya upang itaguyod ang karapatan ng LGBT (lesbian, gay, bisexual, transgender) community, kagaya ng kanyang kapatid na si BB—ang dating heartthrob na si Rustom Padilla.

Pahayag ng action superstar sa press conference ng Talentadong Pinoy 2014 noong nakaraang linggo, “Yung serye, may tutumbukin ’yon, yung gender equality.

“Cause pa rin ’yon—gay at transgender.

"’Tulad ng sinabi ko, hindi puwedeng puro salita ang suporta diyan.

“Kapag dumating yung indulto, kailangan kapag sinabi nating, ‘Okay, tanggap natin ‘yan,’ kailangan tanggap.

“Nasubukan natin na ang yabang-yabang ng mga Pilipino na sinasabi, ‘Pantay na ang pagtingin namin!’

"Pero nung namatay yung Laude, iilan lang kami nagsalita. Iilan lang, ‘tol.”

Ang tinutukoy ni Robin ay ang transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude na pinaslang ng isang US serviceman sa isang motel sa Olongapo noong October.

Patuloy ni Robin, “Dun mo makikita na ang laki ng kaplastikan dito sa bansang ito. Ang laki!

“May narinig ka ba sa mga pulitiko natin na nagsalita? Wala.

“Sa mga mamamahayag, ilan lang.

“Yun ang sinasabi ko. Kailangan meron tayong tayuan. ’Di puwedeng puro tayo salita.

"’Pag dumating yung problema, that’s the time na magsalita ka.”

Si BB ba ang nagsisilbi niyang inspirasyon para isulong ang adbokasiyang ito?

Sagot ni Robin, “Siyempre, ’tol. Siguro masasabi ko diyan, 100 percent, siya talaga.

"Kasi dun ko nakita ’yon, ’Paano kung utol ko ‘yan?’

“Sa social media na lang, masasaktan ka.

"Nung mamatay si Laude, grabe. Hindi ko akalain na ganun ang paghusga ng Pinoy, ‘E, bakla naman ‘yan, sige, hayaan mo nang mamatay.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang sama! Ang sama! ‘Di baleng pinatay ng Amerkikano kasi bakla naman.’”

Nakatakdang ipalabas ang Two and A Half Daddies sa first quarter ng 2015, pero sa ngayon ay tutok si Robin sa pagpo-promote ng Metro Manila Film Fest entry niyang Bonifacio: Ang Unang Pangulo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN