Kim Chiu clueless about rumored romance between her sister and James Reid

Just recently, na-link si James Reid at Wendolyn Chiu (inset) na nakatatandang kapatid ng ABS-CBN star na si Kim Chiu. Pero ayon kay Kim, hindi niya alam ang tungkol dito dahil hindi naman daw sila magkasama sa bahay ng kanyang ate.


“Ako, gusto ko kaya ikasal sa church,” pahayag ni Kim Chiu sa episode ng Kris TV kaninang umaga, Lunes, December 15.

Nang sundutin ni Kris Aquino ng tanong kung kailan siya magpapakasal, sagot ng prime talent ng Star Magic, “Siyempre huwag na muna ang kailan.”

Dagdag pa ng 25-year-old actress pagdating sa pagnanais niyang ikasal sa simbahan, “Hindi ngayon.

“Kasi yung mga sisters ko, ’di ba, hindi sila ikinasal?” pahayag ni Kim, na may dalawang nakatatandang kapatid na babae—sina Wendolyn at Lakam.

Nang magkomento si Kris na bakit tila nagsalita na nang patapos si Kim na ayaw nang magpakasal ng kanyang mga kapatid, sagot ni Kim, “Ayaw na nila, e.”

Maging ang kapatid niyang si Wendolyn, na may anak na, ay hindi raw kasal.

Speaking of her Ate Wendolyn, na isang flight stewardess, inusisa si Kim kung totoo ang balitang girlfriend umano ito ng Fil-Aussie hunk na si James Reid.

Nauna nang itinanggi ito ni James.

Read: James Reid on being linked to Kim Chiu’s sister: “I guess it’s really just a misunderstanding.”



Ano naman ang masasabi ni Kim sa isyung ito?

Sagot niya, “Hindi ko rin alam. Hindi ko siya [Wendolyn] kasama sa bahay.”

Inusisa ni Kris si Kim kung bakit hindi sila magkasama sa bahay ng kanyang ate.

“Hindi ko alam!” natatawang sagot ng Kapamilya actress.

Nang itanong naman ni Kris kung recently lang nakitang magkasama sina James at Wendolyn, sagot ni Kim, “Matagal na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN