Julie Anne San Jose becomes the third OPM artist to reach Diamond record award

Isang malaking achievement daw para sa Kapuso singer na si Julie Anne San Jose ang pagkahirang niya bilang Diamond Record awardee para sa kanyang self-titled album. Si Julie Anne ang ikatatlo pa lamang na singer sa bansa na nakatanggap ng ganitong klaseng parangal. Nauna na sa kanya sina Jose Mari Chan at Nina.


Teary-eyed ang tinaguriang Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose nang tanggapin niya ang kanyang Diamond Record award mula sa GMA Records, last December 7, sa Sunday All Stars.

Ito ay para sa kanyang self-titled album na bumenta ng 150,000 units

Si Julie Anne pa lamang ang ikatlong OPM artist na nakaabot sa ganoong estado.

Nauna na sa kanya si Jose Mari Chan para sa dalawang albums niyang Constant Change at Christmas In Our Hearts, at si Nina para sa kanyang Nina Live album.

Saad ni Julie Anne sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Kubot: The Aswang Chronicles 2 noong Huwebes, December 11, “Thank you, grabe, kasi hindi ko talaga akalain.

"’Tsaka yung makahabol po ng ganung klaseng status, it’s really an achievement for me.

“And I would like to believe na, kumbaga, parang isa rin itong contribution para sa ikakaunlad ng OPM.”

Dagdag pa ng 20-year-old singer , “Ano po, sobrang saya lang po talaga ng feeling.

"Parang sinasabi nila na bihira na din makaabot ng ganung status like nowadays.

"Kumbaga, nai-invade na ng mga international genres yung music industry din natin, ‘di ba?

“Pero, of course, nag-a-adapt naman talaga tayo dun, pero iba po talaga ’pag sariling atin.”

Naging matagumpay rin ang Hologram concert ng Kapuso singer noong Sabado, December 13, sa Mall of Asia Arena.

Read: Julie Anne San Jose tearfully tells concertgoers: “Hindi po ako nakikipag-kumpitensiya sa iba, gusto ko lang naman po kumanta.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN