Andrea Torres on her FHM cover: “Kinilabutan po ako noong una kong makita."

To those who prefer that Andrea Torres keep her wholesome image, the actress assures she’s not all that ready for a sexy makeover, “Kahit papaano, may limitasyon pa rin.”


Noong nagsisimula pa lamang sa showbiz si Andrea Torres ay malaki ang pagtanggi niyang magiging cover girl siya ng isang men’s magazine.

Pero makalipas ang ilang taon, heto ngayon si Andrea sa cover ng December issue ng FHM.

Inamin ng dalaga nang makausap namin sa pocket presscon ng Ang Lihim ni Annasandra sa 17th Floor ng GMA-7 noong isang Linggo na biglaan lang daw ang lahat.

“Yung pagdedesisyon, actually, biglaan na lang din po.

“Hindi siya masyadong matagal, parang three days lang.

“Bigla akong tinawagan ng manager ko, parang in-open-up lang sa akin kung bakit niya gusto na gawin ko yun.

“‘Tapos, nag-isip-isip ako, nag-meeting kami after two days.

“Nag-heart-to-heart talk kami ni Ateng [Rams David]. Yun.

“After, doon lang ako nakapag-decide na gagawin ko na.

“Hindi ko pa nga sinasabi sa daddy ko at sa mommy ko, nag-decide na ko.

“Parang nadala ako sa sinabi ni Ateng, sa plano niya, bakit niya gustong gawin ko yun,” lahad ni Andrea.

PARENTAL CONSENT. Paano ang naging pagtanggap ng mga magulang niya sa kanyang desisyon?

“Si Mommy po, agad-agad naman kasi, pareho naman kami ng wavelength.

“In-explain ko naman ang sinabi ng manager ko.

“Si Daddy yung medyo hihimas-himasin mo muna nang konti.

“Pinaglutuan muna namin siya ng mga favorite niyang pagkain at saka namin sinabi.”


REACTION. Ano ang naging reaksiyon ng daddy niya nang makita ang magazine?

“Actually, wala siyang sinabi, wala akong narinig na reaction.

“Ang alam ko, yung Kuya ko, bumili siya ng kopya niya.

“Parang huminga-hinga muna raw siya nang matagal bago niya tiningnan.

“Siyempre, kapatid daw niya.”

Ang daddy niya raw kasi, konserbatibo talaga.

“Lumaki kasi siya na Español, yung konserbatibong pagpapalaki.”

PREPARATION. Mga apat na linggo daw siyang naghanda para sa naging pictorial niya.

Dahil nagti-taping siya ng Ang Lihim ni Annasandra, hindi niya magawa ang dire-diretso na pagdyi-gym at diet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung sa iba, naging mahirap ang pagbabawas ng timbang, kay Andrea, sa ika-apat niyang linggo ng pagda-diet, pumayat na raw talaga siya nang sobra.

“Nag-panic na po ako noong mga ika-4th week kasi parang ang payat ko na talaga.

“Kaya ang ginawa ko, sinobrahan ko naman ang kain.

“Four days before saka lang ako nag-diet ulit.

“Nakuha ko naman po yung gusto kong i-achieve sa katawan ko.”

COVER GIRL MATERIAL. Marami ang naseseksihan kay Andrea.

Siya rin yung tipo na hindi kailangan ang breast enhancement kaya noon pa, marami na ang nagsasabing mag-cover girl siya.

“Hindi ko naman po talaga sinasara ang utak ko ro’n.

“Siyempre, hindi mo naman puwedeng ipilit ang sarili mo sa business.

“Kung saan ka mabenta, kung saan sa tingin ng tao, siyempre iisipin mo rin yun.

“Hindi ko lang din po akalaing ganito kaaga,” natawang sabi niya.

Isa raw sa nakausap niya ay ang co-star sa serye na si Rochelle Pangilinan na naging cover girl na rin ng FHM.

Ayon kay Andrea, “Natanong ko lang, sa isang regional kami.

"Tinanong ko sa kanya kung ano ang experience niya, ang bait naman niya.

“Binigyan niya ko ng tip, ganito ang gawin mo.

“Nakatulong din po na medyo naging mas kalmado ako sa idea.”

HER REACTION. Nang makita naman niya ang naging resulta ng kauna-unahan niyang pagpapa-seksi sa isang men’s magazine, ano ang kanyang reaksiyon?

“Kinilabutan po ako noong una kong makita.

"Parang ano lang, mixed-emotion, kinakabahan, excited.

“Noong makita ko na mostly positive naman po ang mga reaction, okey naman po ako.”

Pagdating sa mga komento lalo na ng netizen, may mga natuwa at nagkagusto sa ginawa niya at meron ding tila na-disappoint dahil mas gusto raw yung wholesome image niya.

“Siyempre, maapektuhan ka rin.

“Parang ako naman kasi, it’s time na to do something na magne-next level naman yung career ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka yun nga, parang ang tagal na kasi noong offer.

“Sabi rin nga ni Ateng, ‘Hindi ka ng hindi, pero alam mo naman na, eventually, gagawin mo rin naman.

“‘Parang baka ngayon yung time na gawin mo dahil ngayon nila hinihingi, at hindi sa sarili mong time.’

“Alam ko na kailangan ko nang gawin.”

Naapektuhan rin siya sa mga hindi natuwa.

“Pero, inisip ko na lang na hindi naman lahat ng tao, aayon sa gusto mo.

“Pero siyempre, hopefully naman, yung mga batang fans, kahit nag-FHM ako, okey naman sa kanila at magustuhan.”



FHM’S SEXIEST? Posible kayang mas maging daring pa siya?

“Ano po, mas open na sa mas mature na role.

“Siyempre, iisipin mo pa rin kung pasok ba siya sa image na gusto mo.

“Minsan kasi, may pinapagawang sexy na hindi ko rin naman mapa-promise na kakayanin ko na nga.

“So,ano pa rin, pagmi-mitingan pa rin.

“Kahit papaano, may limitasyon pa rin.”

Natawa naman si Andrea nang tanungin namin ito kung ngayon, nae-excite ba siya sa ideyang lalaban na rin siya sa pagiging FHM’s Sexiest?

Aniya, “Ayoko, baka ma-pressure ako.

“Hayaan ko lang. Hayaan ko lang muna."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN