Kathryn Bernardo issues brief reaction to PEP report confirming her relationship with Daniel Padilla

Kathryn Bernardo to the bashers of her album: "Tingnan mo na lang na ang dami-daming sumusuporta sa iyo. Ginagawa ko ito para sa kanila.”


Noong Linggo, December 14, ay iginawad sa ASAP XIX ang gold record kay Kathryn Bernardo.

Unang araw ng release kasi ng kanyang self-titled album na Kathryn noong December 5 ay nabenta agad ang 7,500 copies.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kathryn noong araw ding iyon, agad na nagpahayag ng sobrang pasasalamat si Kathryn sa lahat ng mga taong sumuporta at naniwala sa kanyang kakayahan hindi lang bilang isang aktres kundi bilang isa ring singer.

“Sobrang saya and ’di pa rin ako makapaniwala kasi hayun, nagtiwala ang mga tao, masaya yung pakiramamdam.

“Ayoko naman kasi talaga ang nag-e-expect kasi sa lahat ng bagay.

"Basta dito, natutuwa lang ako kasi sobra yung suporta na pinakita ng mga tao.

"Sa mga mall shows ko, pumupunta talaga sila and pinaghirapan namin pareho, ako at ang mga supporters ko.”

Sa bilis maubos ng album ni Kathryn, malaki ang posibilidad na mag-platinum ito sa darating na mga araw.

“Kung mangyari, magandang Christmas gift yun para sa akin pero masaya na ako.”

CRITICISMS. Kung marami ang naniwala at sumuporta sa batang aktres, marami din naman ang kumukuwestiyon sa kakayahan niya bilang isang singer.

Aminadong nasasaktan siya minsan sa masasakit na sinasabi ng ibang tao, pero mas nagpo-fokus siya sa mga taong naniniwala sa kanya.

“Siyempre minsan masasaktan ka pero mare-realize mo na ’di naman talaga lahat mapi-please mo.

"Tingnan mo na lang na ang dami-daming sumusuporta sa iyo. Ginagawa ko ito para sa kanila.”

NEXT SOAP. Samantala, isa sa sisimulang serye ng ABS-CBN sa 2015 ay ang pagbabalik ng sikat ng seryeng Pangako Sa ’Yo, na pinanood hindi lamang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa rin sa Asya.

Sina Kathryn at Daniel ang gaganap ngayon bilang Inah Macaspac (na ginampanan noon ni Kristine Hermosa) at Angelito Buenavista (na ginampanan ni Jericho Rosales).

Kumpirmado na rin na sina Angelica Panganiban at Jodi Sta. Maria ang gaganap bilang Madam Claudia (Jean Garcia) at Amor Powers (Eula Valdez).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Kathryn, “Masaya at nae-excite ako lalo kasi dream ko silang makatrabaho, sila Ate Angelica at Ate Jodi.

"And masaya ako dahil nabigyan ako ng chance to play the role of Inah.”

THE REAL SCORE. Sa nalalapit na Kapaskuhan, may nabili na ba siyang regalo para kay Daniel?

"Wala pa. Pag may time saka ako bibili.”

Lumabas kamakailan sa PEP na may source daw silang naka-usap at nagkumpirma ng relasyon nila ni Daniel.

Maikli lang ang reaksiyon ng dalaga nang makapanayam ito ng PEP at Cinema News sa nakaraang ABS-CBN Special taping nung nakaraang Martes, December 16, sa Studio 10 ng Kapamilya network.

“Wow, bago yun, a.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN