Ramon Bautista on persona non grata status in Davao City: “Mayroon pa rin pero sana iatras, okay na kami ni Mayor..."

He’s still persona non grata in Davao but Ramon Bautista has high hopes the controversy will be resolved soon. "Eye-opener siya, dapat lang na maging cautious, ’di lang ako...Tina-try ko lang mag-entertain pero minsan talaga ’di maiiwasan,” he admits.


Ayon sa professor/writer/actor na si Ramon Bautista, persona non-grata pa rin siya Davao at umaasa siyang matatapos na ito lalo’t nakakapag-usap na sila ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Matatandaan na nitong nakaraang Kadyawan Festival noong August 16 ay nakapagbitiw si Ramon ng biro na maraming hipon sa Davao. Ang tinutukoy niya ay ang mga babae sa nasabing probinsya.

Ikinagalit ito ng mga Davaoeños, partikular na ang Davao City Council at si Mayor Duterte, kaya idineklara siya bilang persona non grata.

Sa presscon ng Kubot, The Aswang Chronicles, agad na tinanong si Ramon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa status ng kontrobersiyang ito.

“Mayroon pa rin pero sana iatras, okay na kami ni Mayor, nag-usap na kami.

"We’re good, at least maayos naman.”



A WARNING. Saad pa ng komedyante, higit raw na naging maingat na siya at sensitibo sa mga binibitawan niyang biro sa ngayon.

Warning pa niya, “Mag-ingat at maging aware ka sa sensitivity ng tao.

"Tina-try ko na maging maingat pero minsan sumasablay pa rin.

"Eye-opener siya, dapat lang na maging cautious, ’di lang ako.

“Mayroon ka talagang mao-offend sa creative lalo na sa komedya.

"Tina-try ko lang mag-entertain pero minsan talaga ’di maiiwasan.”

WILD RIDE. Para kay Ramon, marami siyang natutunan sa iiwanang taon na babaunin niya sa papasok namang taon.

“It’s been a wild ride, ang dami kong natutunan pero okay din.

"Matinding learning process sa akin.

"Nakakapagod pero ganun talaga ang life.

"Isang malaking paghahanda ‘yan.

“Tinitignan ko ang lahat na positibo naman.

"Ganun ang buhay, depende lang sa point of view.

"’Wag nating isipin na bad, isipin natin laging good.

"Kasi kung may sablay man, at least, natuto tayo.”

TIKTIK REDUX. Masayang-masaya naman ang komedyante na parte na naman siya ng The Aswang Chronicles kung saan muling nabuhay ang kanyang karakter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakaktuwa kasi naging part na naman ako, sa Tiktik, nandun ako ’tapos nandito na naman.

"Alam ko exciting kasi matinding direktor si Direk Erik Matti ’tapos powerhouse cast.

"Si Joey Marquez nandito, si Bogart nandiyan din, of course, si Dingdong [Dantes], Isabelle [Diaz], at iba pang cast.

"Saka alam mo naman na ’di gumagawa ng pangit si Direk Erik.

“Same characters, si Dingdong, siya rin yun, parang may continuity siya.

"Iba na ako. Kung napanood ninyo yung una, alam ninyo kung ano ang nangyari sa akin dun.

"Iba na siyang character, siguro may back story yun sa una kay Direk Erik.”

Sa mabibigat na makakalaban sa 2014 Metro Manila Film Festival, kampante naman si Ramon na magugustuhan ng mga tao ang kanilang pelikula.

“Wala naman kasi, katulad nga ng sinabi ni Sir Joey, importante masaya ang mga tao.

"Sigurado ako na pag pinanood nila ito, masaya sila.

"Never silang magkakaroon ng pakiramdam na sinayang lang nila ang binayad nila sa sine, sa popcorn.

BESTSELLER. Naging matagumpay ang libro niyang Bakit Di Ka Crush Ng Crush Mo at naging blockbuster hit pa nang isapelikula ito ng Star Cinema na pinagbidahan naman nina Kim Chiu at Xian Lim.

Kinuwento ni Ramon na mayroon pala siyang bagong labas na libro na sana raw ay maging pelikula din.

“Mayroon, Help Ayoko na Sa Syota Ko, libro ‘yan.

"Kakalabas ko lang nung August ba yun o September, nung Manila International Book Fair.

"Hopefully maging sine na naman siya at sana nandun uli ako.

“Naku, yung libro ko nga ’di ko ine-expect na makakabenta ng lagpas ng isang libo, e.

"Sa akin lang, i-enjoy ko na lang ang moments, kung mayroon, mayroon, kung wala, wala.

“Yung Bakit Di Ka Crush Ng Crush Mo, malaki ang kutob ko na magiging successful yun kasi yung direktor din, si Direk Joyce Bernal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Tapos Kim saka si Xian, Star Cinema pa."

NON-SHOWBIZ GF. Minsan na siyang na-link sa Korean-born Filipina model/radio disc jockey na si Jinri Park, bagay na klinaro ni Ramon.

Hindi raw niya naging girflfriend si Jinri gaya ng kumalat na balita noon.

Sa ngayon, mayroon siyang non-showbiz girlfriend.

“Ewan ko bakit nangyari yun, wala naman siyang sinabi na ano.

"Maganda yun saka sexy, kung naging kami nun, ako pa magyayabang nun sa inyo."

Lahad ni Ramon tungkol sa kanyang new love, “Nagkatrabaho lang kami sa Tamang Balita.

"’Tapos naging guest ako sa radio show niya.

"Pag nagkulitan kami, malalandi kami doon.

“Sakto lang, mayroon.

"Non-showbiz, basta ano siya, masarap magluto, masarap magmahal.”



NUTTY PROFESSOR? Isa ring guro sa University of the Philippines, agad naming tinanong si Ramon kung komedyante ba siyang guro o istrikto pagdating sa kanyang mga estudyante?

“Nagtuturo ako ng Film and Audio Visual Communication sa mga freshmen.

"Schedule lang, paluan lang ng schedule.

“Yung sa Internet, medyo mas suwabe nang kaunti, ’di ko masabi kung istrikto ako o ganito.

"Dapat sila ang tanungin natin, ’di ko naman nakikita ang sarili ko.

"Siguro kung mabi-video ko ang sarili ko, makikita ko.

"’Di pa naman ako tinatanggal so sa tingin ko, I’m doing the right job.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN