Gerald Anderson on relationship with Maja Salvador: "...hindi po kami nag-aaway..."

Gerald Anderson feels "blessed" about his relationship with Maja Salvador. He says, "Napaka-positive ng outlook niya sa buhay kahit minsan there are times na malungkot."


Hndi pa raw alam ni Gerald Anderson kung paano at saan sila magsi-celebrate ni Maja Salvador ngayong bisperas ng Pasko.

Maging ang regalong ibibigay niya sa kasintahan ay wala pa siyang maisip, pero siguradong may nakalaan na raw para rito.

Ayon sa Kapamilya actor, "I’m sure, malalaman niyo rin ’yan sa Instagram o sa Twitter.

"Pero sa ngayon, let’s keep it simple and private muna.

"I’m sorry, pero yun ang totoo, yun muna."

Ngunit marami ang curious malaman kung ano ba ang pinakamagandang regalo na natanggap niya mula kay Maja simula nang maging silang dalawa.

Tugon ni Ge (palayaw ni Gerald), "Siguro, bukod sa girlfriend-boyfriend relationship naming dalawa, yung pagkatao niya.

"Kung paano siya...yung tipong kapag tinawagan mo siya, kung kahit ano’ng busy siya sa ginagawa niya, she’ll cross oceans for you. And on the spot.

"Alam naman natin lahat na love can come and go, it’s a cycle.

"But this person [Maja], mas tini-treasure ko yung pagkatao niya, yung personality niya.

"Kung paano niya minamahal yung pamilya niya at yung mga taong close sa akin.

"So yun , Merry Christmas," pagbati pa niya.

Nakausap ng PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang miyembro ng entertainment media ang award-winning actor sa presscon ng "The Gift of Life" sa 9501 Restaurant sa ABS-CBN compound kahapon, December 16.

Ang "The Gift of Life" ang unang episode sa Pasko-serye na Give Love on Christmas ng Kapamilya network.

Ito rin ang unang pagsasama nina Maja at Gerald sa isang serye matapos nilang umamin sa kanilang relasyon mahigit isang taon na ang nakakaraan.

Dugtong ni Gerald, "Siguro, ganun po talaga, kapag boyfriend-girlfriend, kung mother-son o father-son, brother-sister, kung ano man ang relationship na yun, give your best.

"Pero,’wag kang mag-expect na tatapatan nila yun.

"You should just be happy na you care for this person, you love this person.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At gagawin mo ang lahat para sa kanya.

"Then, your life would be easy."

ENERGIZER. Dahil napag-uusapan na rin ang kanilang relasyon, paano niya sinusuyo ang kasintahan sa panahong nagkakaroon sila ng problema?

Pag-amin ng 25-year-old actor, "Hindi naman maiiwasan sa isang relationship na merong misunderstandings, miscommunications.

"It’s inevitable, it’s given na mangyayari talaga ’yan.

"Siguro, dun nga mati-test kung gaano talaga katibay ang pinagdaanan niyo, yung relationship niyo.

"Yung sa amin naman, hindi po kami nag-aaway, I guess we’re close o maaga pa [para mag-away] pero sana...

"Heto lang ang masasabi ko, hindi ko kaya ang pagiging makulit niya, grabe...grabe!

"Kahit madaling araw na, grabe.

"Pero nakakatuwang tingnan kasi, alam niyo na yung energizer na battery, parang hindi nauubos.

"Parang nag-iinom ng energy drink, that’s her...

"Nakikita ko na ganun talaga siya."

POSITIVE. May isa pang katangian ang actress na gustung-gusto niya.

"It’s an advantage sa akin kasi kahit Pasko ngayon, not every day in our life is Christmas.

"We go through nightmares, we go through Halloween, lahat.

"I’m just really happy na napaka-positive niya...

"Napaka-positive ng outlook niya sa buhay kahit minsan there are times na malungkot.

"I’m really blessed."

Paano pag merong ibang lalaki na nagpaparamdam kay Maja?

Natatawang biro ni Ge, "Kaya nga ako nagwu-work out at nagma-martial arts ako, e.

"Kaya wala pang lumalapit."

Biglang sumeryoso an tono ng binata, "Yun, you have to... kailangang maging secure ka.

"Kung nagseselos ka, ibig sabihin ay parang may mali.

"Bakit ka magseselos?

’’’Di naman talaga yung magalit, pero puwede kang ma-off dun sa lumalandi dun sa girlfriend mo.

"But, if you feel secure sa feelings niyo para sa isa’t isa, there’s no problem."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN