Vic Sotto supports Aiza Seguerra’s marriage to Liza Diño

Vic Sotto on Aiza Seguerra’s wedding to Liza Diño: “Siguro hindi sila naiintindihan ng ibang tao, pero opinyon nila yun, I respect their opinion. So, I expect them to respect my opinion also.”


Tumatayong tatay-tatayan sa showbiz ni Aiza Seguerra si Vic Sotto, kaya naman hindi maiwasang hingan ng komento ang comedian-TV host tungkol sa naganap na pagpapakasal ni Aiza kay Liza Dino sa Amerika kamakailan.

Read: Aiza Seguerra and Liza Diño tie the knot in forest wedding

Sabi ni Vic, “I support her all the way.

“Kasi ako naman, personally, kung saan masaya ang aking mga kaibigan, ang aking mga anak, doon ako.

“Siguro hindi sila naiintindihan ng ibang tao, pero opinyon nila yun, I respect their opinion.

“So, I expect them to respect my opinion also.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vic sa presscon ng My Big Bossing kagabi, Disyembre 17, sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

APPROVAL. Nagsabi ba si Aiza kay Vic bilang anak-anakan niya ito?

Tugon niya, “Oh, yeah. At ‘pag dito [sa Pilipinas] sila ikinasal… ‘pag dito sila nagkaroon ng seremonya, I’ll be one of the ninongs.

“Anak ko yun, e.”

Ano ang sinabi niya kay Aiza noong magsabi ito sa kanya tungkol sa pagpapakasal?

“Simple lang, ‘Go!’”

Wala bang advice na ibinigay si Vic?

Saad niya, “Wala.

"Nakikita ko kasi sila, e, noong ginagawa namin yung My Little Bossing [2013], nakikita ko kung gaano sila nagmamahalan, kung gaano sila kasaya, how they take care of each other.

“So, nung nabanggit sa akin na magpapakasal sila o ipo-formalize nila yung kanilang relationship, go!”

SUPPOSED TO BE PART OF THE CAST. Bakit pala hindi kasama si Aiza sa cast ng My Big Bossing?

Paliwanag ni Vic, “She was busy. Maraming siyang inasikaso.”

Inamin ni Vic na dapat ay kasama talaga sa cast si Aiza dahil lahat halos ng entries ni Bossing sa MMFF ay kasama niya ang anak-anakan.

“Kasama naman talaga dapat siya, but of course, personal yun [kasal]. Unahin muna natin yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN