Vic Sotto admires Marian Rivera and Dingdong Dantes’s decision to donate their wedding gifts to a foundation

Vic Sotto on couple Marian Rivera and Dingdong Dantes’s decision to donate their wedding gifts to Yes Pinoy Foundation: "That’s very nice of them kasi hindi nila iniisip yung sarili nila, ang iniisip nila ay yung ibang tao, na makatulong sa ibang tao. Mga sikat kayong mga tao, magagamit niyo yun sa mabuting bagay yung kasikatan ninyo."


Ninong sa kasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes si Vic Sotto.

Nagkataon namang leading lady ni Vic si Marian sa “Taktak” episode ng pelikulang My Big Bossing, habang si Dingdong ang bida sa Kubot: The Aswang Chronicles.

Ang dalawang pelikula ay parehong official entries sa 2014 Metro Manila Film Festival at maglalabanan sa takilya simula sa Disyembre.

Ngunit paglilinaw ni Vic, “Ayokong gamitin yung kalaban… kasabay.

“Hindi naman maganda yung naglalaban-laban kayo, magkakaibigan kayo.

“Walang kalaban, isa lang tayo dito, isa lang ang industriya natin, isa lang yung Metro Manila Film Festival.

“Let’s all work for the success, mas mahigitan pa sana yung gross ng festival last year, which is medyo may kalakihan, pero alam kong kayang i-achieve.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vic sa presscon ng My Big Bossing kagabi, Disyembre 17, sa Annabel’s restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City.

Wala si Marian sa presscon kagabi. Kaya tinanong ng PEP kay Bossing kung nagsabi ba ang aktres na hindi ito makadadalo.

Sagot ni Vic, “Ah, yeah. She was able to attend the first presscon naman [noong Nobyembre 26] and that’s very much appreciated.

“Alam naman nating busy siya, e.”

Sa isang interview kay Marian, sinabi nitong gusto raw nitong sumakay sa float ng My Big Bossing sa Parade of Stars sa Disyembre 23.

Reaksiyon dito ni Vice, “Talaga? Mas maganda kung kumpleto kami.”

WEDDING GIFT. May regalo na ba siya para sa kasal nina Marian at Dingdong?

“For the foundation,” tugon niya.

Inihayag nga ng couple na lahat ng regalong makukuha nila mula sa kanilang mga ninong at ninang ay mapupunta sa Yes Pinoy Foundation.

Ano ang reaksiyon ni Vic dito?

“That’s good. That’s very nice of them kasi hindi nila iniisip yung sarili nila, ang iniisip nila ay yung ibang tao, na makatulong sa ibang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mga sikat kayong mga tao, magagamit niyo yun sa mabuting bagay yung kasikatan ninyo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN