KC Montero maintains close relationship with ex-wife Geneva Cruz and stepson Heaven

Bagamat hiwalay na si KC Montero sa dating asawang si Geneva Cruz, nananatiling malapit silang magkaibigan. Sa katunayan, si KC ang isa sa mga ninong ng anak na babae ni Geneva sa bago nitong asawa.


Hindi magiging malamig ang Pasko ni KC Montero ngayong taon dahil mayroon siyang kasintahan—isang 22-year-old Filipino-Australian model.

Ipinakita pa nga ni KC sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang miyembro ng media ang larawan ng girlfriend na nasa photo gallery ng cell phone niya.

Halata ang pagiging proud ni KC sa kasintahan at tila hindi niya ito gustong itago sa publiko.

Ngunit maliban sa pangalan, edad, at trabaho ng girlfriend niyang si “Stephanie,” wala nang ibang impormasyong ibinahagi si KC sa press.

Sa panayam ng PEP sa radio jock-actor sa pinakahuling presscon ng 2014 Metro Manila Film Festival entry na Kubot: The Aswang Chronicles, na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes, sinabi nitong kahit pasado maging artista ang kanyang girlfriend ay wala raw itong hilig sa showbiz.

“Ayaw niya, e,” sagot ni KC sa tanong namin kung hindi ba niya sinasabihan ang kasintahang mag-artista.

Kuntento na raw siya sa kanyang relasyon na tumatakbo na ng walong buwan.

Hindi na rin daw niya gustong magkaroon ng panibagong girlfriend mula sa showbiz, matapos ang dalawang magkakasunod niyang showbiz relationships.

Una, kay Geneva Cruz na tumagal ng sampung taon.

Ikalawa, kay Rhian Ramos na ilang buwan lang ang itinagal.

Sambit pa niya, “Huwag na lang… it’s hard.”


HIS EXES. Kinumusta namin kay KC si Rhian. Magkaibigan pa rin ba sila hanggang ngayon?

Tugon niya, “Yeah, of course. We’ll always be okay. She was a big part of my life…”

Kumusta naman sila ni Geneva?

“Yeah, we talked.

"I was actually in their house couple of months ago. I went there for the graduation of Heaven,” pagtukoy ni KC sa anak ni Geneva sa una nitong asawang si Paco Arespacochaga.

Patuloy niya, “Geneva is happy with her daughter.

“We didn’t talk that much. I’m the ninong also of her new daughter.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinasal si Geneva sa isang non-showbiz guy. Hindi naman nagtagal ay nabuntis ito at nagsilang ng baby girl.

Ikalawang anak na ito ng singer-performer.

Hindi ba awkward na maging parte pa rin siya sa buhay ni Geneva, gaya ng pagni-ninong sa bunso nito, gayong naging married couple sila?

Saad ni KC, “I think I’ve done a good job with Heaven.

“So, all of her children, I’ll be the ninong… whenever she has a child, and she wants more.”


HEAVEN. Hindi rin daw naputol ang closeness ni Heaven sa parents ni KC kahit na matagal nang hiwalay ang dalawa at hindi naman niya biological child ang binatilyo.

“He’s actually going to my parents’ house for Christmas [in Los Angeles].

“I won’t even be there. He’ll be visiting.”

Hanggang ngayon daw ay malapit pa rin sa isa’t isa sina KC at Heaven.

Ano ang tawag sa kanya ni Heaven?

“Dad,” mabilis niyang sagot.

Dugtong niya, “I might see him one day, ‘coz I’ll be in Los Angeles.”

Pagsasalarawan pa niya kay Heaven, “He’s eighteen, he drives, he has a girlfriend, he’s a drummer…

“He has a girlfriend, he loves her very much.

“They’re gonna go visit my family.”

Kahit minsan daw ay hindi nagkalayo ang mga loob nina KC at Heaven kahit may bago nang pamilya ang ina nito.

Kuwento pa ni KC, “Sometimes he gets tampo with me when I don’t message him back. But it’s fine.”

You treat him like your son?

“Yeah, but he’s eighteen now. So, it’s time for him to get a job. That’s what I would tell my son also.”

Binibigyan niya ba ng advice si Heaven pagdating sa pakikipagrelasyon?

Medyo natawang sabi ni KC, “I don’t have the best record with girls.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, maybe I’m not the best one to get advice from.

“But, yeah, I help him a little bit.”

Hindi pa naman daw nila napag-uusapan ng kanyang girlfriend ngayon ang pagkakaroon ng anak. Pero plano raw ni KC na magpakasal muli.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN