Andi Eigenmann on Jake Ejercito-KC del Rosario romance: “Kami pa nung summer, meron na silang something.”

“It wasn’t that it overlapped. While we were still together, nakita ko na kasi yung exchange of messages nila [Jake at KC]. So, parang alam ko na. Meron na akong ano [kutob]. Pero hindi ko in-expect na ‘pag naghiwalay kami, talaga palang magiging sila," says Andi Eigenmann when asked about growing romance between ex-boyfriend Jake Ejercito and KC del Rosario.


Ibinunyag ni Andi Eigenmann na bago pa sila opisyal na naghiwalay ni Jake Ejercito ay kinutuban na siyang tila nagkakamabutihan ang binata at si KC del Rosario.

At nakumpirma raw ang kanyang hinala nang mag-post si Jake ng mga larawan nila ni KC sa Instagram.

Read: Andi Eigenmann hurting over Jake Ejercito’s newfound romance

Pahayag ni Andi, “No, kami pa nung summer, meron na silang something.

“So, it wasn’t the first time [I learned about Jake and KC]. It’s just that I really confirmed it.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andi sa presscon ng Tragic Theater: The Exorcism of Film Theater na ginanap sa Music Hall, Metrowalk, Pasig City, ngayong araw, December 18.

Nag-overlap ba ang relasyon nila ni Jake at ang napapabalitang ugnayan ng binata at ni KC?

Sagot ng Kapamilya actress, “It wasn’t that it overlapped.

"While we were still together, nakita ko na kasi yung exchange of messages nila.

“So, parang alam ko na. Meron na akong ano [kutob].

“Pero hindi ko in-expect na ‘pag naghiwalay kami, talaga palang magiging sila.

"Hindi ko in-expect."

Ngunit hindi raw niya kinumpronta noon si Jake tungkol sa pakikipag-text ng huli kay KC.

Aniya, “I kept it to myself.”

Sa kabila nito, iginiit ni Andi na hindi si KC ang dahilan ng hiwalayan nila ni Jake.

“No, it wasn’t one of the reasons why we will never get back together because hiwalay naman na kami.

“And wala naman masama doon. Well, this second time around for him.

“Alam ko naman na walang masama dun kasi hindi naman na kami, e.

“He has his own life and if that’s what he wants.

"Pero definitely, we won’t ever get back together because of that," pagtukoy niya sa ugnayan nina Jake at KC.

Ayon pa kay Andi, wala silang pormal na closure ni Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang lumabas ang balita tungkol sa hiwalayan nila bandang September ngayong taon.

Kaugnay nito, aminado si Andi na gumawa ng effort si Jake na makipagbalikan sa kanya noong panahong pumanaw ang ama ng aktres na si Mark Gil.

Hindi kaya nagdesisyon si Jake na makipagrelasyon sa iba dahil ayaw nang makipag-ayos ni Andi noon?

Saad niya, “He was trying to get me back.

“But then, it was hard of course to just get him back right away.

“Siyempre marami rin akong napagdaanan.

“I’m not saying ako lang. Siyempre siya rin nasaktan ko. Nagkamali din naman ako.

“Pero magkaibang tao kami. Pinili kong unahin yung sarili ko.

“And yun po, nung nakilala niya si KC, hindi ko po sinabi na ayoko na talaga.

“Kasi alam niya po kung gaano ko siya kamahal.

“Pero it doesn’t mean I took it against him. Karapatan niya yun.

"Hindi naman na kami," diin ni Andi.


MOVING FORWARD. Kahit may ideya na si Andi tungkol kina Jake at KC noon, hindi pa rin daw napigilang umiyak ng aktres nang maglabasan ang photos ng dalawa.

Lahad niya, “The first time I saw it, sobrang nag-break down talaga ako. Nasaktan talaga ako.

“It didn’t end in a day. It’s been going on every day.

“Of course, I see [their] pictures every day.

"It hurt so much that wala na po ako nararamdaman."

Sa totoo lang ay sinusubukan na raw niyang mag-move on nitong mga nakaraang buwan.

Pero iba pa rin ang epekto na makitang may nahanap nang iba ang lalaking itinuring ni Andi na kanyang “great love.”

Ngunit kahit na masakit ay desidido si Andi na magsimula muli.

“For me, gugustuhin ko ba talaga ‘to para sa sarili ko? Mas gusto ko ba na umupo na lang dito at masaktan at tanggapin na lang lahat?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“[So I decided] to not just let it get to me and move on, because I know for a fact that I deserve something and someone better,” sabi ng aktres.


COMPARISON WITH KC. Samantala, hiningan din ng reaksiyon si Andi tungkol sa balitang siya ang pinatatamaan ng kapatid ni Jake na si Jerika Ejercito kamakailan.

Kaugnay ito ng Instagram post ni Jerika tungkol sa isang kakilala nitong babae na kayang magpakababa para makuha ang atensiyon ng isang lalaki.

We all know one😘 #justsayin #goodnight

A photo posted by Maria Jerika Ejercito (@mariajerikaejercito) onDec 12, 2014 at 7:31am PST

Ngunit nilinaw ni Andi na imposibleng siya ang pinatutungkulan ni Jerika dahil nananatili silang mabuting magkaibigan hanggang ngayon.

“I’m not sure if I have the right to be the one to say this.

“But I just want to clarify that Ate Ika/Jerika and I are good friends, and we are still good friends up to now.

“Whatever she posts on Instagram is about her and her life. I have nothing to do with that,” giit ni Andi.

Pinaghihinalaan kasi ng netizens na si Andi ang pinatututsadahan ni Jerika sa Instagram post ng huli.

Sabi ni Andi ukol dito, “Yes, she would always text me, ‘I know you know na hindi naman ikaw yung tinutukoy ko diyan.’

"Of course, I know that."

So, si KC ang pinatatamaan ni Jerika?

Sagot ni Andi, “Hindi ko alam.”

Tumanggi ring magkomento si Andi nang hingan ng reaksiyon tungkol sa usap-usapan sa social media na "retokada" diumano si KC.

Aniya, “Hindi ko po alam. Wala po akong masasabi.”

Matatandaang isa sa mga kaibigan ni KC ang diumano’y nanlait sa pisikal na hitsura ni Andi.

Ngunit ipinagsawalang-bahala lang ito ng aktres.

Sabi ni Andi, “I think there are many other things to worry about in this world than my weight.

“I really don’t care about what other people say about me because these people dont know who I am.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Those who love me and support me, what matters is what they say.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN