Jed Madela strongly denies he has been kicked out from ASAP

Jed Madela on what he learned from recent controversy: "I’m very transparent, makikita mo kung ano ang napi-feel ko, naiisip ko. Hindi kasi ako showbiz na tao. I’m not the one na kalkulado ko lahat ng galaw ko, lahat ng sinasabi ko. I say what I feel and I mean it. But I have to accept the fact that I am in this industry and I have to be responsible on what I post. Yun ang lesson learned ko dito, sa experience na yun.”


Hindi nakasipot ang singer na si Jed Madela sa nakaraang major concert ni Lani Misalucha at hindi rin siya kabilang sa mga artista at singers na nag-perform sa Christmas special ng ABS-CBN.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Jed sa ASAP noong Linggo, December 14, ipinaliwanag niya ang dahilan kung bakit wala siya sa mga nabanggit na musical events.

“Nagkaroon ako ng acute laryngitis at hanggang ngayon, bawal akong kumanta…

“Sorang nakakatakot siyang experience, kasi ano siya, one of the most dangerous things that could happen to a singer.

“Kasi laryngitis is the acute inflammation of the throat, of the vocal cords.

“Anytime soon, may puputok na ugat diyan, kasi overused yung voice ko.

"Parang naging wake-up call sa akin yun."

Lahad pa ni Jed, “Actually, nung All Request na concert, November 21, medyo masikip, mahirap nang kumanta.

“Pero pinilit ko, lumabas naman yung boses ko.

“After All Request, nagpunta ako ng Baguio with Lani, concert ni Lani.

"’Tapos pagbaba namin, corporate shows, sunud-sunod every day.

“Nag-ASAP pa ako, nag-Kris TV pa ako na taping.

"Then, after Kris TV, dumiretso ako ng Resort’s World for Aliw Awards rehearsals.

“Rehearsals, okay pa, may production number kami nila Dulce saka ni Tita Pilita [Corrales]…

“Nag-perform ako nung actual performance na ‘di ko naabot ang kanta ko, kinabahan na ako.

“Nung nasa dressing room ako, feel ko, nawawala, kaya nagpatawag na ako ng doktor, in-injection-an na ako ng steroids.

“Sabi niya, magang-maga na yung throat ko.

“Sabi ko, may isang kanta pa ako mamaya, sa dulo, in case na manalo ako as Entertainer of the Year.

“Sabi ko, ‘O, sige, I’ll stay. Doc, injection-an mo na ako para in case na kailangang kumanta, makakanta ako.’

“Yun nga, nanalo ako sa Best Performer in A Concert, nanalo ako sa Best Concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung in-announce ako as Best Performer, pag-akyat ko sa stage, pumipiyok-piyok na ako.

“After ko ma-receive yung trophy, kakanta pa ako, nakakanta naman ako.

“After that, the next day, wala na, as in zero.

“Hindi na ako makapagsalita kahit bulong, ‘tapos sobrang sakit.

“Sabi nga ng doctor, acute laryngitis.

“When they inserted a camera, yun nga, sobrang pulang-pula na raw, parang tocino.

“Na normal color niya is white and pink, sa akin super red.

“Nag-antibiotics na ako para sa swelling ‘tapos bawal ako magsalita for two weeks.”

Dahil sa kanyang karamdaman ay maraming nakanselang trabaho si Jed.

“Na-cancel yung kay Lani, ‘tapos Christmas special ng ABS, hindi rin ako nakapunta, hindi ako makakanta.

“Dami kong shows na na-cancel, dami kong corporate events na na-cancel. Nagpupunta na lang ako dun para magpa-picture.”

Magaling na ba siya ngayon?

Aniya, “Hindi pa ako totally well.

“Advice ng doktor, baka puwedeng next year na ako na magsimulang kumanta uli.

“Puwedeng kumanta pero mababa lang.

“Nakapag-ASAP ako ngayon, pero ‘di ako nakakanta, sumayaw na lang ako. Bawi na lang.”


RUMORS. Pagkatapos nito ay nilinaw ni Jed ang mga balitang lumabas pagkatapos pumutok ng isyu kaugnay ng “bunck of monkeys” post niya sa Facebook.

Read: Jed Madela refutes calling ASAP 19 co-performers, Cagayan de Oro residents ‘bunch of monkeys’

Saad niya, “Daming tsismis na lumabas na kesyo sinipa daw ako sa ASAP, lilipat na raw ako ng ibang station, lumipad na raw ako sa ibang bansa.

“Wow, ang daming kuwento!

“Sabi ko, idi-deal ko na lang ‘yan pagbalik ko.

“Once and for all, iki-clear ko na wala talaga kaming issue ng ASAP, as in we’re very okay.

“It’s just a misunderstanding, yung mga tao lang na nag-assume at gumawa ng kuwento.

“Pati mga kababayan natin sa CDO [Cagayan de Oro City] nadamay pa, kasi may mga lumabas na issue na sila daw ang bina-bash ko, which is not true.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos ay ikinuwento ni Jed ang nangyari kung bakit siya nag-post ng kanyang hinaing sa Facebook.

“Dun [CDO] kasi ako nanggaling, may show kami dun ni Lani.

“The post happened after that.

“Nag-react yung mga taga-Cagayan de Oro, akala nila sila yung pinapatungkulan ko.

“Which is not true also kasi we had a great time, enjoy na enjoy ako sa crowd ng CDO.

“I’m just upset with two, three people.

“Nagka-confusion lang, it’s not actually a big thing na…

“Pinabayaan ko na nga, sabi ko nga, huwag na nating palakihin.

“Yun ang nangyari.”

Pagkatapos ng nangyari ay naging mas maingat at sensitibo na raw siya sa mga ipinu-post niya sa social media.

“Of course, very carfeul na.

“E, ako pa naman, I’m very transparent, makikita mo kung ano ang napi-feel ko, naiisip ko.

“Hindi kasi ako showbiz na tao.

“I’m not the one na kalkulado ko lahat ng galaw ko, lahat ng sinasabi ko.

“I say what I feel and I mean it.

“But I have to accept the fact that I am in this industry and I have to be responsible on what I post.

“Yun ang lesson learned ko dito, sa experience na yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN