Empress harbors no ill feelings towards ABS-CBN

“Wala nang sama ng loob kasi nagpaalam naman ako nang maayos, na-inform naman sila, hindi naman ako umalis nang basta-basta lang,” says Empress about leaving ABS-CBN.


“Nasaktan ako.”

Ito ang ilang ulit na sinabi ni Empress nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa pag-alis niya sa ABS-CBN at pagbabalik sa GMA Network.

Ayon pa sa aktres, naramdaman niyang tila napabayaan siya ng kanyang dating home network dahil sa matagal-tagal siyang nawalan ng trabaho.

“Nasaktan talaga ako.

“More than a year na akong walang TV show. Puro guestings, puro movie, pero hindi naman teleserye.

“Ayun, naghanap na nga ako ng mga tao. They started asking na kung nasaan ako.

“Ayun, I really got hurt talaga.”

Pagsisiwalat pa ni Empress, noong una ay nag-alinlangan siyang umalis sa ABS-CBN.

“Marami akong naisip. Matagal, hindi siya agad-agad.”

Kasunod nito, ipinaalam niya sa ABS-CBN na naghahanap na ng trabaho para sa kanya ang kanyang talent management sa ibang network.

Naging desidido raw siyang umalis nang agad na pumayag ang ABS-CBN.

“If nagpaalam ka naman, if they really want you and they really have plans for you, they would say ’No, stay here.’ O ’No, just wait.’ O ’Sorry it’s taking a long time but wait lang.’

“No, e, they said ’yes’ right away.”

Tinanong ng PEP kung mayroon siyang sama ng loob sa ABS-CBN.

Sagot niya, “Ayun lang. I just got hurt.

“Pero noong nagpaalam ako, ’tapos they said yes, okay na ’yon.

“Wala nang sama ng loob kasi nagpaalam naman ako nang maayos.

"Na-inform naman sila, hindi naman ako umalis nang basta-basta lang."

Nabanggit din ni Empress na hindi naman siya humihiling ng bida roles sa ABS-CBN noon.

Pero aniya, “Ewan, siguro nahirapan silang magbigay kasi marami silang artista."

Sa ngayon, wala raw siyang exclusive contract sa kahit anumang TV network.

Mas mainam na raw ang maging freelance dahil “mas maraming door na mag-o-open.”

Sa pagbabalik-Kapuso ni Empress, ang una niyang magiging proyekto ay ang Kailan Ba Tama ang Mali, kung saan makakasama niya sina Geoff Eigenmann at Max Collins.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ginanap ang presscon para sa nsabing palabas kaninang tanghali, December 18.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN