Aiko Melendez’s ex-husband Martin Jickain arrested for gun poking

Dakong madaling-araw nitong Biyernes, December 19, inaresto si Martin Jickain, dating mister ni Aiko Melendez, matapos umano nitong tutukan ng baril ang isang pulis.


Inaresto ng mga awtoridad si Martin Jickain, dating asawa ng aktres na si Aiko Melendez, at isa pang kasama nito dahil diumano sa panunutok ng baril sa may Pasay City, Biyernes ng madaling-araw, December 19.

Ayon sa ulat ni Luisito Santos ng dzBB, nangyari umano ang insidente sa kanto ng Roxas Boulevard at Santa Monica Service Road, dakong 12:30 A.M.

Dagdag pa sa report, nakipagsagutan daw si Martin at ang kasama nito sa isang grupo malapit sa isang restaurant.

Ayon naman sa tweet ng Unang Hirit ng GMA Network, isang pulis daw ang tinutukan ni Martin.

Nakuha kay Martin ang isang baril at dalawang magazines, 12 bala, at lisensiya ng kanyang baril.

Si Martin ay dating commercial model at kalaunan ay naging executive chef sa isang restaurant.

Ikinasal sila ni Aiko noong 2006 at nagkaroon ng isang anak na babae.

Ngunit naghiwalay sila at na-annul ang kanilang kasal noong 2006.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN