Snooky Serna approves of Marina Benipayo for ex-husband Ricardo Cepeda

Snooky Serna on ex-husband Ricardo Cepeda: "We’re okay na ganito na lang ang arrangement namin. I read nga that he said that we’re not friends. For me, that is sad to hear, ‘di ba? Pero para sa akin, I still consider him not just the father of my kids, but a friend as well. If he feels na hindi pala kami magkaibigan, then I will respect that. Everyone is entitled to his or her own opinion, ‘di ba? When it comes to our kids naman, kailangan t


Masaya si Snooky Serna sa lovelife ngayon ng kanyang ex-husband na si Ricardo Cepeda.

Ayon sa aktres, mabuti na lang at ang ’tulad ng beauty queen turned model-actress na si Marina Benipayo ang naging karelasyon ng dating mister niya.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Snooky sa clinic ng Shimmian Manila Surgicentre sa Tomas Morato, Quezon City, noong Miyerkules, December 17.

Kinukunan siya para sa isang segment ng travel-magazine show na Business Flight ng GMA NewsTV.

Maganda ang mga sinabi ni Snooky tungkol kay Marina at mahal na mahal nga raw ito ng kanyang mga anak.

Lahad ng aktres, “Samantha and Sachi are so in love with her.

“Every time na magkakakuwentuhan kami, they talk about her.

“Sa totoo lang, I should feel jealous, ‘di ba? Kasi, as a mother, siyempre you want your kids na ikaw lang ang mahalin.

“Pero I don’t feel that way kay Marina. Hindi ako nagseselos sa kanya with my kids.

“Kung ibang babae siguro ‘yan, I would feel threatened dahil gustung-gusto siya ng mga anak ko.

“But with Marina, I also love her for my kids.

“Matagal ko na ring nakilala si Marina, and I know din how much she loves my kids.”

May mga nagagawa raw kasi si Marina na hindi kayang gawin ni Snooky.

“Marina get to do different sports with my daughters. Very active kasi si Marina and it shows naman sa katawan niya.

“I will admit na ‘yung mga ginagawa ni Marina for Sam and Sachi, hindi ko kayang gawin.

"Alam niyo naman na stay-at-home beauty lang ako.

“Kaya I am happy that my girls found someone like Marina who can spend time with them with the activities that they like doing.

“Kung ako kasi ang aasahan nila, ‘Naku, manood na lang tayo ng sine, mga anak!’” tawa pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


EX-HUSBAND AND DAUGHTERS. Ayon pa kay Snooky, nagkakausap lang sila ni Ricardo kapag tungkol sa kanilang dalawang anak ang topic.

“Kami naman ni Richard, we’re okay na ganito na lang ang arrangement namin.

“I read nga that he said that we’re not friends. For me, that is sad to hear, ‘di ba?

“Pero para sa akin, I still consider him not just the father of my kids, but a friend as well.

“If he feels na hindi pala kami magkaibigan, then I will respect that. Everyone is entitled to his or her own opinion, ‘di ba?

“When it comes to our kids naman, kailangan talagang mag-usap kami.

“Especially now that Sam is already 21 and she’s about to graduate with her course in European Studies.

“Si Sachi naman, she’s already 18 and she wants to take up pre-med naman.

“I am happy for our kids dahil napalaki naman namin sila nang maayos and they really want to be in school.

“Yun naman ang ikinaka-proud ko sa kanila. They really lived up to their promise that they will finish their studies.”

Kahit marami raw offers na mag-artista sina Sam at Sachi, mas pinili ng mga ito na mag-aral.

Sabi ni Snooky, “Mga bata pa lang sila, may mga offers na maging artista sila. Pati na rin sa mga TV commercials.

“Pero talagang walang hilig ang dalawang ‘yan.

“Ako naman, as a parent, gusto ko rin na makitang nag-aartista sila since it’s in their blood naman. Pero talagang ayaw nila.

“Mabuti na rin naman na humihindi sila dahil mas maganda naman itong ginagawa nila na focus sila sa school.

“It makes me proud dahil malalaki na nga ang mga babies ko and soon they will be living their own lives na.”


SNOOKY’S SHOWBIZ CAREER. Umaasa naman si Snooky na sa 2015 ay maging maganda ulit ang takbo ng kanyang career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mahigit isang taon na pala siyang walang regular teleserye. Mabuti na lang daw at hindi siya nawawalan ng guestings sa iba’t ibang shows.

Saad niya, “Yung last teleserye ko was Genesis pa with GMA-7.

“I was supposed to do a teleserye with GMA-7 din, pero hindi ako natuloy.

“Then also with ABS-CBN, nagkaroon ng problema, kaya ang ending ay wala akong nagawa.

“Thankful naman ako for a few friends who call me up at nabibigyan ako ng chance na mag-guest sa shows nila.

“Also with Net25, they are helping me with a few guestings din.

“Pero may mga nagawa naman akong mga indie films, like yung Homeless and Esoterika: Maynila.

“I also have a movie with Star Cinema na bida sina Maja Salvador and Dennis Trillo. Naka-one shooting day na kami and we will resume in January 2015 na.

“So, hopefully, pagpasok ng 2015, things will be different for me.

“I want to work and be productive again.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN