Ryzza Mae Dizon reveals crush on Enrique Gil; wants to work with James Reid

Kung papipiliin si Ryzza Mae Dizon ng isang show lang, The Ryzza Mae Show o Eat Bulaga, kaya niya bang mamili? Sagot ng child wonder, “Hindi po, e. Dapat pareho, e… basta love ko po ang Eat Bulaga.”


Parang laro lang ang turing ni Ryzza Mae Dizon kapag siya ay nasa harap ng camera.

Ayon sa child star ng Eat Bulaga!, masaya siya kapag nasa toprating noontime show ng bansa at nagpapaligaya sa manonood.

“Masaya naman po, kasi lahat kami masaya rito,” panimulang wika ni Ryzza Mae nang nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Broadway Centrum studio pagkatapos ng kanilang noontime show.

Si Jose Manalo ba ay love niya rin, kahit minsan ay “nag-aaway” sila sa show?

“Opo naman, kasi ‘di naman po totoong away yun, e, parang joke-joke lang,” mabilis na sagot pa ni Aleng Maliit.

Kapag wala siyang trabaho, ano ang gusto niyang ginagawa?

“Wala po nasa bahay lang nagpapahinga, naglalaro…”

RYZZA MAE’S CRUSH. Sino pang artista ang gusto niyang makatrabaho?

“Sina James Reid at saka po si Enrique Gil,” sagot ng nine-year-old actress-TV host.

Bakit niya gustong makatrabaho si Enrique?

“Kasi mabait po siya… kasi crush ko siya, e,” tila nahihiyang pahayag ni Ryzza Mae, na bahagyang sumara ang singkit na mata dahil sa sobrang ngiti.

Bakit, gusto niya ba ng mga tisoy?

“Opo, mahilig ako sa tisoy at saka ‘di ko alam, e, mabait yata si… mabait po yata si Enrique.”

Hindi pa raw sila nagkakatrabaho ni Enrique, pero gusto niyang maging guest ito sa kanyang talk show na The Ryzza Mae Show.

“Opo, gusto ko siyang maging guest sa show ko.”

Si Vice Ganda ba, gusto niya ring maging guest sa kanyang show, kung puwede?

“Hindi po alam, e!” nakatawang sagot niya.

Kung itanong sa kanya kung sino ang mas magaling, si Bossing Vic o si Vice Ganda, kaya niya bang sagutin yun?

“Opo,” mabilis na sagot ulit ng bagong child wonder.

So, sino ang mas magaling, si Vic o Vice?

“Si Bossing Vic po!” bulalas ni Ryzza Mae.

Kung papipiliin siya ng isang show lang, The Ryzza Mae Show o Eat Bulaga, kaya niya bang mamili?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi po, e. Dapat pareho, e… basta love ko po ang Eat Bulaga.”

BE HAPPY. Mahirap bang maging katulad niya?

“Hindi naman po, basta lagi pong mag-pray, yun… ‘tsaka susunod sa mga magulang… mag-aaral.”

Ano ba iyong nagiging masaya siya kapag ginagawa niya?

“Lahat po, dito [work], pati po kapag naglalaro ako at saka kumakain.”

Alam niya ba kung gaano siya kasikat?

Sagot ni Ryzza Mae, “Hindi ko po alam, e. Pero may mga fans na nanggigigil sa akin, nangungurot minsan…”

Ano pa ang mga pangarap niya sa buhay?

“Yung makapagtapos po ng pag-aaral at saka… yun po,” sagot niya.

Ano ba ang gusto niyang maging paglaki niya?

“Gusto ko po maging chef, ‘tsaka stylist.

“Kung lalaki po ako, ha, iyon po ang gusto,” pabirong hirit niya.

Sa palagay niya ba ay hindi na siya lalaki o tatangkad pa?

“’Di ko naman po alam, e…”

MY BIG BOSSING. Hinggil naman My Big Bossing, na isa sa entry sa 2014 Metro Manila Film Festival, sinabi ni Ryzza Mae na dapat abangan ang kanilang pelikula.

“Masaya po itong movie naming My Big Bossing at maganda ito.

“Tatlo ang story po nito. Iyong ‘Sirena’, ‘Taktak’, at saka iyong pangatlo, iyong ‘Prinsesa’.

“Iyong ‘Taktak’ po, iyong parang manggagantso kami, na nakakausap ng mga patay.

“Ako po ang nag-suggest kay Bossing Vic na maging sirena dito. Kasi gusto ko po yun, dream ko.”

Idinagdag pa ng child star na kahit nahirapan siya bilang sirena ay masaya naman siya sa shooting nito.

“Hindi naman po ako nahirapan masyado, a… pero medyo mahirap din po kasi underwater…

“Pero enjoy naman po ako dito kahit medyo mahirap mag-shooting sa tubig,” nakangiting sabi niya.

Ano naman ang masasabi niya sa co-star niyang si Alonzo Muhlach?

“Ayun po, walang kakulit-kulit, walang kakulit-kulit sa kabaligtaran!” nakatawang sagot ni Ryzza Mae.

Ipinaliwanag din ni Ryzza Mae kung bakit niya nasabing magiging No. 1 ang kanilang entry sa MMFF.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi po last year, Little lang po,” saad niya tungkol sa entry nilang My Little Bossings last year. “’Tapos po ngayon, Big na… so mas maganda po ‘tsaka mas malaki dahil My Big Bossing na, e.”

Ano ang masasabi niya sa kanyang fans, lalo na sa mga bata?

“Maraming salamat po sa kanila kasi sa walang sawang pagsuporta, sana po ’wag sila magsawang sumuporta.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN