Sheryl Cruz happy being an unmarried woman; likes tall men without complications

Sheryl Cruz is 40 and ageing gracefully. “Sabi nila, life begins at 40 and happy ako na wala naman akong ipinapa-enhance na anuman sa katawan ko. Totoo pa rin yung ilong ko!”


Matagal nang walang lovelife si Sheryl Cruz at marami ang nagtataka kung bakit ilang taon mula nang maghiwalay sila ng dating asawa niyang si Norman Bustos ay wala pa ulit siyang nakakarelasyon.

Paliwanag ng aktres, “May mga nanliligaw, kaya lang siyempre kapag nakikita nilang naka-feature ka sa TV show, gaya ng Powerhouse o sa kung anu-anong magazines, para silang nasisindak.

“Nai-intimidate!

"Meron actually na ipapakilala ‘tapos biglang umaatras kasi natakot! Ganun!

“But I’m not really in a hurry dahil kung nakikita ko naman sina Tita Boots Anson Roa, meron pang asim at meron pang lovelife ngayon, so bakit naman ako magmamadali?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sheryl sa kanyang bahay, sa Quezon City, Huwebes ng hapon, December 18.


THE RIGHT ONE. Ano ba ang qualifications na hinahanap niya sa isang lalaki para masabi niyang he’s the one?

Ayon kay Sheryl, “Ang qualification siguro is maging maayos siya, unang-una, sa lahat ng kababaihan sa pamilya niya.

“Kung paano niya minamahal at inirerespeto yung kanyang mother, yung mga kapatid niyang babae, at yung mga kamag-anak niyang babae.

“Siguro that is one basis, seeing kung paano siya makitungo sa mga babae.

“And next, gusto ko naman, e, yung maabilidad when it comes to pagsisikap sa trabaho.

“Ayoko naman na parang ikaw lang ang nagsusumikap.

“Since ako, apat na taon pa lang ako, marunong na akong magtrabaho.

“Kaya gusto ko na masikap din siya at maaasahan.

“Hindi ko naman sinasabi na… sasabihin niya sa akin na ’Huwag ka nang magtrabaho,’ kasi ayoko ‘yon.

“Baka mamatay ako kapag sinabi niyang huwag na akong magtrabaho, ‘di ba?

“Kasi gusto ko rin naman na hindi ako umaasa sa kanya, gusto ko rin naman may sarili akong sikap, ganun.

“And also, gusto ko sana mas matangkad nang konti sa akin.

“Kasi ang ganda ng height ni Papa,” banggit niya sa yumaong ama na si Ricky Belmonte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka ni Uncle Ronnie,” pagtukoy naman ni Sheryl sa namayapa na ring si Fernando Poe Jr., na asawa ng tiyahin niyang si Susan Roces.

“Siguro tama na yung 5’10” o 5’11,” yung makakapag-heels ako dahil ayoko naman ng naka-flat shoes all the time.”


DAUGHTER’S APPROVAL. Kailangan ba mauna niyang suyuin ang only daughter niyang si Ashley, anak niya sa dating asawa na si Norman Bustos?

“Actually, isa ‘yon sa basis na kung paano siya makisama sa anak kong si Ashley.

“At saka sa pamangkin kong dalawa na sina Alex at Gia,” banggit din niya sa mga anak na babae ng kapatid niyang si Renzo.

“Kasi siguro makikita ko kung paano siya with children.

“And hopefully, kung meron pang ibibigay si Lord na wala pang baggage, kasi isa lang yung akin, ‘di ba?

“So siguro mas maigi kung ganoon, ‘di bale na kung mas younger sa akin ng konti.

“Hindi naman kasi lahat puro age, as long as they’re intellectually engaging kapag merong mga conversation.

“At saka hindi lang puro salita. Marunong din sa gawa.

“Kasi may mga tao na salita nang salita na puro yabang lang, wala namang ipinapakita.”


AGEING GRACEFULLY. Saad pa ni Sheryl, “I’m 40 and I’m very happy na wala pang ano... mga signs of aging.

“Sabi nila, life begins at 40 and happy ako na wala naman akong ipinapa-enhance na anuman sa katawan ko.

“Totoo pa rin yung ilong ko!” biro pa niya.

“Pero sa akin, when it comes to enhancing yourself aesthetically, I have no problems with that.

“I respect people who undergo beautifying themselves, especially kung nasa larangan sila ng entertainment business.

“Because alam naman ng mga taga-showbiz na itong mukha at katawan namin ang aming puhunan.

“Yung akin lang, mas gusto ko lang kasi to be as natural as I can, if age permits me gracefully to age.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi alam ko naman na mahal ang mga surgery na ganyan and I really don’t like hooking up with sponsors.

“Kasi ako, halimbawa gusto kong gawin, hindi ko gustong pasalamat, doc.

“Gusto kong gawin na meron akong ipambabayad sa kanya, para alam ko na hindi siya magmumukhang ewan.

“Na hindi dahil sa thank you kundi gusto ko, on my own terms.

“Pero right now, wala pa naman akong plano na ganun. Wala pa naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN