John Estrada contradicts Jake Cuenca’s statement about his Star Awards for TV win: “I’m sure, hindi siya ganun ka-happy sa akin."

They’re all winners, says John Estrada about his co-actors in the erstwhile teleserye Ikaw Lamang, especially mentioning Jake Cuenca... "Totoo namang nakapakagaling niya, pero natsatsambahan siya... hindi naman ganun ang ano ni Jake, baka nadala lang ng pressure."


Kinontra ni John Estrada ang pahayag ni Jake Cuenca na masaya siya para sa kanyang "Kuya John" sa pagwawagi nito bilang Best Supporting Drama Actor sa nakaraang 28th PMPC Star Awards for TV

Sabi ni John, “I’m sure, hindi siya ganun ka-happy sa akin."

Matatandaang naging usap-usapan ang pahayag ni Jake tungkol sa kanyang pagkadismaya na hindi siya ang nanalo ng nasabing award para sa kanyang pagganap sa ABS-CBN drama series na Ikaw Lamang, kung saan din nanalo si John.

Read: Jake Cuenca "very disappointed" he lost at the Star Awards for TV

Nang makausap si John ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media sa presscon ng pelikulang Tragic Theater sa Music Hall, Metrowalk, kahapon, December 18, binigyang linaw niya ang pahayag na ito ni Jake.

Ayon sa award-winning actor, "I have nothing against Jake, kaibigan ko si Jake, I like Jake.

"I always tell him during tapings namin [sa Ikaw Lamang] na, for me, this is his best performance ever. In-acknowledge ko yun.

"Now, nung ako ay nanalo, na hindi ko naman talaga ini-expect, ano ba ang sasabihin ko, thank you ba o natsambahan ko lang?”

Dugtong pa niyang paliwanag, "Kumbaga, parang boksingero lang ’yan.

"Si Manny Pacquiao nga ay natatalo, ’di ba?

"Siguro, sa tingin natin napakagaling niya at totoo namang napakagaling niya, pero natsatsambahan siya.

"Kumbaga sa boksing, labanan ’yan, ’di mo puwedeng maliitin mga kalaban mo.

"So, I’m sure, hindi naman ganun ang ano ni Jake, baka nadala lang ng pressure."


WINNERS ALL. Naniniwala naman ba si John na well-deserved niya ang award na yun?

Natatawang tugon niya, "Well, aside from... ako kasi ang nanalo, kaya nahirap namang magsalita.

"I think, all of us can win that, all of us—sina Boyet [Christopher de Leon], Joel [Torre], Tito Eddie Garcia, Kuya Pipo [Tirso Cruz III], Tito Ronaldo [Valdez], at si Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Anybody can win that.

"I’m just so blessed and lucky enough na sa akin ibinigay, wala akong magagawa."

Malayo na rin naman ang nilakbay ni John sa larangan ng pag-arte, kung kaya napanday na rin nito ang kanyang husay at kakayahan.

Kaya nga marami ang nagsasabing sapat na ang panahon para makilala naman ang kagalingan niya bilang isang aktor.

Parang nahihiya pang reaksiyon ng 41-year-old actor, "Salamat naman po.

"Para sa akin din, hindi ako gumagawa ng proyekto para manalo ng award.

"Mapansin man ako sa role na ginagampanan ko, yung trophy is an icing on the cake.

"But at the same time, yun nga, hindi ka gumagawa ng trabaho para manalo ng award."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN