Lovi Poe clarifies solo trip to Japan has nothing to do with love life

Lovi Poe relates the memory of her late father Fernando Poe Jr. puts a brake on her social life: "May time noon na palalabas ako, pala-gimik...Dahil sa dad ko, parang oops!"


Ipinaliwanag ni Lovi Poe na kahit kasama niya ang ina sa kanyang trip sa Japan kamakailan ay mag-isa lang daw siyang namasyal sa ilang lugar doon.

“Minsan kasi kailangan ko talaga yung time with myself, added time with myself.”

Nakapanayam si Lovi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Shake Rattle & Roll 15 no’ng December 16, Martes.

Nagkaroon kasi ng mga speculation na baka raw maghihiwalay na sila ng boyfriend niyang si Rocco Nacino kaya raw kinailangan niyang magmuni-muni.

Pero sa mga pahayag ng Kapuso actress, malinaw na walang kinalaman ang Japan trip sa kanyang lovelife at hindi totoo ang bali-balitang dumaan sa malaking problema ang relasyon ng dalawa.

Katunayan, makakasama niya si Rocco ngayong Pasko, at bahagi ito ng matagal nilang plano.

TIME ALONE. Saad pa ni Lovi tungkol sa kanyang trip sa Japan, “First time kong mag-alone moment.

“First time kong mag-isa out of the country, usually, may mga kasama ako.

“Nakakatuwa nga, e. I flew back alone.

“So may mga nakilala akong mga Filipino doon. ‘Ikaw lang ang mag-isa?’ ‘Oo.’

“‘’Buti hindi ka natakot na mag-isa.’ ‘Hindi naman.’

“Ano lang kasi no’ng mga times na yun, I just needed time alone to write, watch a movie alone.

“Na-enjoy ko naman. It’s for everyone naman.

“Ako kasi yung taong kailangan ko ng oras sa sarili ko lang.

“Kasi now, ang dami kong ginagawa, marami rin akong pinagdaanan.

“So kailangan ko rin ng moment of silence.”

Nagkakausap naman daw sila ni Rocco.

ISSUE WITH ERIK MATTI. Kasama ba sa pagmumuni-muni niya yung mga isyu na kinasangkutan niya?

Natawa muna si Lovi dahil alam niya na ang gustong tukuyin ng PEP ay si Direk Erik Matti.

Pumutok ang kontrobersiya sa dalawa noong Setyembre nang hindi pumayag ang dalaga na i-shoot ang opening sequence para sa Kubot: The Aswang Chronicles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Back to Lovi, pahayag nito tungkol sa issue, “Of course, sa akin, forgiveness is something that I’ve done a long, long time ago.”

Natawa pang lalo si Lovi sa tanong kung ibig bang sabihin ay napatawad na niya at wala na siyang sama ng loob sa direktor.

“Ah, no. I’ve moved on already.”

Wala bang pressure dahil magkalaban ang pelikula nila?

Ang entry ni Direk Erik sa Metro Manila Film Festival 2014 ay ang Kubot: The Aswang Chronicles at ang kina Lovi naman ay Shake Rattle & Roll 15.

“I wish him the best especially this Christmas, wala na sa akin yun.”

Posibleng magkita sila, ‘di ba?

“Oo, maliit lang naman ang mundo.”

Pag nagkita ba sila, posible kaya na bumalik yung sama ng loob niya?

“Wala naman. Parang I don’t hold any grudges.”

Tila nanahimik lang talaga siya sa isyu nila ni Direk Matti.

“Ahm, I just let it happen na lang, sa akin kasi nag-move on na ako.

“As much as possible, I just wanna move forward from it.”


Nagpapasalamat lang si Lovi dahil nagagawa niyang balansehin ang lahat ng anggulo sa buhay niya.

“Thankful lang ako na kasi nagkaroon ako ng stage sa buhay ko na, I think you all witnessed it na medyo I went through tough time a long-long time ago pa ito.

“Hindi ito yung recent na pinag-uusapan natin.

“Now parang I’m back to my own self.

“I’m thankful and I am blessed kasi a lot of people stuck with me."

Nabanggit rin niya ang amang si Fernando Poe Jr.+

“As much as possible naman kasi I want to make him proud.

“Siguro kasi may time noon na palalabas ako, pala-gimik.

“Ngayon, ang dami kong na-realize na dahil sa dad ko, parang oops!

“Sandali lang, you have to remember na siya ang dad mo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN