Mark Herras, Sam Pinto among celebrities losing followers worldwide as Instagram removes spams and fake accounts

Naging malaking balita saan mang dako ng mundo ngayon ang tungkol sa mga nababawas na followers sa Instagram ng mga sikat na personalidad. Kabilang sa kanila ay sina Sam Pinto at Mark Herras.


Lumikha ng kalituhan at pagkainis sa ilang celebrities at maging ng mga ordinaryong mamamayan na may Instagram account ang pagkabawas sa numero ng kanilang followers.

December 11 pa lamang ay nag-anunsiyo na ang sikat na social media site na sa mga susunod na mga araw ay tatanggalin nila ang mga spam at fake accounts upang mapangalagaan ang dumadami nang Instagram users:

"We’re proud to announce that there are now 300 million Instagrammers, sharing more than 70 million photos and videos each day.

"As Instagram gets bigger, we’re focused on helping you discover more.

"Today, we’re excited to say that verified badges for celebrities and brands will be rolling out in the coming days, making it easier for you to find and connect with authentic accounts.

"Finally, we’re committed to keeping Instagram free from fake and spammy accounts. We’ve been deactivating these accounts on an ongoing basis—and now we will be deleting these accounts forever.

"As a result, some of you will see a change in your follower count, though most of you won’t see any impact.

"If you’re one of those who will see a correction, you will see a notification in the app directing you to additional information.

"Thank you for your passion, creativity and support over these past four years. We can’t wait to see what you do next.

"To learn more about these new initiatives, check out blog.instagram.com. ---- Clarification: Hey everyone. Don’t worry about your account being deleted. We’ve already finished deleting the accounts that are part of this cleanup."

Kabilang sa mga prominenteng pangalan na nawalan ng followers sa Instagram ay sina Justin Bieber, down to to 20.2 million from 23.8 (3.5 million lost followers), at Kim Kardashian, down to 22.2 million from 23.5 million (1.3 million lost followers).

Si Beyonce ay nawalan naman ng 832,000 followers to 21.3 million from 22.2 million.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa local showbiz, hindi naman napigilan ni Sam Pinto na mainis sa Instagram dahil nawalan daw siya ng 14,000 followers.

Wth. I lost 14k followers in ig in 3 hours?! What’s going on istagram?

— Sam Pinto (@SamPinto_) December 18, 2014

Pero makalipas ang halos labinlimang oras, muling nag-tweet si Sam at sinabi nitong 4,000 lang pala ang followers niyang nawala.

Okay I just lost 4k followers and not 14k. Lol. I overreacted. Haha

— Sam Pinto (@SamPinto_) December 19, 2014

Ang Kapuso actor-dancer na si Mark Herras ay nawalan naman ng 2,000 followers.

Sa Instagram post niya noong December 16, nagpasalamat si Mark na umabot na sa 200,000 ang kanyang followers.

Pero ngayong araw, December 19, nasa 198,000 na lamang ang followers ni Mark.

Ayon sa observers, hindi daw dapat mainis ang mga nabawasan ng followers dahil ang mismong account na @Instagram, na may followers na 65 million, ay nawalan ng halos 20 million followers.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN