Yearender 2014: Celebrity Breakthroughs

Ilan sa mga celebrity breakthroughs this 2014 sina Alex Gonzaga, James Reid, Liza Soberano, Valerie Weigmann. Taon ang hinintay ng karamihan sa mga artistang ito bago sila nabigyan ng kanilang big break sa showbiz.


May ilang mga artista ang namukod-tangi nitong 2014 at nabigyan ng pagkakataon na pumaimbulog ang kanilang mga showbiz careers.

Sinuwerte ang mga ito dahil naibigay sa kanila ang tama at pinakahihintay na break upang sila naman ang sumikat.

Subalit hindi overnight nang makamtan nila ang pinakaaasam na break. Kung tutuusin, karamihan sa mga nasa listahan ay nagbilang muna ng maraming taon at dumanas ng mahabang proseso bago natanggap ang hinangad na break.

Kilalanin natin sila.

Alex Gonzaga

Taong 2006 nang magsimula si Alex Gonzaga na noon ay mas kilala bilang Cathy Gonzaga sa ABS-CBN. Kabilang sa mga ginawa niyang proyekto noon ay ang sitcom na Let’s Go! at Gokada Go.

Napasama rin siya sa Pangarap na Bituin (2007), My Girl, Your Song: Without You at Tiny Tony na lahat ay ipinalabas noong 2008.

Mula naman 2008 hanggang 2012 ay naging contract artist siya ng TV5 kung saan gumawa siya ng iba’t ibang proyekto gaya ng hosting at acting sa comedy and drama. Kabilang sa mga programang ito ang Juicy!, Loko Moko, Babaeng Hampaslupa (2011), at Enchanted Garden (2012).

Muli siyang bumalik sa bakuran ng ABS-CBN noong nakaraang taon at naging sunud-sunod ang mga naging proyekto niya, sa hosting man o sa pag-arte.

Bukod sa pagiging isa sa hosts ng The Voice of the Philippines, bibida rin si Alex sa TV adaptation ng Inday Bote at kasama rin siya sa Praybeyt Benjamin 2 para sa Metro Manila Film Festival.

Nadine Lustre

Nadine Alexis Paguia Lustre o mas kilala ngayon bilang Nadine Lustre, ang 21-anyos na dalagita ay maagang nagsimula sa showbiz sa edad na 9 anyos.

Bago tuluyang sumikat, naging bahagi siya ng TV5 noong 2011 sa dalawang TV series: ang Bagets: Just Got Lucky at P.S. I Love You.

Lumabas din siya sa pelikulang Petrang Kabayo (2010) ni Vice Ganda.

Naging star si Nadine nang ilabas amg film version ng sikat na best-selling novel na Diary ng Panget noong April 2014, kasama ang equally popular niyang leading man na si James Reid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Later this year, muli silang nagsama sa Talk Back And You’re Dead na naging hit din.

Susunod silang mapapanood sa Para sa Hopeless Romantic sa 2015.

James Reid

Kasabay na sumikat ni Nadine ang kanyang leading man na si James Reid, isang Filipino-Australian citizen.

Gayunpaman, nagkapangalan na si James nang ideklara siyang Big Winner sa reality-based TV show ng ABS-CBN, ang Pinoy Big Brother: Teen Clash Edition noong 2010.

Naging contract artist siya ng Star Magic at nakagawa ng mga projects kagaya ng Shoutout at Good Vibes at naipareha sa fellow ex-PBB housemate na si Devon Seron. Ipinareha rin siya kay Yen Santos sa teleseryeng Pintada (2012).

Muling mapapanood sa big screen si James kasama si Nadine sa Para sa Hopeless Romantic sa 2015.

Liza Soberano

Si Hope Elizabeth Soberano o mas kilala bilang Liza Soberano ay isang Filipino-American artist. Kabilang din siya sa Star Magic Circle 2013 at binansagang “leading lady to watch for.”

Pinagbibidahan nila ngayon ni Enrique Gil ang top-rating primetime series na Forevermore sa ABS-CBN pero bago ’yon, ilang beses naging third wheel si Liza sa ilang sikat na pelikula, kagaya ng Must Be... Love at She’s The One na parehong ipinalabas noong 2013.

Nakatakda silang pagsamahin ni Enrique sa isang pelikulang pinamagatang The Bet sa 2015.

Valerie Weigmann

Ang 25-anyos na si Valerie Weigmann ay unang nakilala nang sumali sa Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus noong 2008, kunsaan karamihan sa mga naging housemates ay may mixed foreign blood.

Nawala sa showbiz spotlight si Valerie after the height of that PBB season at nag-concentrate ito sa modeling.

Subalit muli siyang nakabalik dito nang maging co-host sa Eat Bulaga earlier this year.

Hindi nagtagal, nagpaalam siya sa nasabing noontime show upang mag-concentrate sa pagsali sa Miss World Philippines 2014 beauty pageant at pinalad na manalo.

Kinatawan niya ang Pilipinas sa Miss World pageant this December sa London at nakapasok sa Top 25.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaye Abad

Edad 11 nang magsimula si Kaye Abad sa showbiz at kabilang sa youth-oriented show na Ang TV ng ABS-CBN noong 1993.

Subalit naging household name siya nang ipareha kay John Lloyd Cruz sa weekly drama series na Tabing Ilog noong 1999 sa papel na Epifania de los Santos-Mercado o Eds.

Hindi naman nawalan ng proyekto si Kaye, 32, sa loob ng mga nakalipas na taon, subalit karamihan mga ito ay support roles.

Pero nabigyan muli siya ng malaking break nang ibigay sa kanya ang role na Yvonne sa ongoing ABS-CBN primetime teleserye na Two Wives, na hango sa Koreanovela hit na may parehong titulo.

Ellen Adarna

Nagmarka si Ellen Adarna dahil sa kanyang pagiging fearless sa pagpapakita ng kanyang kaseksihan sa mga videos at commercials.

Naging cover din siya ng maraming sikat na fashion glossies at showbiz at men’s magazines.

Lalo siyang naking kontrobersyal nang mag-leak online ang kanyang naked photos mula sa shoot para sa isang glossy magazine nito lamang September 2014.

Nabigyan siya ng lead role sa 2014 afternoon teleserye ng ABS-CBN, ang Moon of Desire at susunod na lalabas sa upcoming Kapamilya teleserye na Pasion de Amor.

Daniel Matsunaga

Ang GMA-7 ang unang nagbigay ng acting projects kay Daniel Matsunaga. Noong 2010 napabilang siya sa mga Kapuso teleserye kagaya ng The Last Prince, Langit sa Piling Mo, at Grazilda.

Taong 2012 nang lumipat sa bakuran ng TV5 ang 26-anyos na Brazilian Japanese model at nakagawa ng ilang proyekto kagaya ng Enchanted Garden at Third Eye noong 2012, Misibis Bay at Cassandra: Warrior Angel noong 2013.

Pero ang pinakamalaking achievement ni Daniel ay nang manalo siya bilang Grand Winner sa Pinoy Big Brother: All In this 2014.

Wala man siyang dugong Pilipino, laging inihahayag ni Daniel na siya ay isang pusong Pinoy.

Miguel Tanfelix

Produkto ng reality-based competition si Miguel Tanfelix at sumali sa StarStruck Kids ng GMA Network noong 2004. Idineklara siyang First Kid Prince o first runner-up sa mga batang lalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

That same year, nabigyan siya ng papel sa GMA hit teleserye na Mulawin bilang si Pagaspas, kasama ang ka-batch na si Sam Bumatay bilang si Lawiswis na siya ring Ultimate Female Survivor.

Dumating ang pinakahihintay na break ni Miguel nang maging lead siya sa Kapuso teleserye na Niño kung saan gumanap siya bilang isang mentally-challenged teenager.

Ilu-launch ang team-up nila ni Bianca Umali sa Kapuso primetime series na Once Upon A Kiss ngayong January 2015.

Nash Aguas

Nanalo si Nash Aguas bilang Grand Kid Questor ng Star Circle Quest sa ABS-CBN noong 2004 sa edad na 6. Sa nasabing gabing iyon ay hinakot din ni Nash ang karamihan sa mga special awards.

Naging bahagi siya ng Goin’ Bulilit at nakagawa ng maraming proyekto kagaya ng Gulong Ng Palad (2005), Princess Sarah (2007), Lobo (2008), Magkaribal (2010).

Sa youth-oriented weekly show na Luv U noong nakaraang taon ay inilunsad ang team-up nila ng kapwa Star Magic na si Alexa Ilacad na ngayon ay sinusuportahan ng maraming tagahanga.

Lead ngayon si Nash, 16, sa makabuluhang teleserye na Bagito na tumatalakay sa teenage parenthood.

Gabby Eigenmann

Galing sa angkan ng mga artista si Gabby Eigenmann at sinimulan ang kanyang showbiz career sa edad na 16.

Nakilala siya bilang talent sa GMA Network at sa kanyang mga kontrabida roles sa mga seryeng kagaya ng Umulan Man o Umaraw (2000), Marimar (2007), at Munting Heredera (2011).

Sa afternoon seryeng Dading, na umere nitong June 2014, ginampanan ni Gabby ang role ng isang gay at umani siya ng puri dahil sa husay ng kanyang pagganap.

Nakatanggap din siya ng nominasyon para sa Best Actor category sa PMPC Star Awards for TV dahil sa role niyang ito.

Mark Neumann

Sa bakuran ng TV5, mas nakikilala naman ngayon si Mark Neumann na isa sa Final 6 ng reality-based talent search ng Kapatid Network, ang Artista Academy (2012).

Isa rin siya sa mga lead ng Confessions of a Torpe na pinagbidahan nina Ogie Alcasid, Gelli de Belen, at Alice Dixson this year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang magbida sila ng fellow Artista Academy participant na si Shaira Mae sa Wattpad Presents: Mr. Popular Meets Miss Nobody, naging maganda ang pagtanggap ng audience sa kanilang one-week TV presentation kaya naman nasundan pa ito ng Wattpad Presents: Mr. Popular Meets Miss Nobody Book 2.

Noong February this year ay nakatrabaho rin ni Mark si Alice Dixson para sa isang Studio 5 Original movie na pinamagatang The Lady Next Door, na kuwento ng isang rebeldeng binata na nahulog ang loob sa mas may edad na kapitbahay.

Meg Imperial

Nakapasok sa TV mainstream si Meg sa pamamagitan ng TV5 at ini-launch bilang isa sa mga “prinsesa” ng nasabing network. Nakagawa siya ng ilang serye dito, kagaya ng Glamorosa (2011) at Enchanted Garden (2012).

Napansin si Meg nang bumida siya sa indipendent film ni Joel Lamangan na Menor de Edad (2013). Kuwento ito ng 15-anyos na dalaga sinikap na makaalis mula sa kahirapan sa kanyang kapaligiran.

Mas lalo siyang nakilala nang lumipat sa ABS-CBN at mapabilang sa Galema: Anak ni Zuma at ni-launch ngayong taon sa afternoon seryeng Moon of Desire ng Kapamilya network.

Julia Barretto

Bata pa lamang ay naging pamilyar na si Julia Barretto dahil sa paglabas sa mga commercials. Pero nagdesisyon siyang tuluyan nang pasukin ang mundo ng showbiz nang maging kabilang sa Star Magic Circle 2013.

Isa siya ngayon sa mga bini-build up ng Kapamilya network bilang isa sa stars to watch out for in the next few years.

Ni-launch si Julia sa fantasy series na Mirabella kung saan siya ang title role.

Kasama siya sa Metro Manila Film Fest entry na Praybeyt Benjamin 2 at makakatambal ni Iñigo Pascual sa pelikulang Para sa Hopeless Romantic sa 2015.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN