Mylene Dizon proud of turning 40: “My gosh, akala ko hindi ako aabot sa edad na ito!”

Mylene Dizon is thankful for starting on a new chapter in her life: “But I have to embrace it. I am thankful that I have reached this certain age. Sabi nga nila cougar na ako. Sabi ko, ’Uy, hindi naman! Puma pa lang!’”


Nagbalik si Mylene Dizon sa bakuran ng GMA via the new primetime teleserye Once Upon A Kiss.

Isang okrayerang kontrabida ang role ni Mylene bilang si Giselle na aapi kay Bianca Umali dahil mahirap ito at hindi ito bagay sa kanyang anak na gagampanan ni Miguel Tanfelix.

Ang huling teleseryeng ginawa ni Mylene sa Kapuso network ay ang Dyesebel noong 2009.

“That was five years ago, and I am happy na welcome pa rin ako dito sa Kapuso network.

“Tayo naman, kunsaan may trabaho ay doon tayo.

“Hindi ko kailangan maging choosy at ang lalaki na ng mga anak ko. Lumalaki rin ang gastos!

“Kaya since wala naman akong sinisimulan pa with ABS-CBN after Ikaw Lamang Book 2, tinanggap ko itong offer ng GMA.

“’Tapos si Direk Bb. Joyce Bernal pa ang direktor namin.

“Yun na! Riot ito kapag taping!” tawa pa ni Mylene nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng Once Upon A Kiss sa Studio 7 ng GMA Annex Building last December 19.

FAMILY LIFE. Nine years old na nga ang panganay ni Mylene na si Thomas at five years old naman si Lucas. Parehong anak ito ni Mylene sa ex-boyfriend na si Paolo Paraiso.

Ayon kay Mylene, okey naman daw ang lahat especially ang relasyon ng mga anak niya sa ama nila.

“Wala namang problema. The kids are growing up okay.

“’Tsaka regular naman nilang nakikita si Paolo kaya normal naman ang paglaki nila.

“We make sure naman na we attend to their needs maging sa school man o sa bahay. ’Tsaka they always come first sa mga priorities namin,” diin niya

Tanggap naman daw ng dalawang anak niya ang current boyfriend niyang si Jason Webb.

NO WEDDING PLANS YET. May one year na nga raw ang relasyon nila, at hindi pa masyadong napag-uusapan ang pagpapakasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okey naman kami ni Jason. Our relationship is good. Cool lang kaming dalawa.

“My kids like him, and his daughter naman likes me as well. So we are basically a family na rin.

“On marriage, we don’t really talk about it a lot.

“May times lang we think of it, pero hindi ganung ka-necessary din. Parang napag-usapan lang ’tapos wala na.

“Okey naman ang set-up namin ni Jason and if we ever get married, then mangyayari iyon. Kung hindi, okey din naman. Walang pressure,” lahad niya.

LIFE BEGINS AT 40. Mylene just turned 40 last September at hindi nga siya makapaniwala na umabot siya sa ganoong edad na active pa rin siya sa showbiz.

“My gosh, akala ko hindi ako aabot sa edad na ito. Pero heto, I’m 40 and I am going through new changes in my life.

“Sabi nga nila, ’life begins at 40,’ ’di ba? Let’s see kung magiging totoo ’yan sa akin!” tawa pa niya.

EMBRACING THE CHANGES. Napansin nga ni Mylene na medyo naging mabagal na raw siyang kumilos lately at panay ang titig na niya sa salamin dahil marami na raw siyang nakikitang iba sa pisikal na anyo niya noong naging 40 years old siya.

“Dati-rati kasi, ang bilis kong kumilos, e. Kapag sinabi kong makakapag-ayos ako in five minutes, nagagawa ko.

“Ngayon, napansin ko na ang bagal ko nang kumilos. May times na parang slow motion na ako! Nakakaloka, ’di ba?

“’Tapos noong tumingin ako minsan sa salamin, hala, may naka-sag na sa pisngi ko! Ano ba ’yon?! Wala naman ’yan dati.

“Kaya panay ang salamin ko kasi nga ang daming pagbabago na. Nasabi ko nga, ‘So this is how it is to be 40.’ Nakakapraning pala!

“But I have to embrace it. I am thankful that I have reached this certain age.

“Sabi nga nila cougar na ako. Sabi ko, ‘Uy, hindi naman! Puma pa lang!’” sabay tawa niya nang malakas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PROUD OF ACHIEVEMENTS. Proud din daw si Mylene sa mga na-achieve niya bago pa man siya nag-40.

Pinaalala namin sa kanya ang classic statement niya noong ni-launch siya bilang miyembro ng Star Circle Batch 2 noong 1996.

That time ay kinukumpara siya kay Aiko Melendez dahil magkahawig sila.

At ang naging statement ni Mylene noon: "I don’t want to be the known as the next Aiko Melendez. I want to be known as the first Mylene Dizon!"

“Alam mo, hindi na ako nilubayan ng statement kong ‘yan. Naging classic na ‘yan sa akin.

“Lukaret lang ako noong mga panahon na ‘yon. Sabi kasi sa amin, star kami e ’di nagpaka-star ako.

"Ang ending, maldita ang labas ko, ’di ba?” tawa pa niya.

Gayunpaman, humingi naman daw siya ng paumanhin.

“Pero in fairness, nag-apologize naman ako kay Aiko sa sinabi kong iyon. I think nagkita kami sa isang event ng Dos noon at nakarating sa kanya yung sinabi ko sa press.

"Ang alam ko, natuwa pa siya sa akin e kasi napaka-honest ko raw,” pagbabalik-tanaw niya.

Natupad naman ni Mylene ang sinabi niyang iyon dahil isa siya sa mga mahuhusay na aktres ngayon.

She has no less than six Best Actress awards from the Gawad Urian, Film Academy of the Philippines, Golden Screen, Star Awards, and Cinemalaya Balanghai Award para sa pagganap niya sa pelikulang 100.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN