Ryan Eigenmann on Sid Lucero-Alessandra de Rossi "relationship": “Maganda yung nagagawa nila sa isa’t isa.”

Although Ryan Eigenmann won’t confirm if cousin Sid Lucero and Alessandra de Rossi are officially together, he says the couple make ideal partners: “Mas namu-moderate yung spontaneousness ni Tim [Sid]. Yung, he’s very gregarious when it comes to life, he’s just always, ’seize the moment, enjoy life and whatever.’ Minsan hindi na nag-iisip so ito, medyo napapa-ano, nakokontrol nang konti.”


Kung dati ay si Carla Abellana na dating girlfriend ni Geoff Eigenmann ang close sa pamilya Eigenmann, ngayon raw ay si Alessandra de Rossi na ang malapit sa pamilya bilang napapabalitang ito ang special na babae sa buhay ngayon ni Sid Lucero.

“Well, Alex has always been close to us naman kasi ilang beses ko na rin siyang nakatrabaho, e.

“So even before they got to know each other better, Alex has always been...kalog na kaibigan na yun,” lahad ng pinsan ni Sid na si Ryan.

Hindi pa umaamin sina Alex at Sid kung may relasyon na nga sila.

Natatawang pahayag ni Ryan, “Saan? Wala naman akong alam, a!”

Malaki raw ang impluwensiya ni Alex kay Sid.

“I guess! Hindi naman kami araw-araw nagkikita, pero I guess ano, mas namu-moderate yung spontaneousness ni Tim [Sid].

“Yung, he’s very gregarious when it comes to life, he’s just always, ’seize the moment, enjoy life and whatever.’

“Minsan hindi na nag-iisip so ito medyo napapa-ano, nakokontrol nang konti,” at muling natawa si Ryan.

Hindi ba gregarious rin naman si Alex?

Paglinaw niya, “Oo pero in a different ano.

“Maganda yung nagagawa nila sa isa’t isa.

“Fun, I mean we go out. It’s fun, so it’s what it’s all about, ’di ba?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ryan noong Huwebes, December 4, para sa presscon ng Mulat na Metro Manila Film Festival New Wave (Feature Film) finalist.

Bukod kay Ryan (na gumaganap bilang si Vincent) ay nasa Mulat bilang mga lead stars sina Jake Cuenca (as Jake) at Loren Burgos (as Sam).

Kasama rin sa cast sina Madeleine Nicolas (bilang ina ni Sam), Rolando Inocencio (bilang ama ni Sam), Issa Litton (as the therapist), Candy Pangilinan (as Cathy), Jen Rosales (as Karla) at Logan Goodchild bilang Logan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa panulat at direksyon ni Maria Diane Ventura, palabas ito ngayong December 17-24, sa SM Megamall and Glorietta 4 cinemas.

EAGER TO TEACH NEWBIE ACTORS. Wala raw problema kay Ryan na isang baguhang tulad ni Loren ang kasama niya sa pelikula.

Ayon kay Ryan, “Ako rin naman, baguhan din naman ako nung araw e, ’di ba?

“And I wouldn’t be where I am today if the veterans back then didn’t take time to teach me also what they knew. ’Di ba?

“It’s just like passing the torch. Kung ano yung natutunan ko sa mga nakatrabaho ko dati, iyon din yung ita-try kong ipasa sa mga baguhan na nakakatrabaho ko ngayon.

“Like doon rin sa The Half Sisters [na show niya sa GMA], kung may kailangan na advice yung mga bata or tulong sa eksena or whatever, kung ano yung alam ko, ’di ibibigay ko lang.”

NUDE PICTORIAL. Kinumusta naman namin kay Ryan ang tungkol sa plano sana ni Gabby Eigenmann na isang coffeetable book kung saan magpapa-pictorial ang Eigenmann boys nang nude.

Hindi pa raw alam ni Ryan ang tungkol doon, pero wala namang problema sa kanya iyon.

Ani Ryan, “Kasama naman yun sa video resume ko, sa filmography ko, na ano e soft pornography, ginawa ko na lahat ’yan so wala na akong…”

Marami na raw siyang pagpapaseksing ginawa noon sa pelikula.

“I need about a year and a half to prepare.

“Kasi right now, malabo pang mangyari yun,” dagdag niya.

Pero papayag siya, kung sakali.

Pahabol pa ni Ryan, “Kung ge-game lahat yung pinsan ko, ’di ba? Alangan namang ako lang ang hindi?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN