Lovi Poe on possibility of tying the knot with boyfriend Rocco Nacino: “Hindi pa oras.”

Lovi Poe on possibility of tying the knot with boyfriend Rocco Nacino: “I cannot answer that now, e. Parang hindi ko pa siya masasagot kasi madami pa akong gustong ma-achieve as an individual so… we both know that now is not the right time.”


Kung may materyal na bagay na nais matanggap si Lovi Poe ngayong Pasko, iyon ay gamit sa bahay.

“Siguro anything for the house. Kahit simpleng abubot, lalagyan ng kandila, yung mga ganun, candle sticks, mga simpleng bagay,” saad niya.

May artista na raw na nakapagregalo na sa kanya ng gamit sa bago niyang tinitirhang bahay.

Iyon ay walang iba kundi ang boyfriend niyang si Rocco Nacino.

“Si Rocco, meron siyang binigay sa akin na chairs e, parang umiilaw siya na mga upuan. So parang pang-design siya sa bahay. Iyon yung nabigay niya sa akin before pa,” dagdag pa ng Kapuso actress.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lovi sa presscon ng Shake Rattle & Roll (SRR) XV sa Imperial Palace Suites noong Martes, December 16.

Ang hindi materyal na bagay naman na nais ni Lovi sa nalalapit na Kapaskuhan ay may kinalaman sa kanyang career.

“More projects, and mas magaganda pang roles in the future,” panalangin niya.

Ikakasal na ang mga kaibigan ni Lovi na sina Heart Evangelista (kay Senator Chiz Escudero) at Solenn Heussaff (kay Nico Bolzico).

“Oo nga, e! I’m so happy for them,” sabi niya.

Hindi ba siya naiinggit sa mga ito?

Aniya, “Hindi naman. I mean ano kasi e, nandun na sila talaga sa age na yun e, marrying age. Ako yata yung bunso nila, e. So malayo pa naman ako dun, hindi ko pa siya naiisip.”

WEDDING PROPOSAL SOON? Paano kung bigla ring mag-propose sa kanya si Rocco?

Pahabol pa niya, “Naku! We both know na... hindi pa oras.”

“No” ba ang isasagot niya kay Rocco, kung sakali?

“I cannot answer that now, e. Parang hindi ko pa siya masasagot kasi madami pa akong gustong ma-achieve as an individual so…

“We both know that now is not the right time,” diin niya.

PERSONAL GOALS. Ano ang mga bagay na iyon na nais pa niyang ma-achieve?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ano kasi ako e, parang I believe in wanting to be independent kasi for like a long time, siguro self-fulfillment, kailangan ko munang maramdaman talaga iyon sa sarili ko.

“Bago ko gustong mangyari yung mga ganyang bagay [ang pagpapakasal].

“Career-wise, and personal na din. Siyempre I have to grow as a person also.

“Parang for me to be able to be in that kind of huge commitment, kailangan maging prepared siguro,” makahulugan niyang lahad.

Hindi pa naman daw ganoon katagal ang relasyon nila ni Rocco para sumabak agad sila sa pagpapakasal.

HOLIDAY PLANS. Sa Pasko ay sa bahay lamang daw si Lovi.

Sabi pa niya, “With my mom, my sister, the whole family, dun lang sa bahay. “Sa 24, salubong, Christmas Eve.

“Twenty five, let’s see, baka magkita kami ni Rocco.”

Hindi pa raw nila alam kung saan sila pupunta.

“Baka maghanap na naman ng bagong restaurant na kakainan,” at tumawa si Lovi.

“’Cause every time, sabi ko, ‘Naubos na yata natin ang mga restaurants sa Fort, e.’”

CHRISTMAS GIFTS. Meron na raw siyang Christmas gift para kay Rocco.

“It’s ano e, basta hilig niya. Hindi ko pa puwedeng sabihin.

“Basta isa sa hilig niya. Mahilig siya sa ganitong bagay,” sabay ngiti ni Lovi.

Walang clue?

“Iyon yun e, iyon na yung clue ko na mabibigay,” at natawa si Lovi.

“Basta something na gusto ko lagi niyang susuotin.”

Hindi raw nila pinag-uusapan kung ano ang ireregalo nila sa bawat isa.

“Hindi, hindi naman. Para surprise,” pahayag pa niya.

SRR XV. Sa episode na “Flight 666” ng SRR XV kasama si Lovi.

Gaano kawili-wili ang role niya sa lahok na pelikula ng Regal Entertainment Inc. sa Metro Manila Film Festival sa December 25?

“Well, it’s not just my character that’s interesting, it’s the whole story, actually.

“The fact na lang na we shot it on a real plane, is a very beautiful setting already for me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos ayun nga, siyempre hindi pa tayo naalis dun sa Filipino folklore na kasama pa rin dun iyon sa story,” kuwento pa ni Lovi.

Sa kuwento ay isang tiyanak kasi ang maghahasik ng lagim sa loob ng eroplano.

May takot ba si Lovi sa malalaking filmfest entries na babanggain nila sa Metro Manila Film Festival sa December 25?

“Well kasi kami, it’s gonna be like a friendly competition naman.

“And this one naman, ako, it’s not just me, but then everybody pagka nagkakaroon ng presscon, we wish all of the movies luck.

“Kasi it’s like helping the industry, e. It’s not just about loving your own, it’s loving the totality of it,” paglinaw niya.

NOT EXPECTING ACTING AWARD. May tsansa kaya si Lovi na masungkit ang Best Actress award sa MMFF awards night?

Tugon niya, “Ah no! Wala, it’s not, I know when something is an acting piece for me and this is, this is something that’s pretty fun for me to do.

“It’s not just an acting piece.”

Paano kung siya ang manalo?

“Well, of course, if given the opportunity, pero for me this is just something fun that I did nga,” pagtatapos niya.

Bukod sa “Flight 666” ay tampok rin sa SRR XV ang mga episodes na “Ahas” at “Ulam.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN