Jimboy Salazar to marry his boyfriend

Jimboy Salazar, who used to be Mahal’s ex-boyfriend, plans to get married to his boyfriend of three years in March 2015.


Ikakasal na ang dating boyfriend ni Mahal na si Jimboy Salazar sa kanyang boyfriend na si John Danan sa March 2015.

Bukod sa pagiging ex-boyfriend ni Mahal, nakilala rin si Jimboy nang maging bahagi siya ng youth-oriented variety show na That’s Entertainment noong ’80s.

Matatandaang umamin si Jimboy na hindi siya tunay na lalaki nitong Marso 2014 at inamin din niyang mayroon siyang boyfriend.

Read: Jimboy Salazar so in love with boyfriend John and vice versa

Sa episode ng Startalk nito lamang Sabado, December 20, nagpa-interview si Jimboy kasama ang boyfriend na si John, na isang entertainer sa Singapore.

Sa March 16, 2015 ang plano nilang pagpapakasal na tataon din sa kanilang ikatlong anibersaryo bilang magkarelasyon.

Ikinuwento rin ni John kung paano niya inalok ng kasal si Jimboy.

Nasa Singapore daw siya noon kaya long distance ang kanilang relationship.

"Kasi nasa Singapore po ako nun, chat-chat kami.

"Then, sabi niya sa akin, baka may makita daw po akong iba doon.

"Sabi ko, ’Sige, to prove... i-set na natin, magpapakasal tayo.’"



Ani Jimboy sa interview, isang beach wedding ang gusto nila at puti ang isusuot ng mga dadalo sa kasal.

Ikinukunsidera raw nila ang La Union o kaya ay ang Puerta Galera kung saan maganda ang beach.



Paglalarawan pa ni Jimboy, “’Tapos naka-all-white lahat ’tapos colorful yung bouquet, yung mga flowers. Pero yung suot ng mga ano [entourage], all-white.”

Gusto rin daw ni Jimboy na naka-diwata costume siya sa kasal.

“Yung tipong haba-haba ng hair ko, yung tipong flowing na white yung dress ko.”

Tiniyak din ng dalawa na walang problema sa kanilang mga magulang ang tungkol sa plano nilang pagpapakasal.

Nagbitiw rin ng salita si John kay Jimboy: “Kung matutuloy tayo sa kasal, aalagaan kita.”

Bilang tugon, sinabi naman ni Jimboy na ayaw niyang mangako, basta gawin na lang nila ang nararapat dahil kahit sa isang “normal” na relasyon ay naghihiwalay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, iparamdam na lang natin sa tao na puwede pa rin yung magmahalan, kahit parehas ang kasarian, basta nagmamahalan.

“Siyempre mahirap itong papasukin natin, pero kakayanin natin.”

Sabi naman ni John, wala siyang pakialam kung anuman ang sinasabi ng iba tungkol sa kanila, basta ang importante ay masaya sila sa isa’t isa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN