PBA legend Samboy Lim now out of ICU

Mula sa ICU, inilipat na sa intermediate care unit ng Medical City ang PBA legend na si Samboy “The Skywalker” Lim. Matatandaang nag-collapse ang former cager matapos maglaro ng isang practice game noong November 28.


“Samboy Lim now out of ICU and in Intermediate care unit, still coma, organs stable, trache in throat to expel mucus but breathing on his own.”

Ito ang update ng sports columnist na si Quinito Henson via Twitter tungkol sa kalagayan ng basketball legend na si Samboy Lim.

Matatandaang isinugod sa ospital si Samboy matapos itong mag-collapse sa isang practice game sa Ynares Arena, Pasig City, noong November 28.

Read: PBA legend Samboy Lim remains in ICU after collapse from exhibition game; next 48 hours critical

Sa isang text message ni Henson sa GMA reporter na si Mark Zambrano, sinabi nitong inilabas na sa intensive care unit o ICU si Samboy at inilipat sa intermediate care unit ng Medical City.

Dagdag pa ni Henson: "Trache still in throat but he’s breathing on his own.”

Sa larangan ng PBA, nakilala si Samboy sa bansag na “The Skywalker" dahil sa kanyang "gravity-defying" hardcourt moves.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN