PAO Chief Atty. Persida Acosta makes cameo appearance in 2014 MMFF New Wave entry Maratabat

PAO Chief Atty. Persida Acosta encourages moviegoers to watch the 2014 MMFF New Wave Category entry, Maratabat: “Ito ay dapat panoorin ng ating mga kababayan para makita ang talagang status o kundisyon sa Mindanao na dapat mabigyang lunas sa pamamagitan ng hustisya at paghahari talaga ng batas.”


Ang Public Attorney’s Office (PAO) Chief na si Atty. Persida Acosta ay isa sa mga dumalo sa premiere night ng pelikulang Maratabat sa SM Megamall noong nakaraang Miyerkules, December 17.

Ang Maratabat ay entry sa New Wave category ng Metro Manila Film Festival 2014 at palabas sa mga sinehan mula December 17 to 24.

May cameo appearance si Atty. Acosta sa movie bilang isang hukom. Ito ang pinakauna niyang paglabas sa isang pelikula.

Hindi na rin maikakaila na kahit paano’y sanay na rin ang abogada sa kalakaran ng showbiz dahil sa mga hosting stints nito sa ilang shows sa TV5 gaya ng Face to Face at Public Atorni: Asunto o Areglo.

Read: Atty. Persida Acosta on her flourishing showbiz career: "Hindi naman ako puwedeng maging gaya ni Bong Revilla, Dawn Zulueta... Baka pag yun ang ginawa ko, marami ang mainggit niyan."

EYE-OPENER. Ayon kay Atty. Acosta, ang kanyang cameo appearance sa pelikulang Maratabat at ang pag-e-endorso niya rito ay alinsunod sa mensahe nito na magsilbing “eye-opener” sa kanyang mga kababayan tungkol sa kalagayan ng hustisya sa ating bansa.

“Ito ay dapat panoorin ng ating mga kababayan para makita ang talagang status o kundisyon sa Mindanao na dapat mabigyang lunas sa pamamagitan ng hustisya at paghahari talaga ng batas.

“Para maiwasan na yung ano... naka-limang libo na pala ang patay sa mga karahasan ng mga political ano... dahil sa corruption, dahil sa kumbaga, pati drugs, problema sa drugs.

“So, sa puntong iyan ay eye-opener ito sa ating mga kababayan na sana ay makamtan na ng Mindanao ang tunay na kapayapaan,” pahayag niya.

Ito ang isa sa mga dahilan kaya napapayag siya na magkaroon ng partisipasyon sa pelikula.

Dagdag pa niya, “Oo, kasi sa tingin ko, ito ay isang susi para mapag-aralan din ng ating pamahalaan kung paano mapapabilis ang mga paglilitis ng mga kaso at kung paano malulunasan ang karahasan sa Mindanao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Libre ang paglabas ni Atty. Acosta sa Maratabat na pinagbibidahan ni Ping Medina.

“Para makatulong lang ako. It’s part of my public service and advocacy, for the rule of law, peace and truth in our country,” amin pa niya.

DIRECTOR’S ENDORSEMENT. Matagal na raw silang magkakilala ng direktor ng pelikula na si Arlyn dela Cruz.

“Since 2001 pa, about 14 years,” ayon kay Atty. Acosta.

Si Direk Arlyn daw mismo ang kumausap sa kanya para mag-cameo sa pelikula.

Papayag daw siya kung sa susunod ay isang full-length movie naman ang ibibigay sa kanya.

“Aba, puwede! Bakit hindi?” at tumawa si Atty. Acosta.

CELEBRATED CASE. Isa sa mga sikat na kasong ipinaglalaban ngayon ni Atty. Acosta ay ang kaso ni Cadet First Class Aldrin Jeff Cudia, ang kadete na hindi pina-graduate sa Philippine Military Academy (PMA) dahil na-late ito ng dalawang minuto sa kanyang klase.

Ano sa tingin ni Atty. Acosta ang kahihinatnan ng kaso?

Kuwento niya, “Gusto niya siyempre maka-move on na siya. Tapos magkaroon na siya ng hustisya kasi biktima siya ng sistema na mali.

“Kumbaga mahuli ka lang ng dalawang minuto, kakasuhan ka na? Tapos papatungan ka pa ng lying kumbaga.

“So parang napaka-unfair sa kaninuman na kagaya niya na isang anak ng isang pangkaraniwang Pilipino na naghahangad ng edukasyon, at nasa Konstitusyon ng Right to Education yun.

“Kahit sinuman sa atin hindi natin mararating ang kinaroroonan natin kung hindi tayo nakapag-aral sa paaralan. Parang inalis mo na sa kanya yung kanyang pagkatao.

“Dapat number one siya sa Navy and then number two siya sa buong rank, lahat! At saka napakaraming scholarships at awards ang tinanggap niya.

“Sana siya ay, I think second lieutenant sana ang ranggo niya ngayon.”

Sa tingin niya, bakit dinanas iyon ni Cadet Cudia?

“Pulitika,” ang mabilis na bulalas ni Atty. Acosta.

May naiinggit?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, iyon. Siyempre nung malaglag siya, may umakyat, ganun ang nangyari,” pahayag niya.

PURSUING THE CASE. Sa palagay niya, hanggang kailan ang laban ni Cadet Cudia?

“Submitted na for resolution, pina-submit na namin kaya nga humihingi kami ng tulong sa media, pati sa entertainment press, na kumbaga katukin ang Supreme Court na, ‘Desisyunan n’yo na!’

“Para alam na rin ni Cadet Cudia kung tuluyan na siyang pinatay, tuluyan siyang makukulong sa tatlong letrang LIE, pero hindi naman dapat.

“Walang pagsisinungaling doon, e.

“Kahit naman noong tayo ay estudyante, ’pag hindi tayo dinismis ng teacher sa class mahuhuli na tayo sa next period talaga.

“Pero yung teacher hindi nagagalit sa atin dahil normal lang yun lalo na kung lilipat ka ng building, malayo, aakyat ka pa ng another floor o kaya inutusan ka ng teacher na kung anumang gawin pa man.

“What is two minutes naman doon?”

HORROR COMMITTEE.” May tinatawag na Code of Honor ang mga kadete.

“Yung Honor Code—ang nag-violate yung Honor Committee na naghatol sa kanya.

“Ang hatol sa kanya acquittal kasi hindi unanimous. Pinagpalit ang boto yung nag-acquit sa kanya.

“So ang nag-tamper ng votes hindi si Cudia, hindi siya ang nag-tampering o nag-lying, yung Honor Committee mismo.”

“Iyon ang lumabas sa investigation ng Commission on Human Rights.

“Ipinatawag ng Commission on Human Rights lahat sila at may mga statements, talagang nagkaroon ng tampering of votes, ang nag-tamper ng votes yung Honor Committee kaya sabi ng iba, hindi na Honor Committee yan, Horror Committee!” pahayag pa niya.

Hindi raw titigil si Atty. Acosta hangga’t hindi nakakamit ni Cadet Cudia ang hustisya.

“Meron ba naman akong tinigilang kaso?

“Hangga’t hindi tapos,” deklara niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN