Daniel Padilla defends dad Rommel Padilla from bashers: "Huwag nilang idamay ang aking pamilya."

Daniel Padilla admits he’s disappointed upon reading the negative feedback against his dad Rommel Padilla on social media. “Medyo nakakalungkot na ganun sila. Masyado silang nagmamarunong. Enjoy na lang ho natin itong palabas [Bonifacio: Ang Unang Pangulo] na ito. At kung ayaw nila, e, di ’wag nila. Hindi ko ho sila pinipilit."


Dismayado si Daniel Padilla matapos makarating sa kanya na umani ng pambabatikos ang kanyang amang si Rommel Padilla.

Tila na-misinterpret kasi ng ibang fans nina Daniel at Kathryn Bernardo ang isang panayam ni Rommel, kung saan pinayuhan nito ang anak na i-prioritize ang showbiz career bago ang lovelife.

Read: Rommel Padilla reacts to confirmed relationship of son Daniel Padilla and Kathryn Bernardo: "Parang meron nga talaga."

Bunsod nito, kung anu-anong masasakit na salita ang ibinato ng ilang followers ni Daniel laban sa kanya at pati na rin sa kanyang ama.

“Nalungkot po ako dahil malungkot po yung nangyayari sa social media. Kaya ayoko niyan, e.

“Nakakalungkot na ang babata pa nung mga kung anu-ano ang sinasabi sa amin. Akala mo kung sino nang may mga alam.

“Kaya yun talagang ikinalungkot ko, kahit si Papa, si Tito Robin dinadamay.

“Masyado silang nagmamarunong. Masyado silang maraming alam,” pahayag ni Daniel.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at piling entertainment editors si Daniel sa pocket presscon ng Bonifacio: Ang Unang Pangulo na ginanap sa EDSA Shangri-La Hotel noong Biyernes, December 18.

Dinaluhan din ito ng lead star na si Robin Padilla at pati na rin nina Rommel Padilla at RJ Padilla.


HURT BY NEGATIVE FEEDBACK AGAINST DAD. Ayon pa kay Daniel, hindi niya akalain na ang simpleng pahayag ng kanyang ama ay mabibigyan ng ibang kulay ng iba niyang followers.

Wala raw kaso kay Daniel kung siya ang i-bash ng kanyang detractors, huwag lang ang kanyang pamilya.

“Magaling nga sila, e. Medyo tinamaan nila ako ngayon.

“Dati ’di naman nila ako tinatamaan, e. Kaso ngayon, medyo bumanat sila sa pamilya ko.

“Medyo nakakalungkot na ganun sila. Masyado silang nagmamarunong.

“Enjoy na lang ho natin itong palabas [Bonifacio: Ang Unang Pangulo] na ito.

“At kung ayaw nila, e, di wag nila. Hindi ko ho sila pinipilit,” giit ng 19-year-old Kapamilya actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi nabanggit ni Daniel kung ano mismong masasakit na salita ang ibinato laban sa kanyang pamilya.

Ngunit kapansin-pansin sa comments sa kanyang huling Instagram post ang pag-uusap ng ilang followers ni Daniel tungkol sa career/love advice ni Rommel sa anak.

Bukod dito ay may isang follower na inakusahang “user” si Daniel dahil nagpapanggap lang umanong may espesyal na pagtingin ang young actor kay Kathryn.

Sabi ng isang follower na may handle name na ’maryanntero’: "Kpl ng mkha m DJ my snb papa m ano ibig sbhn nun onscreen LNG tlga c kth at so jsmne tlg gusto m user kpla eh."

Sagot naman ng isang may handle name na ’@ailasitchon’: ",,di si dj ang nag sabi ng mga salitang yun PAPA niya, okay, so wag mong sisihin si Dj, wala naman siyang kasalanan, eh. kalimutan mo na nga yung issung yun, na confirm naman na hindi papa yun ni dj eh, di dw totoo yun, kaya move on, di naman malala yun."

Sa pagpapatuloy ng aming panayam, ang tanging sinabi ni Daniel ay naiintindihan niya kung may fans na tila possessive pagdating sa tambalan nila ni Kathryn, at hindi gustong ipinapareha sila sa ibang artista.

Hindi rin naman daw niya itinatanggi na, “Kung wala si Kathryn, wala naman ako.”

Ayaw lang talaga ni Daniel na pati pamilya niya ay nadadamay.

“Totoo yun. Kaya malaki ang pasasalamat natin kay Kathryn.

“Ngunit, yun nga ang sinasabi ko, may mga nagmamarunong na.

“Na akala mo sila yung nagpapakain sa amin, sila yung nagpalaki sa amin.

“Yun ang malungkot.

“Sabi nga ni Kuya RJ kanina, ang dami mo nang nasasabi, hindi mo alam ang katotohanan.”

Kung anu’t ano pa man, iginiit ni Daniel na hindi niya pipilitin ang kanyang fans na suportahan siya sa kanyang indibidwal na proyekto, ’tulad ng kanyang partisipasyon sa Bonifacio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung ayaw mo, huwag nila. Yun na nga lang talaga.

“Basta masaya kami. Alam ko kung saan ako nanggaling.

“Yun ang number one na sinasabi. Alam ko kung saan ako nanggaling.

“Kaya hindi ko na sila kailangang bigyang pansin.

“’Wag na lang nilang anuhin ang aking pamilya at kung sino man.

“Maging masaya na lang. Yun ang importante, maging masaya,” pahayag ni Daniel.


KATHNIEL FANS VS JASMINE. Sa kabilang banda, ang isa pang patuloy na tumatanggap ng pambabatikos mula sa KathNiel fans ay si Jasmine Curtis-Smith.

Kaugnay ito ng kinasangkutang audio scandal ni Daniel, kung saan nadawit ang pangalan ng TV5 actress, noong September.

Bunsod nito, may ilang fans ang nagpahayag na hindi nila susuportahan ang pelikulang Bonifacio: Ang Unang Pangulo, kung saan nagkatrabaho sina Daniel at Jasmine.

May mensahe ba si Daniel para sa fans nina Kathryn at Jasmine na patuloy na nag-aaway dahil sa kanya?

Sagot niya, “Kahit naman anong sabihin ko, hindi naman titigil. Ilang beses ko nang sinubukan.

“Kahit yung last time kong get-together diyan sa malapit sa bahay, sinabihan ko na yung mga supporters ko na yun, yung talagang mga solid, limang taon ko nang kasama. Simula pa lang, nandun na hanggang ngayon.

“Sinabihan kong marami nang magulo, e. Kahit nga ako ang gulo ko na, e.

“’Wag na silang sumali, sabi ko. Huwag na silang sumali dahil dun lang nagkakaproblema lahat ng bagay, e.

“Kaya sabi ko, ’Huwag niyo na lang pansinin. Magkaroon na lang tayo ng sarili nating mundo. Maging suplado na lang tayo para wala na lang masabi.’”

Sa huli, iginiit ni Daniel na buo ang suporta sa kanya ni Kathryn sa Bonifacio, kahit pa hindi sila ang magkatrabaho rito.

Ito ang pahayag ni Daniel nang tanungin siya tungkol dito: “E, siyempre talagang proud si Kathryn.

“Bakit hindi natin sundan si Kathryn? Bakit hindi na lang tayo maging proud sa palabas na ’to?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Kathryn, talagang happy siya para sa movie na Bonifacio dahil para sa ating lahat ’to.

“Ako’y very happy dahil sinusuportahan niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN