Lea Salonga: Darren Espanto should have won The Voice Kids

Lea Salonga says on Twitter that Darren Espanto should’ve won The Voice Kids.


Lubos na napahanga ng The Voice Kids runner-up na si Darren Espanto si Lea Salonga sa kanyang performance ng “Bang Bang,” kasama si Sarah Geronimo, sa Globe App Night kamakailan lang.

Sa Twitter, binanggit ni Lea ang kanyang reaksiyon nang mapanood sa YouTube ang video ng performance nina Darren at Sarah:

“An awesome Bang Bang by @JustSarahG and #DarrenEspanto. Dare I say it, he should’ve won The Voice Kids. Haaaaay...”

Si Lea ay isa sa mga coach ng The Voice Kids at ng The Voice of the Philippines.

Photo: Courtesy of Twitter (@MsLeaSalonga)

May netizens naman na agad nag-react sa tweet na ito Lea.

Sabi ng isang follower na may handle name na ’JaRon Teng’, bagamat sumasang-ayon siya kay Lea, nag-aalala siyang baka masaktan ang The Voice Kids champion na si Lyca Gairanod kapag nalaman niya ang pahayag na ito ng international singer/theater actress.

Pahayag naman ni Lea, "It’s not that she [Lyca] isn’t good. She is naman. But he [Darren] just continues to impress me as a singer and as a human being."

Photo: Courtesy of Twitter (@JaRon_forever)

Sina Lyca at Darren ay kabilang sa Team Sarah noong sumali sila sa The Voice Kids.

Narito naman ang video ng performance nina Darren at Sarah ng "Bang Bang":


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN