Robin Padilla to MMFF contenders: “Hindi niyo kami kalaban.”

Robin Padilla’s message to all MMFF contenders: “Gamitin naman natin ang pagiging artista natin... para ilabas ang totoo.”


Halos lahat ng may lahok na pelikula sa Metro Manila Film Festival ay nangangarap na manguna sa box-office. May ilan naman na tahasan nang sinasabi na sila ang magta-top 1 o magta-top 2.

Nang makausap namin si Robin Padilla na siyang bida sa pelikulang Bonifacio: Ang Unang Pangulo, katulad nina Vice Ganda at Kris Aquino na may mga lahok na pelikula ngayon sa MMFF, tahasan din niyang sinabi na ang pelikula niyang Bonifacio raw ang mangunguna sa takilya.

Ayon kay Robin, “Aba, top one kami!” mabilis niyang sagot.

“Unang-una, gusto ko lang iparating sa mga kasama naming entry, hindi niyo kami kalaban. Kami ay dapat na sinusuportahan niyo.

“Itong pelikulang ito ay para sa bansa, hindi ito para kumita kami.

“Baka yung producer namin, pero ako hindi.

“Gamitin naman natin ang pagiging artista natin, gamitin naman ninyo ang pagiging mamamahayag ninyo para ilabas ang totoo.

“Para hindi naman tayo ganito na lang bilang Pilipino. Maawa naman tayo sa pagka-Pilipino natin kasi kawawa na talaga tayo.”

ANTI-GOVERNMENT? Kung titignan ang mga pelikulang ginagawa niya ngayon katulad ng 10,000 Hours sa nakaraang MMFF, tila may patama ito sa gobyerno.

Mabilis namang pagklaro ni Robin, “Hindi patama, tama talaga. Talagang diretsahan.

“Ito ang papel natin... bilang artista, at kayo, bilang mamahayag... kailangan may gawin din tayo.

“Nakakahiya naman sa magiging anak natin na nagkaroon tayo ng ganitong kapangyarihan, hindi natin ginamit.”

ANDRES VS PNOY. Nabanggit niyang bilib siya kay Andres Bonifacio. Masasabi ba niyang mas bilib siya kay Andres kesa kay PNoy?

Pagkumpara niya, “Magkaiba yun, e. Si PNoy ay pulitiko. Si Andres Bonifacio ay public servant. Si Presidente PNoy ay politician.”

Hindi niya masasabing public servant si PNoy?

“Ay hindi, kung public servant siya, e, ‘di pinamigay na sana niya ang Hacienda Luisita,” saad niya.

Pero bilib din ba siya rito bilang Pangulo ng bansa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Binoe, “Oo, marami siyang nagawa. Marami siyang nagawa na masasabi ko, kumpara sa ibang Pangulo, marami rin siyang nagawa bilang politician.”

ENDORSING GRACE POE. Sa 2016, may i-e-endorso ba siya bilang Pangulo?

“Baka si Grace Poe kapag tumakbo. Siyempre, bilang pagsaludo sa adhikain ni FPJ. At saka, nakikita ko naman kay Grace Poe na may pag-asa tayo ro’n,” lahad pa niya.

Hindi pa yata kumbinsido si Senator Grace na tumakbo?

“Ako, alam ko na convinced siya. Hindi lang siya naniniwala na susuportahan siya ng kung sino man.

“Matalino yun. Yun ang nakikita ko sa kanya at alam niyang bolero lahat ng nasa paligid niya,” ang sabi ni Robin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN