Christopher de Leon reminisces about glory days of local showbiz: “Those were like wild times.”

Christopher de Leon reminisces about his early years in showbiz: “We were wild, we were wild, e. Walang may hawak sa amin na ano... [network]. So, mas ano kami... we do what we want—coming late, sometimes, coming drunk, all that. Those were like wild times.”


Aminado si Christopher de Leon na mahihirapan ang new generation of young actors na sundan ang yapak niya bilang isa sa mga premyadong aktor sa showbiz.

Naniniwala siya na magagaling ang mga baguhang aktor ngayon, pero iba ang landas na tatahakin ng mga ito, sa landas na tinahak niya dati sa larangan ng pag-arte.

Tatlo sa mga lokal na aktor na hinahangaan niya ay sina Coco Martin, John Lloyd Cruz, at si Gerald Anderson.

Bungad ni Christopher, “They will have their own career path.

“It would be very hard for them to follow what I did kasi, iba yung tatahakin talaga nila, e.

“I was lucky enough to work with the great directors—from Gerry de Leon to Lino Brocka. Ishmael Bernal to Celso Ad. Castillo to Danny Zialcita to Marilou Abaya and Laurice Guillen to Mike de Leon, ’di ba?

“It’s... iba ang tatahakin nila.

“Although, this group of guys now, they are really... bow ako sa kanila, they are good actors, and very professional.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang premyadong aktor sa presscon ng pelikulang Tragic Theater sa Music Hall, Metrowalk, Ortigas Avenue, Pasig City noong December 18.

Ang Tragic Theater ay ang unang pelikulang ipapalabas ng Viva Films sa January 2015, na pinagbibidahan din ni Andi Eigenmann at John Estrada, sa direksiyon ni Tikoy Aguiluz.

BOYET’S TOP PICKS. Dugtong pa ni Boyet (palayaw ni Christopher), “Ang ano dito, ay kung paano nila imi-maintain yung career nila.

“How will they maintain yung enthusiasm ng tao sa kanila?”

Sa kanyang palagay, sino ang pinakamagaling sa tatlong aktor?

Aniya, “Kung sa pipiliin, wala akong...

“Nakatrabaho ko si Coco, very dedicated, really involved in the production.

“Si Gerald is a marvelous actor, si John Lloyd, ang lalim... ang lalim.

“Hindi ko sila ma-compare.

“But one thing nice about it, in my case, wow, matindi rin itong mga kasabay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung sa palagay nila matindi na makaka-eksena nila ako, no...

“Ako, I really try to study, and kailangan ay ready ako for anything.

“’Cause these are good actors.”

LEARNING FROM YOUNG STARS. Sa kabila ng sinasabing isa nga siya sa pinakamahusay na aktor sa kasaysayan ng lokal na showbiz, aminado si Boyet na marami siyang natutunan sa mga baguhan ngayon.

Sabi pa ng Drama King, “I’m really learning from them.

“Yung passion nila, yung professionalism nila, I really learned from them.”

LOOKING BACK. Hindi niya tuloy maiwasang magbalik-tanaw sa kapanahunan niya noong nagsisimula pa lang siyang makilala bilang isang aktor.

Pagbabalik-tanaw niya, “Kasi noong araw kami, well, although a lot of mga kasabayan ko ay ang gagaling na artista, we were [almost] all, unprofessional,” na sinabayan niya ng malakas na tawa.

“We were wild, we were wild, e.

“Walang may hawak sa amin na ano... [network].

“Kasi, noong panahon ng mga Sampaguita at LVN, hawak sila ng mga studio.

“Noong panahon namin, walang may hawak sa amin, although nandiyan ang Viva [Films], ang Regal [Films], pero hindi kami exclusive contract under one company.

“Ngayon naman, lahat ng networks, hawak sila, from ABS [-CBN], to GMA, so merong nagku-control sa kanila.

“So, mas ano kami... we do what we want—coming late, sometimes, coming drunk, all that.

“Those were like wild times.”

LUCKY STARS. Sa tingin ba niya ay mas masusuwerte ngayon ang mga baguhang artista, kumpara sa mga artista ng panahon nila?

Saad niya, “Luckier sila... lucky sila because merong may hawak sa kanila na mga network.

“Tuluy-tuloy ang work nila.

“Lucky rin kami noon, kasi we were able to work with great directors.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN