Ryza Cenon gives gifts to sick children on her birthday: “For me kasi, napaka-unfair na hindi nila nae-enjoy ang pagiging bata nila.”

Ryza Cenon explains why every year on her birthday, she gives gifts to sick kids: “Parang for me kasi, napaka-unfair na hindi nila nae-enjoy ang pagiging bata nila.The whole day, nandoon lang sila sa kama. Hindi nila ma-enjoy ang childhood nila.”


Ilang beses nang nakasama ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ginagawang gift-giving ng Kapuso star na si Ryza Cenon tuwing sasapit ang Kapaskuhan at ng kanyang kaarawan.

Ngayong araw na ito, December 21, ang aktuwal na kaarawan ni Ryza.

Noong December 13, ilang araw bago siya mag-diwang ng kanyang birthday, sinama niya ang ibang GMA Artist Center stars na ang kaarawan ay December rin, at nagkibahagi sila ng mga pagkain, laruan, regalo at ng kanilang oras sa ilang batang cancer patients sa East Avenue Hospital noong December 13.

TRADITION. Ayon kay Ryza, 2008 pa lang daw, naging tradisyon na niya na tuwing December ay bumbisita siya sa mga batang may sakit.

“Masaya naman lalo na ngayon. Hindi na lang ako mag-isa.

“Kasama ko sina Chynna [Ortaleza], Ina [Feleo], Bettina [Carlos] at ang GMA Artist Center na ang nag-organize ng lahat,” kuwento niya.

Mga batang cancer patients ang pinapasaya niya. Dati ay nagpupunta siya sa Children’s Hospital.

Nandoon talaga ang puso niya?

“Yes, oo… alam niyo yun. Maaga silang nagkakaroon ng ganyang karamdaman.

“Parang for me kasi, napaka-unfair na hindi nila nae-enjoy ang pagiging bata nila.

“The whole day, nandoon lang sila sa kama. Hindi puwedeng gawin ang ganito, maraming bawal which is, unfair sa kanila kasi, hindi nila ma-enjoy ang childhood nila.

“Wala silang babalikan ‘pag tanda nila,” dagdag niya.

Ilan daw sa mga naging kaibigan niya sa Instagram ay napakiusapan niyang mag-donate sa ginawa nilang birthday gift-giving.

BAZAAR. Twenty-seven years old na ngayong araw na ito si Ryza. Pero sa halip na mag-party, nasa Metrotent, Pasig siya at inaasikaso ang kanyang Christmas bazaar.

Sabi ni Ryza, “Okey lang sa akin. Okey lang sa akin na hindi ako magpa-party kasi, yung party naman, gastos.

“Pero kapag meron kang work, mas blessing pa siya.

“Actually, yung pagba-bazaar, nakakapagod siya. Para ka rin nagte-taping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Physically, sobrang pagod, kasi yun ang gumagana sa ‘yo. Pero after naman, kapag naubos mo ang tinda mo, sobrang saya ng pakiramdam.”

May birthday wish ba siya?

“Sana maging stable na yung work. At saka siyempre, happiness and good health.”

BAGONG SERYE. Kasama rin si Ryza sa bagong panghapong serye ng Kapuso network, ang Kailan Ba Tama Ang Mali?

Magkapatid daw silang dalawa ni Empress Schuck sa serye at parang naging “nanay” figure siya nito.

“Parang ako na ang naging nanay niya, ako na ang nag-alaga sa kanya kahit magkapatid kami.

“Medyo challenging siya kasi, matanda ako. Kailangan mas mature ang hitsura ko.

“Kailangan kung paano ako magsalita, medyo nanay or mature na.

“Challenging sa akin, kasi ang problema ko na agad, yung baby face ko. So doon pa lang, challenge na,” natawa niyang sabi.

STRUGGLING IN 2014. Umamin naman si Ryza na naging “struggle” daw sa kanya ang taong 2014, kaya umaasa itong mas maganda raw ang kahihinatnan ng taong 2015.

“Medyo nag-struggle po ako this year, as in struggle talaga.

“Pero this coming year, sana mas maging maganda, mas maayos. Pero yung nagdaang year, ayoko nang mag-elaborate. Kumbaga, looking forward na lang ako sa 2015,” aniya.

Bukod sa Kailan Ba Tama Ang Mali? kasama rin si Ryza sa seryeng Second Chances.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN