Nova Villa says Christmas won’t be the same without late sister Tiya Pusit

Nova Villa on her late sister Tiya Pusit: “Ngayon nga at wala na siya, I am always praying for her. It would have been great kung nandito pa siya ngayon to celebrate Christmas with us.”


Tatlong buwan na ang nakakaraan simula noong sumakabilang-buhay ang komedyante at kapatid ni Nova Villa na si Tiya Pusit.

Ayon kay Tita Nova, magiging malungkot ang Pasko niya dahil wala na nga ang kanyang kapatid. Pero alam niyang masaya na ngayon ito dahil nasa piling na ito ng Panginoon.

“Yes, Christmas will never be the same without my sister.

“Nagkaroon man kami ng mga hindi pagkakaunawaan tulad ng mga normal na magkakapatid, alam naman niyang dala iyon ng matinding concern ko sa kanya bilang nakatatandang kapatid.

“Ngayon nga at wala na siya, I am always praying for her. Kung may pagkukulang man ako kay Pusit noon, dumating din ang panahon na nagkaayos kami.

“It would have been great kung nandito pa siya ngayon to celebrate Christmas with us.

“But I know that she is celebrating Christmas in heaven,” ngiti pa ni Tita Nova nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng GMA-7 primetime teleserye na Once Upon A Kiss noong December 19 sa GMA Annex Building.

Gumaganap si Tita Nova bilang lola ng bidang si Bianca Umali sa Once Upon A Kiss.

CLOSER TO SISTER’S FAMILY. Naging mas malapit si Tita Nova sa mga anak at mga apo ng kanyang yumaong kapatid.

Inamin ni Tita Nova na hindi naging malapit sa kanya ang mga ito noong buhay pa si Tiya Pusit. Pero ipinakita naman niya na puwede siyang malapitan ng mga ito anytime lalo na noong nawala na ang kanilang ina at lola.

“Like what I said nga, kahit na nagtatalo kami ni Pusit, we are still family. Magkapatid pa rin kami hanggang sa huli.

“Kaya noong wake at burial niya, inasikaso ko talaga para walang masyadong intindihin ang mga anak ni Pusit.

“Mula sa pag-ayos sa kanya, sa pag-asikaso ng mga nakiramay hanggang sa mailibing siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na-appreciate iyon ng mga pamangkin at apo ko kay Pusit at doon na sila naging malapit sa akin.

“Ngayon, panay ang usap namin. Tinanong ko kung may mga kailangan ba sila dahil nandito lang ang Tita at Lola Nova nila.

“Kaya nga this Christmas, sa Tagaytay kaming lahat magsasama-sama.

“Pangako ko kay Pusit na ako na ang tatayong ina at lola ng mga batang ito.

“And I know that she’s happy dahil tinupad ko naman ang promise ko sa kanya,” maramdaming tugon pa ni Tita Nova.

TIYA PUSIT’S LAST WISH. Ang huling wish daw ni Tiya Pusit ay ang mapaayos nang maganda ang bahay nito, lalo na ang kanyang kusina at kuwarto.

Ginawa naman daw iyon ng kanyang mga anak bilang parangal nila sa pagkawala nito.

“Nagulat din ako kasi sinabi ng mga bata sa akin na yun ang hiling ng kanilang ina. Pero nagawa na nila at natuwa naman ako.

“Yung dream kitchen at bedroom ni Pusit ay natupad naman. Nilagyan nga nila ito ng picture ni Pusit dahil para sa kanya ang mga iyon.

“Naiyak nga ako kasi kung buhay pa sana si Pusit, nakita niya lahat ng ito.

“But I am sure ginagabayan naman niya ang mga anak at apo niya parati kahit wala na siya sa mundong ito,” lahad pa niya.

Muling magiging abala si Tita Nova dahil kasama siya sa bagong primetime series ng GMA-7 na Once Upon A Kiss bilang butihing lola ni Bianca Umali.

Kaya nga raw hindi siya makapag-Christmas sa Amerika ngayon ay dahil may bago siyang teleserye.

“Yun ang unang plano. Kung wala akong teleserye pa, baka nasa U.S. ako with my daughter because she just had twins. May kambal na akong apo.

“Pero dahil may trabaho tayo, dito na tayo mag-Pasko at makakasama ko naman ay mga pamangkin at mga apo ko kay Pusit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tama rin naman dahil gusto ko naman makasama ang mga batang ito ngayong Pasko dahil first Christmas ito na wala si Pusit.

“Although may lungkot, gagawin pa rin naming masaya ang Christmas na ito dahil ito ang gusto ng kapatid ko para sa pamilya niya,” kuwento pa ni Tita Nova.

A DREAM FULFILLED. Binalita rin ni Tita Nova na masaya siya sa magandang pagtanggap ng publiko lalo na ng mga film critics sa indie film na pinagbidahan niya at ni Freddie Webb na 1st Ko Si 3rd.

Noong dumalo nga raw sila sa Hawaii International Film Festival kunsaan pinalabas ito, natuwa si Tita Nova dahil marami ang Pinoy na nanood doon.

“Ang daming mga kababayan nating mga Ilokano roon pala. Tuwang-tuwa sila sa indie namin ni Freddie. Na-miss daw nila ang tambalan namin sa Chicks to Chicks noon.

“Ako naman ay nagpapasalamat sa mga producers ng 1st Ko Si 3rd dahil naranasan ko ulit ang maging bida sa pelikula.

“Nagbida na tayo before noong panahon pa ni kopong-kopong. Naging leading lady ako nila Fernando Poe, Jr., Dolphy at Chiquito. Lahat sila ay sumakabilang-buhay na rin.

“Sa edad kong ito at nabigyan pa ako ng chance to be the lead actress in a movie, iba ang pakiramdam. Ramdam mo yung importansya sa iyo ng industriya na minahal ko for more than 50 years.

“Kaya salamat at naramdaman ko ulit ang maging isang bida dahil sa 1st Ko Si 3rd,” pagtatapos pa ni Nova Villa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN