Zanjoe Marudo says hectic schedule ruins travel plan with Bea Alonzo: "...ang bakasyon ko lang ay ang mismong Christmas day."

Zanjoe Marudo is thankful for the blessings he received this 2014: “Masasabi ko na parang lahat ng naging desisyon ko sa mga projects ay tama."


Consistent sina Zanjoe Marudo at Bea Alonzo na kakulangan sa oras ang problema sa kanilang relasyon dahil parehong hectic ang schedule nilang dalawa.

Ngayon ngang nalalapit Kapaskuhan ay walang nakikitang tsansa si Zanjoe para makapag-travel silang dalawa ng girlfriend maski isa ito sa pinakagusto nilang gawin.

Busy ang aktor sa bago niyang teleserye, ang Dream Dad, kung saan siya ang namumuno sa cast.

Pahayag ni Zanjoe, “Wala pang plano kasi ’di nga namin alam kung makakabangko kami sa taping.

"Ang mangyayari, ang bakasyon ko lang ay ang mismong Christmas day.

“Parang malabo talaga kung sakaling mapagbigyan kahit tatlong araw man lang.

"At least makapag-isip kami kung saan puwedeng pumunta.

"Kung wala talaga at ’di kakayanin, baka dito na lang."

BLESSINGS THIS 2014. Para kay Zanjoe naging maganda at puno ng biyaya ang taong 2014.

Hindi rin daw nakaapekto sa kanya ang mga intrigang naipukol sa relasyon nila ni Bea.

“Masasabi ko na parang lahat ng naging desisyon ko sa mga projects ay tama.

"Puro magaganda ang kinalabasan, parang naging tama ang desisyon ko sa pagpili para sa movies, ’tapos itong serye."

Tungkol naman sa personal life niya, napanatili nito ang pagiging matatag at matibay sa gitna ng mga intriga sa relasyon nila ni Bea.

Lahad ni Zanjoe, “Paminsan-minsan talaga, mayroong mga intriga, ’di maiiwasan yun.

"Tingnan mo pag tinanong ako tungkol sa taong ito, puro magaganda ang naiisip ko.

"Kung mayroon mang talagang nakaapekto sa akin, yun ang papasok sa isip ko pero wala, e.”

SOLO LEAD ROLE. Matapos siyang mapanood sa mga seryeng The Wedding, Dyosa, at Lovers in Paris ng ABS-CBN, ang Dream Dad ang maituturing na kauna-unahang teleserye na pinagbidahan talaga ni Zanjoe.

Sa ngayon ay consistent na mataas ang ratings ng teleserye kung saan nakapangalan sa kanya mismo ang titulo nito.

May mga pagkakataong nagna-number one ito sa lahat ng primetime shows base sa Kantar TNS media survey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi raw maalis kay Zanjoe ang makaramdam ng kaba at pressure.

Sabi niya, “Oo, may pressure talaga pero ’di nila ako pini-pressure.

"Ako lang siguro sa sarili ko, pini-pressure ko ang sarili ko.

"Kinakabahan pa rin ako, lagi pa rin, ’di nawawala yun.

"Siyempre mahirap, mahirap yung bibitbitin mo ang isang show."

Malaki rin ang pasasalamat niya dahil mahusay ang batang kasama niya kaya higit na gumanda ang tinakbo ng istorya ng teleserye.

"Nakakatuwa at napakasuwerte ko na napakahusay ng kasama kong bata, si Janna.

“Magaling ang batang yun, yun ang bagong discovery ng ABS.”

HIGH RATINGS. Naniniwala si Zanjoe na maraming dahilan kung bakit nagustuhan at tinatangkilik ng publiko ang Dream Dad.

“Siguro nagustuhan ng audience yung pagiging light, yung pagiging totoo ng bawat eksena.

"Yung pagiging realistic ng kuwento, yun ang naging magic ng Dream Dad.

"Sana tuloy-tuloy pa rin ang umpisa nila sa mga darating pang linggo, marami pa kaming ipapakita.

“Actually, nakaka-pressure nung umpisa pero nung nabasa ko yung script, sa umpisa pa lang, naniniwala talaga ako sa grupo.

"Ang galing ng creative, ang galing ng direktor namin, ang galing ng unit ni Ms. Ginny [Monteagudo-Ocampo].

"Alam ko na, naramdaman ko na maganda ang ipapakita ng show.

"Yun na lang ang inaasahan namin na pag naipalabas, kung paano nila tatanggapin.”

Siniguro din ng aktor na marami pang dapat abangan ang publiko sa tatakbuhin ng istorya sa mga darating pang araw.

“Marami pa, ngayong nagkasama kami na kami ni Baby, ang dami pang mangyayari.

"Darating sa puntong malulungkot si Baste, makikikita ninyo kung paano siya pasasayahin ni Baby.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN