Rocco Nacino vows to fulfill each item on Lovi Poe’s wish list

Rocco Nacino hopes to take his relationship with Lovi Poe to the next level. In the meantime, "I’m looking forward to fulfilling this wish list with her, and spending more occasions with her... "


Natanggap na raw ni Rocco Nacino ang Christmas gift sa kanya ni Lovi Poe, pero hindi pa niya alam kung ano ito.

Bubuksan niya ito sa December 24 pa, "Wala akong ginagawa ngayon kundi inaalog ko nang inaalog ‘yong naka-wrap na gift niya sa akin."

Alam na naman daw ni Lovi kung ano ang gift ni Rocco sa kanya kaya lang ay sa January pa niya ito makukuha.

“Something para sa bahay niya na no’ng nakita niya, gustung- gusto niya.

"So nag-order ako at sabi ko, ’Ito na ang gift ko sa ‘yo.’"

Pero ayaw sabihin ni Rocco kung ano iyon, “Secret!” tawa pa niya.

Nakalipat na sa bagong bahay si Lovi at nahihilig daw ito sa pagluluto ngayon.

“’Yong shrimp na niluluto niya ang pinakagusto ko, magaling siyang magluto.

“Wow! She cooks really well.

“Ako, actually, natuto na rin akong magluto.

"Ako naman ang nagluluto ng parang healthy food para sa kanya.

“Recently nga, ‘yong ipinost niya sa Instagram na ginawa kong orange chicken with brown rice, it’s something healthy, with potato sliders, ‘yong mga gano’n.”

SO RIGHT FOR EACH OTHER. Parang husband and wife material na nga sila para sa isa’t isa?

“Masyado ka namang advance sa mga gano’n!” tawa ulit ni Rocco.

Marami naman talaga ang nagsasabi na parang sila na nga ang magkakatuluyan.

“Okey naman sa akin. I’m open… malay mo, hindi natin alam.

“Pero ako, I’m hoping, napapag-usapan na rin namin.

“Pero hindi pa natin alam, marami kaming priorities pa, e.

“What’s good about this is we support each other sa career namin.

"Gusto naming ma-achieve lahat ‘yong mga goals namin bago… ‘yong sa next step.

“Kailangang makuha muna naming lahat, lahat pati ‘yong mga nasa wish list namin.”



WISH LIST. Nakalista sa kanilang wish list ‘yong Europe tour, at natupad na nila ito. Kasunod naman ay ang plano nilang pagbabakasyon sa Japan early next year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Madami pa, madadagdagan at madadagdagan pa ‘yon.

“So I’m looking forward to fulfilling this wish list with her, and spending more occasions with her.

"Every thing is great, masaya.”

Perfect couple ang tingin ng marami sa kanilang dalawa ni Lovi. Smooth ang takbo ng kanilang relasyon na parang hindi sila nag-aaway.

“Nag-aaway din kami, pero hindi talaga ‘yong grabeng away.

“Petty quarrels lang, tampuhan, ‘yong gano’n, yeah!”

Sino ang unang naggi-give up kapag nagkakatampuhan sila?

“Minsan siya, minsan ako. Quits lang kami lagi.”

Paano ba siya suyuin ni Lovi kapag nagkakaron sila ng misunderstanding?

“Mag-i-smile lang siya, okey na ‘yon!” tawa na naman niya.

Paano naman niya sinusuyo si Lovi?

“Nagpapa-cute ako lagi! Ha-ha-ha!”

Madalas nga raw niyang napapatawa si Lovi.

“Siguro that’s one trait na I’m proud of, napapatawa ko siya.”

CHRISTMAS WITH LOVI. May pagkakaiba ba ang Christmas celebration niya ngayon dahil may Lovi Poe na sa buhay niya?

“Napag-usapan na rin namin kung paano ang ano sa December 24. We’ll have dinner with my family.

“’Tapos sasama naman ako sa family niya for Noche Buena.

“Kami, sa family ko, we celebrate Christmas on the 25th. Sila naman, sa Noche Buena, sa 24th.

“So sakto, walang conflict, masaya.

"Nando’n din ang mga cousins ko on the 25th, may program kami kasama si Lovi.

“May pambato na kaming singer!” natawang pagtukoy niya kay Lovi na magaling kumanta.

“’Tapos kainan, the usual na exchange gifts.

“At the same time, may programs nga kami, games.

“Kasiyahan lang, whole day na fun lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN